[{{mminutes}}:{{sseconds}}] X
Пользователь приглашает вас присоединиться к открытой игре игре с друзьями .
Обычный тагальский
(0)       Используют 3 человека

Комментарии

Ни одного комментария.
Написать тут
Описание:
Тексты длиной 270-300 символов
Автор:
Phemmer
Создан:
25 декабря 2017 в 20:50 (текущая версия от 31 октября 2021 в 15:19)
Публичный:
Нет
Тип словаря:
Тексты
Цельные тексты, разделяемые пустой строкой (единственный текст на словарь также допускается).
Информация:
Отрывки из книг:
Jose Rizal - Ang "Filibusterismo"
Jose Rizal - Noli Me Tangere
Sofronio G. Calderón - Dating Pilipinas
Pascual H. Poblete - Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal

Тексты с диакритикой начала XX столетия.
Присутствуют знаки:
áóíúéàèìòùâîôûÁÓÍÚÉÀÈÌÒÙÂÎÔÛ¡¿ ̃

Поиск и подбор материала: Phemmer, HelixOfTheEnd
Нарезка отрывков словаря: Phemmer
Содержание:
1 Balót ng̃ liwanag sa umaga, hayo na ang maputî niyang katawán (na iniwawasiwas ang maitim na usok) na nagpapagaláw sa alon ng̃ ilog at nagpapaawit sa hang̃in sa mg̃a maigkás na kawayang nasa sa magkábilang pangpáng; may nagsasabing nag-uumusok din ang daóng ng̃ Pamahalàan!.
2 At ang pagkayamót ng̃ babai'y nararagdagan sa bawà't pagsigáw ng̃ Kapitán ng̃: baborp! estriborp!, bubunutin ng̃ mg̃a marino ang kaniláng mahahabàng tikín at isasaksák sa isá't isáng gilid at pinipigil sa tulong ng̃ kaniláng mg̃a hità't balikat na másadsád sa dakong iyon ang bapor.
3 Ang aling Victorinang itó ay kilalá dahil sa kaniyang mg̃a kasagwâan at mg̃a himaling. Dumádalóng palagì sa mg̃a lipunán at siya'y tinitiis doon kailan ma't kasama ang kaniyáng pamangkín, si Paulita Gomez, magandá at mayamang binibini, ulila sa amá't iná, na kinúkupkóp ni aling Victorina.
4 Ang mag-aalahás ay isáng taong yayát, mataas, malitid, nápakakayumanggí, suot inglés at ang ginagamit ay warìng salakót na timsim. Katang̃ìtang̃ì sa kaniya ang mahabàng buhók na putîng putî na nátitiwalî sa misáy na itím, madalang, na nagpapakilala ng̃ kaniyáng pagkamestiso.
5 Makaraán yaón ay dumádatíng ang ibáng lalawigan, pagkatapos ay ibá namán, sunód sunód sa paggawâ sa loob ng̃ mg̃a taón; ang gawâin ay natatapos at ng̃ayó'y hináhang̃àan natin, naglalakbáy tayo, napaparoon tayo sa Egipto ó sa Roma, pinupuri natin ang mg̃a Faraon, ang mg̃a mag-aanak na Antonina.
6 Ang iláng binatà lamang, na ang karamihan ay nang̃ag-aaral, madalîng makilala dahil sa kaniláng kagayakang lubhâng maputî at sa maayos na kiyas, ang nang̃ang̃ahás magyao't dito sa popa at proa, na palundáglundág sa mg̃a bakol at kaha, masasayá dahil sa nálalapit na pagpapahing̃á sa pag-aaral.
7 Ng̃unì't ang dalawá ay hindî nakikihimasok sa mg̃a maglalakbáy na babai kundî nakikipagtálo, sa may dakong proa, sa isáng matandâ na may makiyas at matuwid na tindíg. Siláng dalawá'y kapuwâ kilalá at iginagalang mandín alinsunod sa ting̃íng ipinatátanaw sa kanilá ng̃ ibá.
8 Nang makaraan iyon at sa kapanahunan na natin, kahit nábabakás sa kanyá ang kamáy ng̃ tao, ay may nábabanggít díng mang̃isáng̃isáng bangkâng nátataób, at kung sa paglikô ay hindî ko ginagamit ang anim kong sentido ay hindî malayòng mapabarandal sa kanyáng mg̃a tagiliran.
9 Nagsuot lalaki at lumigid sa ung̃ós ng̃ Cabo, sa pagparito, at humaráp sa Ilustrísima na hiniling̃áng tumupád sa pang̃akò. Ang kahiling̃a'y hindî mangyayari, at ipinagawâ ng̃â ng̃ Arsobispo iyang yung̃ib na nákita ninyóng may takíp at napapalamutihan sa pagpasok ng̃ mg̃a punòng gumagapang.
10 Ang kabantugan niyá sa pagkaenkantada ay buhat sa ugalì niyang paghahagis sa ilog ng̃ mg̃a kasangkapang pilak na ginagamít sa mg̃a pigíng niyang dinádaluhán ng̃ maraming ginoo. Isáng lambát ang nasa ilalim ng̃ tubig at siyang sumasahód sa mg̃a kasangkapang doon na nahuhugasan.
11 Sapagkâ't tignán ninyó; tawagan pá namán ng̃ isáng insík na hindî binyagan, sa gitnâ ng̃ kasakunàan, ang isáng santó na hindî niyá sinasambá at marahil ay kilala lamang sa ding̃íg... Itó'y hindî sákop noong sáwikaíng mabuti pá ang masamáng kilalá na, kay sa mabuting kikilalanin pá.
12 Ang kaniyáng anák na si Tales (palayaw ng̃ Telesforo) ay nakisamá muna sa isáng namumuhunan; ng̃unì't ng̃ malaunan, ng̃ magkaroon ng̃ dalawáng kalabáw at mg̃a iláng daáng piso, ay gumawâ na sa sarili, na katulong ang kaniyáng amá, ang kaniyáng asawa at ang kaniyáng tatlóng anák.
13 Ang bagay na iyón na sadyáng ibiníbigáy ng̃ pagkakabungkál ng̃ lupà na saganà sa sarisarìng bágay, ay inakalà niláng higantí ng̃ mg̃a lamán-lupàng naninirahan sa gubat, kayâ't kinalamay nilá ang kaniláng loob at ipinagpatuloy ang gawàin sa pag-asang lumipas na ang pagkamuhî ng̃ espíritu.
14 Nang aanihin na ang unang taním ay inangkín ang mg̃a lupàng iyón ng̃ isáng "Corporación" ng̃ mg̃a prayle na may pag-aarì sa bayang kalapít, na ang ikinakatwiran ay nasa sa loob ng̃ kaniláng mg̃a hanganan, at upáng mapatunayan ang gayón ay itinayô noon dín ang kaniláng mg̃a muhón.
15 Ipagpalagáy mong ang tatlóng pûng pisong iyán ay natalo sa sugal, ó kayâ'y nahulog sa túbig at kinain ng̃ buwaya. Ang ani ay nagíng masaganà, nábilí sa mabuting halagá, at inisip ni Tales ang magtayô ng̃ isáng bahay na tablá sa nayon ng̃ Sapang, ng̃ bayang Tiani, na kalapít ng̃ San Diego.
16 Nakaraán ang isá pang taón at dumatíng ang isá pang mabuting ani, at dahil sa paganitó ó pagayóng sanhî ay ginawâ ng̃ mg̃a prayle na limáng pûng piso ang canon, na pinagbayaran namán ni Tales upang huwag siláng magkagalít at sa dahiláng umasang maipagbibilí sa mabuting halagá ang asukal.
17 Nang taóng yaón ay naganáp ang kaniláng pang̃arap: manirahan sa bayan, sa kaniláng bahay na tablá sa nayon ng̃ Sapang, at inisip ng̃ amá at ng̃ nunò ang papag-aralin ang dalawáng magkapatíd, lalònglalò na ang babai, si Juliana ó Hulî, gaya ng̃ kaniláng tawag, na magiging magandá sa warì.
18 Ng̃unì't ang pang̃arap na itó'y warìng ukol sa hindî pangyayari. Ang unang ginawâ ng̃ bayan, ng̃ mákita ang untîuntîng pagtigháw nilá, ay ang paghahalal na kabisa sa pinakamalakás na gumawâ sa mag-aanak; ang anák na pang̃anay na si Tanò ay may labíng apat na taón pá lamang.
19 Nang makita ni matandâng Selo ang mukhâ ng̃ kaniyáng anák, ay hindî nakapang̃ahás na banggitín ang buwaya, ng̃unì't tinangkâ niyáng paglubagín sa pagsasabi ng̃ ukol sa mg̃a kasangkapang pútik at ipinaalaala, na sa mg̃a usapín, ang nananalo'y nawáwalán ng̃ barò't salawál.
20 Ng̃unì't si Tales, gaya ng̃ sinomang may maiklîng paghuhulò, ay patuloy sa layon, kailan ma't nakakábanaag ng̃ katwiran. Humihing̃î ng̃ mg̃a katunayan, katibayan, kasulatan, título, ng̃unì't walâng máipakita ang mg̃a prayle at walâng pinanghahawakan kundî ang mg̃a nakaraang pag-alinsunód.
21 Ng̃unì't inayos ko ang mg̃a bukiríng itó, ang asawa ko't anák ay nang̃amatáy sa pagtulong sa akín sa paglilinis, kayâ't hindî ko siyá maipagkákaloob sa sino mang hindî makagawâ sa kanilá ng̃ higít sa ginawâ ko. Diligín muna silá ng̃ dugô ng̃ nagnanasà at ilibíng sa kanilá ang asawa't anák.
22 May iláng araw na hindî binatì ng̃ nunò ang amá, si Hulî ay nagkasakít, ng̃unì't hindî tumulò ang isá mang paták na luhà ni kabisang Tales; dalawáng araw na hindî umalís sa bahay, na warìng nang̃ang̃ambá sa pagsisi ng̃ kaniyáng mg̃a kanayon; natatakot tawaging siyáng pumatáy sa kaniyáng anák.
23 Ang ginawâ namán niyá ay kinuha ang matandâng palakol ng̃ kaniyáng amá at ipinatuloy ang kaniyáng paglalakád na nakapang̃ing̃ilabot. Si matandâng Selo at si Hulî ay nang̃ang̃ambá sa tuwîng áalís siyá ng̃ bahay. Si Hulî ay títindíg sa habihán, dudung̃aw, nagdádasal ng̃ mg̃a nobena.
24 Dalawáng araw ang ibinigáy na taning. Ikinasindák na lubhâ ng̃ mag-anak ang balità at lalò pa mandíng naragdagán ang gayón, ng̃ mabatíd na lálabás ang Guardia sibil upang usigin ang mg̃a tulisán. Kung magkátagpô at magkálabanán ay alám ng̃ lahát na ang unang mápapatáy ay ang dakíp.
25 Ang sabi ng̃ tagabukid na inutusan ng̃ mg̃a tulisán, ay marahil magsisilayô silá, kayâ't kung magluluwát sa pagbibigáy ng̃ tubós ay lalawig ang araw at si kabisang Tales ay pupugutan ng̃ ulo. Ang sabing itó'y nakatulíg sa dalawá, na kapuwâ mahihinà at kapuwâ walâng magawâ.
26 Hindî niyá máipagbilí hanggáng hindî maalaman ng̃ nagbigáy. Madalíng ipinagbilí ang mg̃a sukláy, hikaw at kuwintás ni Hulî sa isáng mayamang kapitbahay at dinagdagán pá ng̃ limáng pûng piso; kulang pa rin ng̃ dalawang daan at limang pû. Maaarìng isanglâ ang agnós, ng̃unì't nápailíng si Hulî.
27 Iminunkahì ng̃ isáng kalapít na ipagbilí ang bahay, bagay na sinangayunan ni tandâng Selo ng̃ boông lugód, sapagkâ't bábalík sa gubat upang makapang̃ahoy na mulî na gaya noong una, ng̃unì't ang gayón ay hindî mangyayari ang sábi ni Hermana Balî sa dahiláng walâ ang tunay na may-arì.
28 Sa isáng dako namán ay walâng maraming gagawín si Hulî, manahî lamang, magdasál, samahan siya sa simbahan, magpanatá maminsánminsán ng̃ patungkol sa kaniyá. Lumuluhàng pumayag si Hulî sa kasundûan, tinanggáp ang salapî at nang̃akòng sa kinabukasan, araw ng̃ Paskó, ay maglilingkód na siyá.
29 Sa isáng dako namán ay tinangkâ ni Hulî ang matulog, ng̃unì't malaong hindî nápikít ang mg̃a matá. Nang mapayapà na dahil sa kapalaran ng̃ magulang, ay ang kaniyá namáng kalagayan ang inisip ng̃unì't tinitimpî ang pag-iyak na walâng humpáy upang huwag máding̃íg ng̃ matandâ.
30 Sa kinabukasan ay alilà na siyá, at yaón pá namán ang araw na karaniwang idatíng ni Basilio na galing sa Maynilà't may daláng handóg sa kanyá... Dapat na niyáng limutin ang pag-irog na iyon; si Basilio, na dî malalao't magiging manggagamot, ay hindî maaarìng mag-asawa sa isáng maralitâ.
31 At nákikiníkinitá niyá na tumutung̃o sa simbahang kasama ng̃ pinakamayaman at pinakamagandáng dalaga sa bayan, na kapuwâ silá gayák na gayák, maliligaya at kapuwâ nang̃akang̃itî, samantalang siyá, si Hulî, ay súsunódsunód sa kaniyáng pang̃inoon at ang dalá'y nobena, hitsó at durâan.
32 Sumúsunód ang dalawáng hanay na batàng malulungkót, mg̃a walâng katawatawa, na warìng pinilit lamang. Ang ilán ay may daláng huepe at ang ibá ay kandilà, at ang ibá ay paról na papel na may tukod na kawayan, at nang̃agtitilìan sa pagdarasál ng̃ rosario, na, warìng may kaaway.
33 Ang Birhen ay isáng magandáng larawan, na may anyông hapís, na kagaya ng̃ lahát ng̃ larawang gawâ ng̃ mg̃a pilipino, ayos na nahihiyâ dahil sa ginawâ sa kaniyá marahil ng̃ P. Kura. Sa dakong harapán ay may iláng kantores at sa likurán ay iláng músiko at ang mg̃a kaukuláng guardia sibil.
34 Ináantay siyá, upang balitàan, ng̃ katiwalà na may malakíng paggalang sa kaniyá mulâ noong mákita siyáng bumúbusbós na warìng inahíng manók lamang ang iníiwàan. Ang dalawáng manggagawà ay nápipiít, ang isá'y mátatápon sana sa malayòng bayan... namatáy ang iláng kalabáw.
35 Ang pagrerepike ay humintô at ang mg̃a tugtóg na lamang ang nádiding̃íg sa katahimikan ng̃ gabí, sa gitnâ ng̃ lagaslás ng̃ mg̃a dahong pinagagaláw ng̃ simuy at mg̃a dagundóng ng̃ alon ng̃ kalapít na lawà, na warì'y hilík ng̃ kadalagahang nálululong sa isáng mahimbíng na pagtulog.
36 Tinung̃o ang punò ng̃ balitìng malakí, mahiwaga, matandâ, (na binubuô halos ng̃ mg̃a ugát na pataás at paibabâ na warì mg̃a sang̃áng nang̃agkasalásalabíd) na nakatayô sa kalagitnáan. Humintô sa piling ng̃ isáng buntón ng̃ bató, nag-alís ng̃ sombrero at warìng nanalang̃in.
37 Yaón ang libing̃an ng̃ kaniyáng Iná, at ang unang dinadalaw niyá ay ang libing̃ang iyóng walâng nakababatíd, walâng nakamamalay. Sa dahiláng sa kinabukasan ay dadalaw sa mag-aanak ni kabisang Tales, ay sinamantalá niyá ang gabíng yaón upang gumanáp sa gayóng kautang̃án.
38 Naupô sa isáng bató at warìng nag-iisíp. Sumipót sa kanyáng pagbubulaybulay ang mg̃a panahóng nakaraán na warìng isáng maitîm at mahabàng badhâ na mapulápulá sa simulâ, matapos ay nakapang̃ing̃ilabot, may bahid na dugô, at sa hulí'y maitím, maitím, abuhíng malinaw at untîuntîng lumiliwanag.
39 Ng̃unì't tumiwasáy siyá sa hulí, ng̃ mákitang sa tatló ó apat na raáng kasama niyá ay may apat na pû lamang ang nátatanóng sapagkâ't nápuna silá ng̃ parìng nagtuturò dahil sa kiyas, ó kayâ'y dahil sa isáng kalikután, ó kayâ'y dahil sa kinalugdán, ó kayâ'y dahil sa ibá pang sanhî.
40 Ang isá sa mg̃a gurô ay lubhâng kilalá, náiibigan ng̃ lahát; kinikilalang marunong, dakilàng makatà at may mg̃a pagkukuròng malayà. Isáng araw na kasama ng̃ mg̃a "colegial" sa paglilibót ay nákagalít ng̃ iláng "cadete", na, nagíng sanhî muna ng̃ simulâng pag-aaway at pagkatapos ay paghahamunán.
41 Dinalá siyáng galák na galák ng̃ mg̃a nag-aaral at iniharáp sa propesor; mulâ niyon ay nákilala siyá at kinagiliwan. Dahil sa pangyayaring itó at dahil din namán sa kaniyáng pagsusumigasig sa pag-aaral ay nagtamó siyá ng̃ mg̃a sobresaliente at medalla pá ng̃ taóng iyon.
42 Dinaan ang bachillerato sa gitnâ ng̃ kagalakán ng̃ kaniyáng mg̃a propesor at sa paglilitis ay ipinagmalakí siyá sa haráp ng̃ mg̃a hahatol na dominiko na pinaparoon upang makibatyág. Upáng mapawì ng̃ bahagyâ ang kagalakán ay tinanóng ang nililitis kung saan nag-aral ng̃ mg̃a unang taón sa latín.
43 Ng̃unì't ¿sino ang Ibarra, doon sa dalawáng taong kaniyáng nákaharap, ang buháy ó ang patáy? Ang katanung̃ang itó na itinátanong niyá sa sarili, kailan ma't napagsasalitâan ang pagkamatáy ni Ibarra, ay mulîng pumasok sa kaniyáng pag-iisip sa haráp ng̃ mahiwagàng táong yaón.
44 Kung gayón ay sino ang isá pa, ang buháy, ang Simoung itó na manghihiyas, na noon ay anyông dukhângdukhâ at ng̃ayó'y mayamangmayaman at kaibigan ng̃ mg̃a may kapangyarihan? Doo'y may lihim na sa kalamigang loob ng̃ ating nag-aaral ay ninasàng tahûín, at inantáy ang kailang̃ang pagkakátaon.
45 Mainam ang pagkakátaón, walâng nakababatíd ng̃ aking pagparito, akó'y may sandata, kayó'y walâ; sa mg̃a tulisán ibibintáng ang kamatayan ninyó kun dî man sa isáng bagay ng̃ kabiláng mundó... ng̃unì't, gayón man ay babayàan kong kayó'y mabuhay at inaakalà kong hindî ko ipagdaramdam sa hulí ang gayón.
46 Hinatulan na ang kaniyáng sarili, yarì na, at ayokong mamatáy ng̃ hindî ko muna siyá mákitang durógduróg sa kailaliman ng̃ bang̃ín. At iniunat ni Simoun ang kaniyáng mg̃a kamáy na tung̃ó sa lupà, na warìng sa kilos na iyón ay ibig palagîin doón ang mg̃a labí ng̃ nasirà.
47 Hindî magiging siyáng karaniwang salitâ dito kailán man ang wikàng kastilà, hindî siya gagamitin ng̃ bayan, sapagkâ't ang mg̃a bukál ng̃ pag-iisip at pusò nitó ay walâng katimbáng na salitâ sa wikàng iyan; bawà't bayan ay may kaniyáng sarili, gaya rin namán ng̃ pangyayaring may sariling pagdaramdám.
48 Ang isá't isá sa inyó ay nakalilimot na samantalang ang isáng bayan ay may sariling wikà ay tagláy niyá ang kaniyáng kalayàan, gaya rin namán ng̃ pagtatagláy ng̃ tao ng̃ pagsasarilí samantalang tinatagláy ang kaniyáng sariling pagkukurò. Ang wikà ay siyáng pag-iísip ng̃ bayan.
49 Mabuti na lamang at ang inyóng pagsasarilí'y sadyâng dáratíng: ¡inaandukhâ siyá ng̃ mg̃a kalaswâán ng̃ tao!... Si Simoun ay humintô at pinahid ng̃ kamáy ang noo. Ang buwan ay sumisikat at iniháhatíd doon ang kaniyáng malamlám na liwanag na nakalúlusót sa puwang ng̃ mg̃a sang̃á.
50 Batíd ninyó kung sino akó, alám ninyó ang aking mg̃a tiniís, paniwalàan ninyó akó; hindî kayó kabilang ng̃ karamihan na ang ting̃ín sa mag-aalahás na si Simoun ay isáng maglalakò na nag-uudyók sa mg̃a may kapangyarihan sa gawâng pamamasláng upang ang mg̃a naapí'y bumilí sa kaniyá ng̃ hiyas.
51 Binabantayán kayó gabí't araw ng̃ mg̃a may pakanâ ng̃ inyóng kasawîán; naghihinalàng kayó'y nag-aantáy ng̃ isáng sadyâng panahón; inaakalàng isáng mahigpít na hang̃ád na makagantí ang inyóng pagpupunyagîng matuto, ang inyóng hilig sa pag-aaral, sampû ng̃ inyóng pananahimik.
52 Pag ang isáng katawán ay hindî na kumikilos ay hindî na kailang̃ang siyá'y patibayin. Dalawáng pûng taóng ganáp na pagkaalipin, na pang̃ang̃ayupapàng walâng likat, walâng hulaw na pagkakaratay, ay nakalilikhâ sa kaluluwá ng̃ isáng pagkahukót na hindî maitutuwid sa isáng araw.
53 Ng̃unì't sa ilalim ng̃ larawan ay walâng nátagpûán kundî ang sulat ng̃ kaniyáng amá na humihíng̃î ng̃ limáng daang pisong pangtubós... Walâ ng̃ daan kundî ang lumakad. Nang mákitang ang kaniyáng lelong ay hindî kumikilos, ay inakalàng natutulog, at naglutò na siyá ng̃ salabát na pang-agahan.
54 Sa dahiláng naglíliwanág na at nákita ang kaniyáng lelong na nakaupô sa isáng sulok, na sinusundán ng̃ ting̃ín ang lahát ng̃ kaniyáng kilos, ay kinuha ang kaniyáng tampipì ng̃ damít at nakang̃itîng lumapit upang humalík ng̃ kamáy. Benindisionan siyá ng̃ matandâ na walâng kaimíkimík.
55 Malaon nang nakaalís si Hulî at mataás ng̃ lubhâ ang araw. Si tandâng Selo ay nakadung̃aw at tinátanáw ang mg̃a nakagayák na taong tung̃o sa bayan upang magsimbá sa misa mayor. Halos lahát ay may dalá ó kayâ'y kilik na batàng lalaki ó batàng babai na nabibihisang warì'y tung̃o sa isáng kapistahan.
56 Napagmamasdán ni tandâng Selo ang pagdaraan ng̃ kaniyáng mg̃a kaibigan at malungkót na iniisip na walâ siyáng maibibigáy na aginaldo sa kang̃ino man ng̃ taóng iyón at ang kaniyáng apó ay umalís na walâng tagláy na aginaldo at hindî man lamang siyá nábatì ng̃ magandáng paskó.
57 Tunay ng̃âng kung hindî siyá nagsumbóng ay hindî marahil sinamsám ang mg̃a armás at hindî marahil nábihag si kabisang Tales: ng̃unì't siyá, si Fr. Clemente, ay kailang̃an niyá ang mag-ing̃at at ang Tales na iyón ay may isáng ting̃íng warì'y humahanap ng̃ dakong patatamàan sa kaniyáng katawán.
58 Ang pagsasanggaláng sa sarili ay katwiran. Kung may tulisán man ay hindî niyá kasalanan; hindî niyá katungkulan ang umusig: katungkulan iyón ng̃ guardia sibil. Kung si kabisang Tales ay namalagì sa kaniyáng tahanan at hindî naglibót sa kaniyáng mg̃a lupàín ay hindî sana nábihag.
59 May makálimáng pûng ipinabasa ko ng̃ malakás ang aklát ng̃unì't walâng náisaulo ni bahagyâ; warìng isáng buslô ang ulo, na, punô lamang sámantalang nasa sa tubig. Marahil ay hindî lamang dalawáng pûng taóng indulgencia ang aming tinamóng lahát, sampû ng̃ aso't pusà sa pakiking̃íg sa kaniyá.
60 Itóng isá na nákuha sa mina sa Golconda ay tatlóng kilatis at kalahatì ang timbáng at ang halagá'y higít sa anim na pûng libo. Tinatawaran sa akin iyan ng̃ labing dalawáng libong libras esterlinas nang Virrey sa India, sa pamag-itan ng̃ isáng sulat na tinanggáp ko kamakalawá.
61 Makáilang pumalaták si Sinang at hindî siyá kinurót ng̃ kaniyáng iná, sapagkâ't natutubigan marahil ó kayâ'y sa dahiláng inaakalà niyá na ang isáng mag-aalahás na kagaya ni Simoun ay hindî magnanasàng magtubò ng̃ limang piso pá, humigít kumulang, dahil sa isáng bulalás na hindî napigil.
62 Natitigilan silá dahil sa pagkakamanghâ. Si kabisang Tales ay sa kaparang̃an nakatanáw at iniisip na ang isá lamang sa mg̃a brillanteng iyon, ang pinakamuntî marahil, ay sukat ng̃ maitubós sa kaniyáng anák, huwag maiwan ang bahay at marahil ay maipagpagawâ ng̃ ibáng bukid.
63 Ináantáy ng̃ asawa ni Sinang na makakita ng̃ mg̃a karbungko, mg̃a batóng nag-áapoy at kumíkináng sa gitnâ ng̃ kadilimán. Si kapitáng Basilio ay nasa pintô ng̃ kabantugan; makakikita ng̃ bagay na may katuturán, bagay na katunayan, ang katawán ng̃ kaniyáng mg̃a lagìng pinang̃arap.
64 Kinuha ni kabisang Tales ang agnós at pinihitpihit; malakás na tumítibók ang kaniyáng palipisan, ang kaniyáng mg̃a kamáy ay nang̃ing̃iníg. ¿Kung huming̃î pá kayâ siyá ng̃ lalòng malakí? Makapagliligtás sa kanilá ang agnós na iyon: ang pagkákataóng iyon ay mainam at hindî na mangyayaring mulî.
65 Nagkásundô silá sa gayón at pumanaw noon din si kabisang Tales. Ng̃unì't ng̃ nasa labás na siyá ng̃ nayon, ay nátanaw niyá sa malayò, sa isáng landás na tung̃o sa kagubatan, ang prayleng nang̃ang̃asiwà sa hacienda at ang isáng taong nákikilala niyáng siyang kumuha ng̃ kaniyáng mg̃a lupaín.
66 Nápahintô, hinaplós ng̃ kamáy ang noo at ipinikít ang mg̃a matá; ng̃ mulîng dumilat ay nákitang namimilipit sa kátatáwa ang taong iyón at sapol ng̃ prayle ang kaniyáng tiyan upang huwag pumutók sa katuwâán; at pagkatapos ay nákita niyáng itinurò ang kaniyáng bahay at mulîng nang̃agtawanan.
67 Naghumugong ang kaniyáng taing̃a, náramdamán sa kaniyáng palipisan ang higing ng̃ isáng hagkís, ang ulap na pulá'y sumipót na mulî sa kaniyáng paning̃ín, mulîng namalas ang katawáng bangkáy ng̃ kaniyáng asawa't anák at sa kapiling ay ang lalaki at ang prayleng nagtatawá na pigil ang tiyan.
68 Ang isáng kawaníng may mataas na katungkulan, si don Custodio at isáng prayleng nakatung̃ó at warìng may iniisip ó may kabigatan ang loob (P. Fernandéz ang kaniyáng pang̃alan) ay nang̃agtatalong marahan ang usapan, samantalang payao't dito silá sa dalawáng dulo ng̃ salas.
69 Nápuna sa lahát ng̃ nasa salas ang pagkaguló, at matapos siláng makapagting̃inan ay nápatitig sa General upang mákilala ang ipapasiya. May anim na buwan nang ang kahiling̃an ay nag-aantáy doon ng̃ isáng kapasiyahan at nagíng isáng warì'y casus belli na tulóy ng̃ iláng lupon.
70 Kailán ma'y hindî ko naunawà ang ninanasà ni ang iniisip. ¡Sayang at hindî natin kaharáp ng̃ayón si P. Salvi upang magpakilala sa atin ng̃ pinagmulán ng̃ binatàng iyan! Náaalala kong aking náding̃íg na sinasabing niyong kaniyáng kabatàan ay may ipinakialám sa kaniyá ang guardia sibil.
71 Sa akalà ko ay nárarapat na sang-ayunan ng̃ Pamahalàan ang kahiling̃an at sa gayón ay magpapamalas ng̃ kaniyáng pagkakátiwalà sa bayan at ng̃ katibayan ng̃ kaniyáng pagkakatatag; at siya'y may kalayàang bawìing mulî ang pahintulot kung mákitang dahil sa kaniyáng mabuting kalooban ay nagpapakalabis.
72 Sapagkâ't walâ nang kagaya ng̃ magíng makatwiran, gaya ng̃ sinabi ko sa tuwi na sa aking mg̃a kapatid, ng̃unì't ayaw akóng dinggín. Ang indio, gaya rin ng̃ alín mang bayang batà pá ay mapag-usig ng̃ katwiran; humíhing̃î ng̃ parusa kung nagkasala, at námumuhî pag hindî kinamít ang gayón.
73 Samantala namán ay nagsísimulâ ang mg̃a kilusán at gumágaláw ang mg̃a pulúpulutóng; pumanaog na sa klase ang propesor sa Písika at Kímika. Ang mg̃a nag-aaral, na warìng nawalán ng̃ pag-asa, ay pumasok sa loób ng̃ páaralán na nang̃akabitíw ng̃ iláng bulalás sa dî kasiyahang loób.
74 Ang mákilala ay katimbáng ng̃ pagkaraán ng̃ isáng taón, sa dahiláng kung walâng anomán ang magbigáy ng̃ suspenso sa isáng hindî kilala, ay kailang̃ang magkaróon ng̃ pusòng matigás upang huwag mabaklá sa pagkakita sa isáng binatà na isinisisi sa araw-araw ang pagkaaksayá ng̃ isáng taón niyáng buhay.
75 Ang mg̃a nag-aaral ay hindî nang̃ang̃ailang̃an ng̃ higít pá sa roon, walâng nagháhanáp ng̃ pagtuturò sa pamamag-itan ng̃ pagsasanay sa isáng karunung̃ang lubhâng ukol sa kasanayán; mahabàng panahón nang gayón ang pagtuturò at hindî naguló ang Pilipinas, kundî patuloy pá rin ng̃âng gaya ng̃ dati.
76 Ang katedrátiko ay isáng dominikong batà na tumungkól ng̃ lubhâng mahigpít at mabantóg sa kaniyang pagtuturò sa iláng kátedra sa paaralang San Juan de Letrán. Bantóg siyá sa pagkamabuting manalitâ't mabuting pilósopo at isá sa mg̃a may mainam na maaasahan sa loob ng̃ kaniyáng pangkátin.
77 Datapwâ't kahì't na nagíng propesor sa Geografía ay mayroon siyáng mg̃a iláng pag-aalinlang̃an tungkol sa kabilugan ng̃ mundó at gumagamit ng̃ may makakahulugáng ng̃itî pagsasalitâ ng̃ pag-ikit at pagligid sa araw, at binábanggít yaóng: Ang sa bitûing pagbubulaa'y Isáng pagbubulaang mainam.
78 Ang isáng batàng matabâ, na mukhâng nag-aantók at ang mg̃a buhók ay nang̃agtuwíd at matitigás na warì'y balahibo ng̃ isáng sepilyo, ay naghikáb ng̃ makalinsád-sihang at nag-inát na iniunat ang mg̃a kamáy na warì'y nakahigâ pá sa baníg. Nakita ng̃ katedrátiko at pinag-isipang gulatin.
79 Ang bawà't isá sa mg̃a binatà'y nawalán ng̃ isáng oras pa sa kaniyáng pamumuhay at kasabáy noón ang isáng bahagì ng̃ karang̃alan at pagpapahalagá sa sarili, ng̃unì't sa isáng dako namán ay nararagdagán ang panghihinà ng̃ loob, ang dî pagkagiliw sa pag-aaral at ang mg̃a pagdaramdám ng̃ mg̃a pusò.
80 Sa kakanán ay isáng binatàng may isáng latang sardinas, isáng boteng alak at ang mg̃a baong dalá na galing sa kaniyáng bayan, ay naglulunggatî sa pagpupumilit na siya'y saluhan sa pagkain ng̃ kaniyáng mg̃a kaibigan, samantalang ang mg̃a kaibigan namán ay nang̃aglulunggatî rin sa pag-ayáw.
81 Ang pinagbabatáyang lakás ng̃ mg̃a pamahalàang ukol sa nasasakop ay siyáng pinakamahinà sa lahát, sapagkâ't walâ sa kanilá kundî nasa mabuting kalooban ng̃ mg̃a nasasakupan samantalang ibig kilalanin ang gayón... Ang batayáng katwiran ay siyang inaakalà kong lalòng matibay.
82 Ang mg̃a prayle ay hindî nang̃ang̃aníng̃aníng dumaan ng̃ mg̃a buô buông oras sa kaniyáng tindahan, magíng sa pook na tanáw ng̃ madlâ, magíng sa mg̃a silíd na nasa loob, na, may mg̃a kaayaayang kapulong... Nang gabí ng̃âng iyon, ang kabahayán ay may katang̃ìtang̃ìng anyô.
83 Lubós ang pananalig ng̃ tinurang ginoo na sa balang araw ay mápapasa-kaniyá ang pinakamalakíng tamà, kayâ't muhîng muhî sa mg̃a gayóng kagagawán. Samantala namá'y nagtatapós ang hapunan. Mulâ sa kakainán ay umaabot sa kabahayán ang mg̃a bahagi ng̃ talumpatì, tawanan, mg̃a pagsalangsáng, halakhakan.
84 Ang insík ay nag-anyông walâng malay at sa tulong ng̃ kaniyáng mahimok na ng̃itî ay sinabi sa babaing pumilì ng̃ máibigan; ng̃unì't ang babai, lalòng walâng muwang at lalò pa mandíng mahimok, ay nagpahayag na ibig niyá ang tatló, at kinuhang lahát. Si Simoun ay humalakhák.
85 Nang taóng iyón ay pinagkákaguluhán sa peria sa Kiyapò ang isáng ulo na dî bagay sa tawag na esfinge, na itinátanghál ni Mr. Leeds, isáng amerikano. Malalakíng pabalità na makababalaghán at nakapang̃ing̃ilabot na nakaaakit sa panonoód ang nang̃akadikìt sa pader ng̃ mg̃a bahay.
86 Anang ginoo—itinurò si Juanito Pelaez—ay hindî kagaya ng̃ mg̃a ulong nagsasalità na karaniwang itinatanghal—¡kahi't na! Ng̃unì't ang sanhî ay yaon din; lahat ay dahil lamang sa paning̃in; hintay kayó, ilalagay na paganitó ang isáng salamín, ang isá pa'y sa likurán, ang malalarawan ay matatanaw.
87 Nakikinikinitá ko sa bagay na iyan ang espiritismo, sapagka't kailan man ay gumagamit ng̃ mesa ang mg̃a espiritista, at sa akalà ko'y sapagka't gobernador eclesiástico si P. Salvi ay dapat niyáng ipagbawal ang pagtatanghal. Si P. Salvi ay walâng kasalisalità; hindî sumásagot ng̃ oo ni hindî.
88 Sa kaniyang kagalakan ay hindî na pinupupô ang kaniyáng kalaban at katunggalî. Tinitingnán siyang maminsan minsan ni P. Salvi, ng̃unì't hindî niya pinápansín si P. Salvi, kundî bagkús pa ng̃âng binubunggô ang mg̃a dalaga upang masagì silá, na kinikindatan at tinititigan ng̃ titig na may palamán.
89 Isáng sayang sutlâ na kulay rosa, na nagkakutonkutong mainam ang ayos sa pagkakápigil ng̃ kaniyáng muntîng kamáy, ay nagbibigay dilág sa kaniyáng tuwíd na ulo, na ang mg̃a kilos na inaayusan ng̃ malambót na liig ay nagpapahayag ng̃ pananagumpay na lubós ng̃ kataasan at kalindîán.
90 Yaón ay isáng tindahan ng̃ mg̃a mumuntîng larawang kahoy, na gawâ dito, na nagpapakilala sa sarìsarìng lakí at anyô ng̃ mg̃a ayos, lahì at mg̃a paghahanap buhay sa kapulùan, mg̃a indio, kastilà, insík, mestiso, prayle, klérigo, kawaní, kapitán sa bayan, nag-aaral, sundalo at ibp.
91 At itinuturò ang larawan ng̃ isáng payát na prayle, na warì'y nag-íisíp, nakaupô sa piling ng̃ isáng dulang, ang ulo'y nakapatong sa palad at sumusulat mandín ng̃ isáng sermon. May isáng lámparang nakapagpapaliwanag sa kaniyá. Ang pagkakaibayó ng̃ anyô'y ikinahalakhák ng̃ lahát.
92 Ang larawan ay isáng matandâng babaing bulág ang isáng matá, gusgusin, na nakalupasay sa sahig, gaya ng̃ mg̃a anito ng̃ mg̃a indio, na namimirinsá ng̃ damít. Ang kasangkapan ay nagayahang mabuti; tansô, ang ding̃as ay palará at ang alimpuyó ng̃ usok ay marurumí't pinilipit na bulak.
93 Dalawáng sundalong guardia sibíl na may tandâng mg̃a sibil, ay nálalagay sa likurán ng̃ isáng taong nakabalitì ng̃ matitibay na tanikalâ at ang mukhâ'y natatakpán ng̃ sambalilo: ang pang̃alan ay Ang Lupaín ng̃ Abaká at warìng bábarilín. Hindî naibigan ng̃ marami sa ating mg̃a dalaw ang tanghalan.
94 At doon din nang̃agtatatalo kung ang indio'y may katalinuhan sa pag-eeskultor, kung nárarapat palusugin ang gayóng arte, at sisimulán na ang pagtatalong sabáy-sabáy na pinutol ni D. Custodio sa pagsasabing ang mg̃a indio ay may katalinuhan, ng̃unì't ang paggawâ lamang ng̃ santó ang dapat harapín.
95 At nang̃agpatuloy ng̃ lakad, upang panoorin ang nábabantóg na ulo, na walâng binilíng anománg kahì't masamâng larùan. Humandóg si Ben-Zayb na siyáng makikipag-usap: hindî maáarìng hiyaín ng̃ amerikano ang isáng mámamahayág na mangyayaring maghigantí sa pamagitan ng̃ isáng mapaniràng lathalà.
96 Mabutíng magsalitâ ng̃ wikàng kastilà dahil sa nagtiráng malaon sa Amérika, sa Timog. Hindî sumalansáng sa nasà ng̃ ating mg̃a dalaw; sinabing maaarìng siyasating lahát lahát bago gawín at matapos ang pagtatanghál; sa kasalukuyan ng̃ pagtatanyág ay ipinamanhík na manahimik lamang.
97 Náhintô ang mg̃a birûán, marahan ang mg̃a pag uusap at kahì't na ibig magpatanáw ang ilán ng̃ dî nilá pagpapahalagá sa gayón ay hindî pumulás ang tawa sa mg̃a labì. Ang damdám ng̃ lahát ay warìng nápasok sa isáng bahay na may patáy. Isáng amóy suób at pagkít ay siya pang nakapagpaparagdág sa gayón.
98 Si Ben-Zayb ay nakabitíw ng̃ kalahatìng tung̃ayaw, napaurong, mulîng ipinasok at iniwagaywáy ang mg̃a kamáy niyá sa ilalim ng̃ dulang: walâng maapuhap. Ang mesa ay may tatlóng paang bakal na maliliít na nakabaón sa lupà. Ang mamamahayag ay tuming̃ínting̃ín sa lahát ng̃ sulok na warìng may hinahanap.
99 Ang kagalakan ko'y gayón na lamang sapagkâ't inakalà kong nakátagpô ng̃ isáng momia ng̃ mg̃a anák harì; ng̃unì't gaano ang aking samâ ng̃ loób ng̃ matapos paghirapan ng̃ katakot-takot ang pagbubukás ng̃ libíng ay walâ akóng nátagpûán kundî ang kahang itó na mangyayari ninyóng siyasatin.
100 Ang pagkakamanghâ ko'y nagíng sindák nang buksán ko't mátagpuán sa loob ang isáng ulo ng̃ tao na ang ting̃ín sa akin ay walâng kakisápkisáp. Sindák, at dahil sa hindî ko maalaman ang gawín sa haráp ng̃ gayóng kababalaghán, ay natulíg akóng nang̃aykáy sumandalî na warìng isáng gulilát.
101 Akó'y nagbalíkloob... Sa akalàng yaón ay isáng malikmatà lamang ay tinangkâ kong mapalipas yaon at ipinatuloy ko ang pagbasa ng̃ pang̃alawáng salitâ. Babahagyâ ko pa lamang nasasabi, ay nálapat ang takíp ng̃ kaha, nawalâ ang ulo, at ang nápalít na mulî ay ang isáng dakot na abóng itó.
102 Ang lubós na pagbatyág ay nálalarawan sa lahát ng̃ mukhâ; nagharì ang katahimikan. Maliwanag na maliwanag na nádiding̃íg ang ing̃ay at kaguluhan sa daan; ng̃unì't ang lahát ay nagugulumihanan kayâ't ang kaputol na salitàang umabot hanggáng sa kanilá'y hindî man nilá náinó.
103 Ang mg̃a matáng iyón ay may matalas na ningníng na nararagdagán pa ng̃ kaniyáng mg̃a panglook, at sa dahiláng abyssus abyssum invocat, ang mg̃a matáng iyón ay napatitig sa mg̃a malalalim at nang̃ang̃alóng matá ni P. Salvi na dilát na dilát na warì'y nakakikita ng̃ isáng multó.
104 Ang ulo'y bumitíw ng̃ isáng kasakitsakit na daíng na warì'y galing sa kaíbuturan ng̃ pusò at nákita ng̃ mg̃a nanonood na ang kaniyáng mg̃a matá, ang mg̃a matáng iyón na nagbabaga, ay nawalán ng̃ kináng at napunô ng̃ luhà. Nang̃iníg ang lahát at naramdamáng nanindíg ang kaniláng buhók.
105 Paglalagáy ng̃ kaha sa ibabaw ng̃ mesa ay pinipisíl ang isáng resorte at dahandahang tumátaás ang mg̃a salamín; pagkatapos ay aalisin ang kayo na pag-iing̃atang buhatin at huwag bataking padausdós at sa gayón ay naaayos ang dulang nang kagaya ng̃ karaniwang dulang ng̃ mg̃a "ulong nagsasalita".
106 Ng̃unì't nang mákitang tinótotoo ni Plácido ang pagsasalitâ at nápansín sa matá nitó ang sigwáng bumabayó sa kalooban, ay nákilalang, dalá ng̃ kasawîán, ay sadyáng tunay ang sinasabi. Mg̃a iláng sandalîng hindî nakapang̃usap at pagkatapos ay naghinagpís ng̃ katakot-takot.
107 Kahì't makabibilí akó ng̃ mg̃a bago ay ginugugol ang kuwalta sa mg̃a pamisa at mg̃a handóg kay San Sebastian, kahì't na walâ akóng pananalig sa kaniláng bisà, sapagkâ't dinadalosdalos ng̃ parì at ang santó ay bagong bago at hindî pa marunong gumawâ ng̃ kababalaghán, at hindî batikulíng kundî lanitì.
108 Patuloy si kabisang Andáng sa kaniyáng paghihinagpís. Hindî niya hiníhing̃îng kumampí sa mg̃a prayle, siya man ay hindî rin; lubos niyáng batíd na sa bawà't isáng mabuti ay may sampûng masamâ na kumukuha ng̃ salapî ng̃ mahihirap at nagpapadalá sa mayayaman sa tatapunán.
109 Patuloy si kabisang Andáng ng̃ pagtutukóy sa mg̃a pilipinong mapakumbabâ at paciencioso, gaya ng̃ sabi niyá, at babanggít pa sana ng̃ ibá na dahil sa hindî gayón ay nang̃ápatapon at pinag-uusig, nang si Plácido, dahil sa isáng muntîng bagay na dinahilán, ay umalís at naglagalág sa mg̃a lansang̃an.
110 Linibot na tátang̃á-tang̃á at masamâ ang uló ang Síbakong, Tundó, San Nicolás, Sto. Cristo, na hindî pinúpuná ang araw at ang oras, at nang makáramdam lamang ng̃ gutom at naunawàng walâ siyáng kuwalta dahil sa ibinigáy niyáng lahát sa mg̃a pistahan at mg̃a ambagan, ay sakâ umuwî sa kaniyáng bahay.
111 Sa boong linakaran ay namalagìng walâng imík si Simoun na warìng may iníisip na isáng malakíng bagay. Sa pag-aantáy ni Plácido na siya'y kausapin ay hindî bumibigkás ng̃ anománg salitâ at naglibáng sa pagmamasíd sa maraming naglalakád na sinásamantalá ang kaliwanagan ng̃ buwan.
112 At sa pag-iisíp ng̃ ukol sa Hongkong ay itinatanóng sa sarili kung ang mg̃a gabíng may buwan sa pulông yaon ay kasíng inam, kasíng sasaráp ng̃ sa Pilipinas, at isáng matindíng kalungkutan ang bumálot sa kaniyáng pusò. Ipinag-utos ni Simoun na humintô ang sasakyan at lumunsád siláng dalawá.
113 Nang mg̃a sandalîng yaón ay siyáng pagdaraán sa kaniláng tabí ni Isagani at ni Paulita Gómez na nagbubulung̃an ng̃ matatamis na salitâ; sa likurán ay kasunód si aling Victorina na kasama si Juanito Pelaez, na malakás ang pagsasalitâ, nagkúkukumpáy at lalò pang nakukubà.
114 Namanghâ si Plácido nang mákitang naglalakád sa mg̃a poók na iyon ang mayamang mag-aalahás na warì'y sanáy na sanáy doón. Sa kahulihuliha'y nakaratíng silá sa isáng warì'y kulób na malakí na may nag-iisáng muntîng bahay na dukhá na nalilibid ng̃ saging̃án at mg̃a punò ng̃ bung̃a.
115 Nang mg̃a sandalîng iyón ay tinútugtóg sa mg̃a orasán ng̃ mg̃a simbahan ang iká sampû at kalahatì ng̃ gabí. Makaraan ang dalawáng oras ay nilisan ni Plácido ang bahay ng̃ mag-aalahás at walâng imík at nagiisíp na lumakad sa Escolta, na walâ nang katao tao kahi't na masayá pa rin ang mg̃a "café".
116 Ipinikít ni Simoun ang kaniyang mg̃a matá at malaong namalagì na walâng katinagtinag; matapos ay hinaplós ang kaniyang noo, ayaw silayan ang kaniyang budhî at natakot. Ayaw, ayaw surìin ang kaniyang sarili, kinulang siya ng̃ katapang̃an upang ling̃unín ang dakong kaniyang dinaanan.
117 Kung akó'y gumaya sa inyó ay nasawî akó marahil... Siya na ang pang̃ang̃arap, siya na ang malîng pagkukurò! Apóy at patalím sa bikat, parusa sa kasamâán, at masirà pagkatapos kung masamâ ang kasangkapan! Hindî, pinag-isip ko nang mabuti, ng̃unì't akó'y nilalagnát ng̃ayón.
118 Sa kay D. Custodio, ang kundiman, ang balitaw, ang kumintáng ay mg̃a tugtuging árabe, gaya rin namán ng̃ mg̃a titik sa pagsulat ng̃ matatandâng pilipino, at sa bagay na itó'y walâ siyáng pag-aalinlang̃an, kahì't hindî niya kilala ang árabe, ni hindî man siya nakákita ng̃ katitikang pilipino.
119 Paniwalàan ninyó akó, isáng kawanggawâ ang palagìin ang bawà't isá sa kalagayang kinaroroonan; diyán naririyan ang kaayusan, ang pagkakasundô. Iyan ang lihim ng̃ karunung̃an sa pamamahalà. Kung tinutukoy ni D. Custodio ang kaniyáng paraan sa pamamahalà ay dî na nasisiyahan sa salitâng arte.
120 Hindî kamí kagaya ng̃ mg̃a inglés at mg̃a holandés, na upang mapanatili sa pag-alinsunod ang mg̃a bayan ay gumagamit ng̃ pamalò... ang aming ginagamit ay ibáng paraan na lubhâng malumanay, lubhâng matibay; ang malunas na tulong ng̃ mg̃a prayle ay higít sa pamalòng inglés.
121 Kailan pa man ay hindî na siya malilimot at tataglayín niya ang pagkilala ng̃ utang na loob ng̃ bayan! Warìng isáng matandâng magatod na nakátagpô ng̃ isáng balutang ináamag na mg̃a sulat sa palasintahan, ay tumindíg si D. Custodio at lumapit sa lalagyán ng̃ mg̃a aklát.
122 Sa takilya ay nagkaroon ng̃ kaguluhan, awayán, tinukoy ang pagpipilibustero at ang ukol sa lahì, ng̃uní't gayón man ay hindî rin nakakuha ng̃ bilyete. Nang labíng limáng minuto na lamang ang kulang sa ika waló ay malalakíng halagá na ang itinatawad sa isáng uupán sa entrada general.
123 At dahil sa mabuting pagkakaalaalang iyón, ang kaawàawàng si Ben-Zayb, ay lumalakad na lubhâng maing̃at na ang inilalakad ay kamáy, hindî namin sinabing paa, upang huwag gayahan si P. Camorra na may masamâng ugalìng ipintás kay Ben-Zayb na paa ang ginagamit nitó kung sumusulat.
124 Si Tio Kikò ay bumulóng ng̃ iláng salitâ at pang̃ung̃usap na dî malinawan, kung ang mg̃a prayle ay manghíhimasok sa pagbabalità ng̃ mg̃a palabás dulàan ay papasok namán siyàng prayle. At matapos makapagpaalam sa kaniyáng kaibigan ay lumayông uubóubó at pinakakalansíng ang kaniyáng mg̃a mamiso.
125 Si Camaroncocido, na tagláy ang dati niyang pagwawalâng bahalà, ay nagpatuloy sa pagyayao't dito na kaladkád ang paá at mapung̃ay ang paning̃ín. Nápuna niya ang pagdatíng ng̃ iláng mukhâng hindî kilalá, na ibá't ibá ang pinanggagaling̃an at nang̃aghuhudyatan sa pamag-itan ng̃ kindát, at pag-ubó.
126 Mg̃a lalaking madidilím ang mukhâ, mg̃a hukót, mg̃a dî mápalagáy at hindî máwastô at masamâ ang pagkakabalátkayô ng̃ suot, na warì'y noon lamang nagsuot ng̃ americana. Hindî nang̃agsisilagáy sa unang hanay upáng makápanood na mabuti, nang̃agkakanlóng sa dilím, na warìng ayaw na silá'y mákita.
127 Tingnán mo, hayán at dumáratíng pa námán ang koronel, mag-away kayâ ang dalawá? Pinígil ng̃ baguhan ang paghing̃á, ng̃unì't ang koronel at ang mahistrado ay malugód na nang̃agkamayan; ang militar, na isáng matandâng bagongtao, ay nagtanóng ng̃ kung anó ang lagáy ng̃ mg̃a kaanak ng̃ kaharáp, at ibp.
128 Iyang kagalanggalang na ginoo na maayos ang pagkakabihis, ay hindî médiko, ng̃unì't isáng manggagamot sui generis; tagláy níyang buongbuô ang similia similibus... Ang kapitán sa kawal na kabayuhan na kaniyáng kasama ay siyá niyáng pinakagigiliw sa mg̃a nag-aaral sa kaniyá.
129 Ang isá na nagpapalagáy na silá'y makipasok sa mg̃a artista sa isáng pintùan ay ang binatàng manggagamot na si M, na nakagawâ na ng̃ maraming mabubuting paggamót; siya man ay sinabi ring maaasahan... hindî lubhâng kubà na gaya ni Pelaez, ng̃unì't higít dito sa katalasan at lalò pang palabirô.
130 Sa dahiláng may mg̃a bulaklák na masasaráp ó matitindí ang amóy, mg̃a buláklák na pumápatáy at mg̃a bulaklák na nakaáalíw, sa mg̃a pangnán ng̃ ating dulàan ay nasasamyô rin ang mg̃a gayóng amóy, nakadiding̃ig ng̃ mg̃a salitàan, usapan, mg̃a salitâng sumísigíd at ng̃umang̃atng̃át.
131 May tatló ó apat na palko lamang ang walâng lamán kahì't nápakagabí na; ikawaló't kalahatì ang takdâng pagsisimulâ ng̃ palabás, ng̃unì't kulang na lamang ng̃ labínglimáng minuto sa ika siyám ay hindî pa itinátaás ang tabing sapagkâ't ang Capitan General ay hindî pa dumáratíng.
132 Alang-alang sa tinatagláy na katungkulan ng̃ naglalabán ay tinawag ng̃ mg̃a bantáy ang kabo, samantalang ang lahát ng̃ taong nároroon ay bumigáy ng̃ matindíng pagakpakan at pinupuri ang katigasan ng̃ ginoong iyon na patuloy rin sa pagkakaupô na warì'y isáng senador romano.
133 Sakâ pa lamang humintô ang mg̃a artillero at tinugtóg ng̃ orkesta ang pasimulâ. Ang ating mg̃a nag-aaral ay nasa isáng palkong katapát ng̃ kinalalagyán ng̃ mananayaw na si Pepay. Ang palkong itó'y handóg ni Makaraig na nakipag-alám na sa babai upang mapalambót si D. Custodio.
134 Bahagyâ na niyáng nápuná ang nangyari sa ginoong ayaw tumindíg sa butaka at ang pagdatíng ng̃ Capitan General; ang tinátanáw niya ay ang tabing ng̃ paglálabasán na may pintáng anyông dáanan, sa pag-ítan ng̃ malalakíng tabing na mapupulá, na tanáw sa isáng hálamanáng sa gítnâ'y may daluyán ng̃ tubig.
135 Ang mg̃a babai, mg̃a anim ó pitóng dalaga, na may pahid na pulá sa mg̃a pisng̃i't labì, may malalaking guhit na itím sa paligid ng̃ matá upang lalòng pakinang̃ín itó, ay ipinamamalas ang kaniláng mapuputîng bisig, mg̃a dalirìng punô ng̃ brillante at mg̃a hitàng mabibilog na warì'y nilalik.
136 Si Serpolette ay nalilibid ng̃ dalawáng makiyas na opisial, ng̃ isáng mangdaragát at ng̃ isáng abogado, nang mákitang súsubóksubók at pumapasok sa lahát ng̃ pook at mg̃a puwang ang isáng mahabàng ilóng na warìng sa tulong noón ay sinisiyasat ang mg̃a kababalaghán ng̃ palabasan.
137 Tunay ng̃â, may mg̃a taong pumaparoon sa mg̃a dulàan na kagaya ng̃ mg̃a burro sa takbuhan: nananalo ang hulíng dumatíng. Nakakikilala kamí ng̃ mg̃a taong lubhâng matitinô na aakyát na muna sa isáng bibitayán kay sa pumasok sa loob ng̃ dulàan bago simulán ang unang bahagi.
138 Gináganáp na mabuti ni Juanito ang kaniyáng tungkulin; maminsan minsan ay umíilíng, tandâ ng̃ dî kasiyahang loob, at sa gayón namán ay nakadíding̃íg ng̃ ubuhan, alíng̃awng̃áw sa iláng pook; kung minsan ay ng̃umíng̃itî, tumátang̃ô at makaraan ang sandalî'y umuugong ang pagakpakan.
139 Samantalang naghaharì ang kaguluhan na gawâ ng̃ mg̃a pag-uunahán sa pagtung̃o sa bihisán upang dulutan ng̃ maligayang batì ang mg̃a artista, at ng̃ mg̃a tumutung̃o namán sa mg̃a palko upang bumatì sa babai, ang ilán ay nagpapahayag ng̃ kaniláng mg̃a pasiyáng ukol sa dulà at sa mg̃a artista.
140 Dalawáng billete lamang ang ipinadalá ng̃ may arì ng̃ palabás sa Pásulatán. Sa mg̃a palko'y ipinagtátanóng kung sino ang may arî ng̃ palkong walâng lamán. Linalùan noon ang lahát sa chic, sapagkâ't siyáng hulíng dáratíng. Hindî maalaman kung saan nagbuhat ang balità na ang palko ay kay Simoun.
141 Ang kaawàawàng nag-aaral sapól ng̃ manggaling sa San Diego upang tubusín sa pagkaalilà ang kaniyang katipang si Hulî, ay mulîng hinaráp ang kaniyáng mg̃a aklát, ang panahón niya'y dinádaan sa hospital, sa pag-aaral ó sa pagkakaling̃à kay kapitáng Tiago, na binábaka ang sakít nitó.
142 Ng̃unì't iniíiling ang ulo at inaalaala si Hulî, ang malawak na kinabukasang nasa sa kaniyang haráp; iniisip niyang mabuhay nang hindî dudung̃isan ang kaniyang budhî. Ipinatutuloy ang pang̃ang̃alagàng takdâ at nagbabantáy. Gayón man, ang may sakít ay lumulubhâng untîuntî sa araw araw.
143 Si kabisang Tales ay nasa sa lupà at sinamahan akó hanggáng dito! Inuulit ko sa inyó ¿sásama kayó sa amin ó ninanasà ninyó ang málaán sa pagdaramdám ng̃ aking mg̃a kabig? Sa mg̃a sandalîng mapang̃anib ang hindî pag-ayon sa kanino man ay isáng paglagáy sa kamuhîán ng̃ dalawáng pangkát na magkalaban.
144 Kaílang̃an ko, na samantalang ang kaguluhan ay nasa ibá't ibáng pook ng̃ siyudad, ay pang̃uluhan ninyó ang isáng pulutóng, igibâ ang pintûan ng̃ Sta. Clara at kunín ninyó doon ang isáng tao na liban na sa akin at kay kapitáng Tiago ay kayó lamang ang makakákilala... Kayó'y hindî mápapang̃anib.
145 Ang kalagayang itó'y nagbibigáy ng̃ malakíng karapatán upang lipulin ang lahát ng̃ dayuhan na warì'y siyáng lalòng mabang̃ís na hayop na maitatapon ng̃ dagat! At inísipisip, na, ang mg̃a taga pulông iyón, na kabaka ng̃ kaniyang bayan ay walâng ibáng kasalanan kundî ang tagláy na kahinàan.
146 Ang masamâ lamang ay naroroon si aling Victorina, si aling Victorina na kaylan ma't nákikita ang binatà'y hindî binibitiwan upang pagtanung̃án nang balitàng ukol kay D. Tiburcio. Tinungkol ni Isagani ang pagtuklás ng̃ kinalalagyán sa pamag-itan ng̃ mg̃a nag-aaral na kakilala niya.
147 Mayroon nang handâng paraan si Paulita; nang magpasalamat ay nagpakunwarîng may pagkamuhî, may samâ ng̃ loob, at ipinahiwatig, sa isáng paraang lubhâng mahinhín, na siya'y nagtataká sa pagkakatagpô doon sa binatà, gayóng ang lahát ng̃ tao'y nasa Luneta, sampû ng̃ mg̃a artistang pransesa.
148 Kapuwâ nagtawanan; ang pagkákasal ni Pelaez kay alíng Victorina ay ipinagkatuwâ niláng mabuti at halos namamalas na niláng nangyari; ng̃uní't naalala ni Isagani na si D. Tiburcio ay buháy at ipinagkátiwalà ang lihìm sa kaniyang giliw, matapos na mapapang̃akòng hindî sasabihin kahì't kanino.
149 Noong araw ay dumádaan akó ng̃ mahahabàng sandalî sa pagmamalas ng̃ pagbabagobagong anyô ng̃ mg̃a ulap, sa pagmamalas sa punòng nag-iisá sa kapatagan, sa isáng talampás, na hindî ko maunawà ang sanhî ng̃ pagkakagayón, na hindî mákilalang lubós ang damdaming yaon na ginigising sa aking kalooban.
150 Dátapwâ'y nákita kitá, kitá'y inibig, at sa pagpapahing̃áng ito sa pag-aaral ay warìng may isáng bagay na walâ sa akin ng̃ akó'y nároon, ang kagubatan ay madilím, malungkót ang ilog na umaagos sa kagubatan, ang dagat ay nakaíiníp, ang abot ng̃ malas sa dakong kalookan ay walâng anománg bagay.
151 Bukas ay mámamayán kamí ng̃ Pilipinas na magandá na ang tutung̃uhin sapagkâ't málalagáy sa mg̃a mairugíng kamáy; ¡Oo! ang kinabukasan ay amin, nákikiníkinitá ko nang kulay rosa, nakikiníkinitá kong ang pagkilos ay magbibigáy buhay sa dakong itó na laong panahóng patáy, náhihimbíng.
152 Nádiding̃íg ko na ang pagsipol ng̃ bapor, ang dagundóng ng̃ mg̃a tren, ang ugong ng̃ mg̃a mákina... namamalas kong pumápaitaas ang usok, ang kaniyáng malakás na hing̃á, at nálalang̃áp ko ang amóy ng̃ lang̃ís; ang pawis ng̃ mg̃a kahang̃àhang̃àng kasangkapan na walâng tígil sa paggawâ.
153 Pagkatapos ay hinudyatán ang kaniyáng mg̃a kasama upang mang̃agsilapit. Nákita niláng lumabás sa pintùan ng̃ magpapansít ang isáng binatà na paling̃ónling̃ón at lumulan, na kasama ang isáng hindî kilalá, sa isáng sasakyáng nag-aantáy sa tabí ng̃ bangketa. Ang sasakyán ay kay Simoun.
154 Mayroon na siyang takdâng gágawín, dalawin ang kaniyáng mg̃a may sakít, paroon pagkatapos sa Unibersidad upang mabatíd ang iláng bagay na ukol sa kaniyáng licenciatura, at sa kahulíhulihan ay makipagkita kay Makaraig dahil sa gugol na mangyayari sa kaniyáng pagkuha ng̃ grado.
155 Libáng sa mg̃a gayóng iniisip ay hindî nápuna ang mg̃a pulúpulutóng na mg̃a nag-aaral na maagang nanggagaling sa loob ng̃ Maynilà na warìng isinará ang mg̃a páaralán; lalò pa mandíng hindî nápuna ang anyông natutubigan ng̃ ilán, ang paanás na usapan, ang lihim niláng hudyatan.
156 Doon sa may pang̃anib, doon tayo dapat pumaroon, sapagkâ't doon nároon ang karang̃alan! Kung ang sinasabi ng̃ mg̃a paskín ay kasang-ayon ng̃ ating karang̃alan at mg̃a damdamin, sino mán ang sumulat, ay mabuti ang ginawâ, nárarapát nating pasalamatan at agarín nating isama sa kaniyá ang ating lagdâ.
157 Kung hindî kapit sa atin, ang ating inuugalì at ang ating mg̃a budhî ay sadyâ nang tumututol sa anománg sumbóng... Nang máding̃íg ni Basilio ang gayóng pagsasalitâ, kahì't na mahál sa kaniyá si Isagani, ay pumihit at umalís. Paparoon siyá sa bahay ni Makaraig upang sabihin ang tungkól sa pagsandalì.
158 Sa dahiláng hindî talós ng̃ binatà ang sanhî ng̃ pinag-uusapan ay palagáy na ipinatuloy ang kaniyáng lakad at pumasok sa pintûan. Dalawáng bantáy na Veterana ang sumalubong sa kaniya't siya'y tinanóng kung anó ang ibig. Nahalatâ ni Basilio na siya'y nagbiglâbiglâ ng̃unì't hindî na makaurong.
159 Kahì't na may pagkukuròng malayà ay nápataás ang ulo ni P. Fernández at tinitigang lipós pagkakamanghâ si Isagani. Ang binatàng iyón ay may mahigít pang pagkamalayà kay sa inakalà niyá; kahì't tinawag siyang katedrátiko, kung tatayahin, ay inaarì siyáng kapantáy, dahil sa nang̃ahás magmungkahì.
160 Tiningnán si Isagani at namalas niyang malakí, hindî madadaíg, namamaibabaw at noon lamang siyá náranasan, sa boô niyáng kabuhayan, ang pag-aakalàng siya'y tinalo ng̃ isáng nag-aaral na pilipino. Nagsisi siya dahil sa kaniyáng pagkakahamon sa pagtatalo, ng̃unì't hulí na.
161 At dahil sa ipinalagáy na tapós na ang salitàan, ay nagpaalam ang binatà. Binuksán ni P. Fernández ang pintô at sinundán siya ng̃ ting̃ín hanggáng nakalikô sa corredor. Malaong pinakinggán ang tunóg ng̃ kaniyáng yabág, pagkatapos ay pumasok sa silíd at inantáy na siyá'y lumabás sa daan.
162 Ng̃ayó'y dinagdagán pa ni P. Irene ang kaniyang sindák sa pagsasalaysáy ng̃ mg̃a bagay na nakapang̃ing̃ilabot. Ang kahabághabág ay pinasukan ng̃ isáng matindíng pagkatakot na náhalatâ muna dahil sa isáng mahinàng pang̃ing̃iníg, na untîuntîng lumálakás hanggáng sa siyá'y hindî na nakapang̃usap.
163 Nang̃akadilat ang mg̃a matá, pawisán ang noo, pumigil sa bisig ni P. Irene, nagtangkâng bumang̃on; ng̃unì't hindî mangyari at matapos na makaung̃ol ng̃ makálawá ay biglâng bumagsák sa ibabaw ng̃ unan. Nang̃akadilat ang matá ni kapitang Tiago at sumasago ang laway: patáy na.
164 Bumábanggít pa ng̃ mg̃a bahagi ng̃ nobena, ng̃ mg̃a aklát na ukol sa mg̃a kababalaghán, sabi ng̃ mg̃a kura, kalagayan ng̃ lang̃it at iba pang mg̃a bagaybagay na ukol din doon. Si D. Primitivo, ang pilósopo, ay galák na galák sa pagtutukóy niya ng̃ mg̃a hakà ng̃ mg̃a teólogo.
165 Ng̃unì't si P. Irene na albasea at siyáng magpapatupád sa náuutos sa testamento ay sumalansáng sa dalawáng palagáy at ipinag-utos na bihisan ang bangkáy ng̃ alin man sa matatandâ niyang damít, at sinabing na tagláy ang anyông pagkabanál, na hindî tinítingnán ng̃ Dios ang bihis.
166 Matapos makadigháy ng̃ makáitló ó makaapat, sapagkâ't may masamâng ugalìng itó ang ginoong Hukóm, ay nagsabing ang tang̃ìng makapagliligtás kay Basilio ay si P. Camorra, kung íibigin niya—at tiningnán ng̃ may makahulugáng títig ang binibini.—Itó'y pinápayuhan niyáng makípag-usap sa kura.
167 Sukat na ang isáng salítâ niya upang mapasa tatapunán ang isáng batàng bagong pang̃anák ó máligtas sa kamatayan ang isáng binitay. Si Hulî ay hindî umíimík, ng̃unì't sa ganang kay hermana Balî ay warìng nabasa sa isáng nobena ang hatol: laan siyáng samahan sa bahay ng̃ parì ang dalaga.
168 Sa daan ay nagmatigás ang dalaga sa pag-ayáw na pumaroon sa kombento, kayâ't nang̃agsiuwî sa kaniláng nayon. Si hermana Balî na sumamâ ang loob dahil sa kakulang̃án ng̃ pagtitiwalà, gayóng siya'y kasama, ay naghihigantí sa paraang binigyán ng̃ isáng mahabâhabâng sermon ang binibini.
169 Yaón ay isáng pagsadlák sa mg̃a kutyâ at paglibák ng̃ lahát ng̃ tao, sampûng si Basilio ay aalipustâ sa kaniyá; hindî mangyayari ang gayón, magpakailan man! Magbibigtí na muna siyá ó magtatalón sa alín mang bang̃ín. Kahì't na anó ang gawín ay nasuwatán na siyá na masamâng anák.
170 At samantala'y ¿kung barilín si Basílio? tinátakpán ni Hulî ang kaniyang taing̃a, lumiling̃ap sa lahát ng̃ sulok at humahanap ng̃ isáng ting̃ig na sukat magtanggól sa kaniyá, tiningnán ang kaniyang lelong; ng̃unì't ang lelong ay pipi at nakatitig sa dulo ng̃ kaniyáng tandós na gamit sa pang̃ang̃aso.
171 Ng̃unì't ang umaga'y nagtagláy ng̃ mg̃a panibagong pag-asa at ayaw pumanaog sa bahay ang binibini, ni pumaroón sa simbahan. Nang̃ang̃anib siyáng mapahinuhod. At sa gayó'y nakaraan ang iláng araw: nananalang̃in at nagtutung̃ayáw, tumatawag sa Dios at ninanasà ang kamatayan.
172 Kinatatakutan ni Hulî ang pananaginip; natatakot siyáng matulog, sapagkâ't ang kaniyáng pananaginip ay isáng sunód-sunód na bang̃ung̃ot. Mg̃a titig na may hinanakít ang lumulusót sa kaniyáng mg̃a balintatáw kapag nápikít, mg̃a daíng at panang̃is ang umuukilkíl sa kaniyáng mg̃a taing̃a.
173 Nakikitang pagalàgalà ang kaniyáng amá, dayukdók, walâng tigil ni pahing̃á; nakikitang si Basilio ay naghihing̃alô sa gitnâ ng̃ daan, may tamâ ng̃ dalawáng punglô, gaya ng̃ pagkakita niyá sa bangkáy ng̃ isáng kalapít-bahay na pinatáy samantalàng iniháhatíd ng̃ guardia sibil.
174 Maputlâ't ang matá'y susuling suling, ay hinanap si hermana Balî at ang boses ay nakatatakot ng̃ sinabing siya'y nálalaán na at itinatanóng kung ibig siyáng samahan. Natuwâ si hermana Balî at siya'y pinayapà, ng̃unì't si Hulî ay hindî nakiking̃íg at warìng nagmamadalî upang makaratíng sa kombento.
175 Nagsasásalitâ kahì't walâng linaw. Lumakad silá. Si Hulî ay náuuna at naíiníp sapagkâ't ang kasama'y náhuhulí. Dátapwâ'y samantalang nang̃alalapít sa bayan, ay untîuntî siyang nanghihinà, nagwawalâng imík, nag-aalinlang̃an, nápapahinà ang hakbang, at pagkatapos ay nápapahulí.
176 Si Hulî ay patuloy na namumutlâ, ang ting̃í'y sa ibabâ at hindî makapang̃ahás na itaás ang matá. Ang akalà niya'y siyá ang tinitingnán ng̃ lahát ng̃ tao at siya ang itinuturò. Isáng pang̃alang mahalay ang humihiging sa kaniyáng taing̃a, ng̃unì't nagbibing̃íbing̃ihan at nagpapatuloy ng̃ lakad.
177 Kinailang̃an ni hermana Balî ang hawakán siyá sa bisig at halos binatak, na pinamamayapà at pinagsasabihan siyá ng̃ ukol sa mg̃a aklát ng̃ mg̃a prayle. Hindî siyá pababayàan, walâng dapat ikatakot; si P. Camorra ay may ibáng bagay sa ulo; si Hulî ay isáng tagabukid lamang.
178 Sa akin ay walâng isusumbát! Yaón ang bayóng nakapagpanibulos. Sa harap ng̃ gayóng sumbát, may halòng galit, handâ sa lahát, gaya ng̃ isáng magpapatiwakal, ay ipinikít ni Hulî ang kaniyáng mg̃a matá, upang huwág mátanaw ang bang̃íng tatalunán, at tulóytulóy na pumasok sa kombento.
179 Isáng buntóng-hining̃á na wárìng hing̃alô ang namulás sa kaniyang mg̃a labì. Sinundán siya at pinagbibilinan ni hermana Balî. Nang kinagabihán ay marahang pinag-uusap-usapan ang nangyari ng̃ hapong iyon. Sa durung̃awan ng̃ kombento ay tumalón ang isáng dalaga na bumagsák sa mg̃a bató at namatáy.
180 Silá na ang una unang hindî naníniwalà doon! Nang ikawaló ng̃ gabí, ay sinasabing mahigít sa pitóng prayle, na galing sa mg̃a bayang kalapít, ang nang̃asa sa kombento at nagpupulong. Nang kinábukasan ay nawalâ nang patuluyan sa nayon si tandâng Selo na dalá ang kaniyáng tandós sa pang̃ung̃usá.
181 Kung gayó'y lalò pa ng̃âng dapat na magpatuloy sa pagkakábilanggô; isáng taón pang pag-aaral, sa lugal na makasasamâ, ay makabubutí sa kaniyá, sa kaniyá at sa lahát ng̃ mahuhulog pagkatapos sa kaniyáng mg̃a kamáy. Dahil sa maraming pagsasanay ay hindî magiging masamâng manggagamot ang isáng tao.
182 Isá pa ng̃âng katwiran upang mátirá! At pagkatapos ay sasabihin ng̃ mg̃a mapagbagong pilibustero na hindî namín ináalagatâ ang bayan!—ang dagdág ng̃ General na tumatawang paaglahì. Nakilala ng̃ mataás na kawaní ang kaniyáng kamalìan at pinang̃atawanán na ang usap ni Basilio.
183 Sa ating mg̃a kilala, ang mg̃a nakalusót na mabutibutí ng̃ kauntî ay si Isagani at si Sandoval: ang una ay nakalampás sa asignatura na pinag-aaralan sa ilalim ng̃ pagtuturò ni P. Fernández at napigil sa ibá, at ang pang̃alawá'y nagawâng mahilo ang mg̃a lumilitis sa tulong ng̃ mg̃a talumpatì.
184 Kákauntîng sisidlán na lamang na may mg̃a galáng at mg̃a panusok ang nalalabí, marahil ay mg̃a panghandóg na kaniyáng ipamímigáy. Aalís na ng̃â siyáng kasama ng̃ Capitan General, na ayaw na ayaw palawigin ang panghahawak sa katungkulan, dahil sa pang̃ing̃ilag sa sasabihin ng̃ tao.
185 Ang ilán lamang, kakauntî, ang nang̃agsising̃itî't hindî umíimík. Nang kináhapunan ay iniutos ni Simoun sa kaniyáng alilà na kung daratíng ang isáng binatàng nagng̃ang̃alang Basilio, ay papasuking agad. Pagkatapos ay nagkulóng sa kaniyáng silíd at warìng nasadlák sa isáng malalim na pagkukuròkurò.
186 Sa ibabaw ng̃ isáng mesa ay may isáng kahang maitím na chagrín, na náhahawíg sa mg̃a pinagsisidlán ng̃ mg̃a kasangkapang pilak na inihahandóg sa kapwâ ng̃ mg̃a mayayaman at mg̃a harì. Binuksán ni Simoun at inilantád, sa ibabaw ng̃ rasong pulá, ang isáng lámpara na katang̃ìtang̃ì ang ayos.
187 Ang balát ay gintông nang̃itím at kuháng kuhá sampû ang mg̃a kilabot ng̃ bung̃ang kahoy. Dahandahang kinuha ni Simoun, at matapos na maalís ang ilawán, ay inilantád ang loób ng̃ sisidlán: ang bao ay patalím, na ang kapal ay mg̃a dalawáng dalì, at maaarìng maglamán ng̃ higít sa dalawáng litro.
188 Noon lamang niyá nakita ang marahás na tubig na napagdíding̃íg niyáng sinasabi, na warì'y tinigis sa dilím ng̃ mg̃a mapapangláw na tao, na lantád na kalaban ng̃ kalipunán. Ng̃ayó'y nasa sa haráp niyá, malinaw at naníniláwniláw, na ibinubuhos ng̃ boông pag-iing̃at sa loób ng̃ mapanutong granada.
189 Noon lamang napadalá si Basilio sa katakutan at nawalâng lubós ang kaniyáng kalamigang loób. Samantala namá'y itinotornilyo ni Simoun ang isáng katang̃ìtang̃ì at pasalisalimuot na kasangkapan, inilagáy ang túbong bubog, ang bomba, at ang lahát ng̃ iyon ay pinutung̃an ng̃ isáng magaràng pantalya.
190 May sinabing isáng pistá si Simoun. Nákitang nagdaan sa harapán niya ang isáng mahabàng hanay ng̃ mg̃a sasakyán na punô ng̃ babai't lalaking kaginoohan na nang̃agsasalitâan; warìng nakakita siya sa loób ng̃ malalakíng kumpol ng̃ bulaklák, ng̃unì't hindî niya pinuná ang bagay na iyon.
191 Ang larawan ni Hulî, na lurayluráy dahil sa pagkakalagpák, ay nagdaán sa kaniyáng pag-iisip; mg̃a maitím na lagabláb ng̃ pagtataním ang nag-apóy sa kaniyáng balintatáw, at mulîng hinimas ang puluhán ng̃ rebolber na dináramdám ang hindî pa pagsapit ng̃ kakilakilabot na sandalî.
192 Ang tang̃ìng walâ sa ayos ay ang mg̃a matitingkád na cromo na ipinalít ni D. Timoteo sa mg̃a dating grabado at mg̃a larawan ng̃ santó ni kapitang Tiago. Hindî siya nahikayat ni Simoun; ayaw ng̃ mg̃a cuadrong óleo ang mang̃ang̃alakal, bakâ may maghinalàng gawâ ng̃ mg̃a artistang pilipino.
193 Mg̃a kumpól na bulaklák, mg̃a buntón ng̃ bung̃ang kahoy na kahalò ng̃ mg̃a sintás at ilaw ang siyáng namumunô sa gitnâ ng̃ mg̃a dulang. Ang pinggán ng̃ ikinasál na lalaki ay may tandâng isáng kumpol na alehandría, ang sa babai ay isá namáng kumpol na bulaklák ng̃ suhà at asusena.
194 Mg̃a maligayang batì, kámayan, mg̃a tapík na warìng pag-aampón sa lalaking bagong kasál, mg̃a ting̃íng patitíg, malansá, masurì ng̃ mg̃a lalaki sa binibining bagong kasál; sa dako ng̃ mg̃a babai ay pagsisiyasat ng̃ kagayakan, ng̃ hiyás, pag taya ng̃ lakás, ng̃ buti ng̃ katawán, ibp.
195 Dumatíng si Jupiter na kasama si Juno, na warì'y isáng kastilyong sususuhan: may brillante sa ulo, may brillante sa liig, sa mg̃a bisig, mg̃a balikat, sa boông katawán! Ang suot ay isáng mainam na kagayakang sutlâ; mahabà ang cola, na may burdáng bulaklák na namumukód sa ibabaw.
196 Dumatíng ang General, ng̃unì't hindî siyá nápuná ng̃ binatà; minámataan ang mukhâ ni Simoun na isá sa mg̃a pumanaog upang sumalubong, at nákilala niyá sa walâng awàng anyông iyón ang hatol na kamatayan sa lahát ng̃ taong nároon, at sa gayón ay pumasok sa kaniyá ang mulîng pagkasindák.
197 Nang mg̃a sandalîng iyón ay pumapanaog si Simoun na namumutlâ nang kauntî. Binayàan ng̃ bantáy si Basilio upang yumukô sa mag-aalahás na warì'y nagdaán ang isáng santó. Nàhalatâ ni Basilio sa anyó ng̃ mukhâ na lilisanin nang pátuluyan ang sawîng bahay na iyón at ang làmpara ay may ilaw na.
198 Nakita ni Isagani na ang kaniyáng kaibigan ay matuling lumalayô na tagláy ang pagmamadalîng nagpapakilala ng̃ tunay na takot at nagpatuloy din nang pagting̃ín sa nakaaakit na mg̃a bintanà, gaya ng̃ caballero de Toggenburg na nag-aantáy na dumung̃aw ang iniibig, na sinabi ni Schiller.
199 Nang mg̃a sandalîng yaón ay walâng tao sa salas; ang lahát ay tumung̃o sa mg̃a kakainán. Náisip ni Isagani na mangyayaring may katunayan ang ikinatatakot ni Basilio. Náalaala ang mukhâ niyáng gulilát, siyá na hindî napapawìan ng̃ kalamigang loób, at nagsimulâ na sa paghuhulòhulò.
200 Nagkaroon silá ng̃ isáng malakíng pagtatalo. Ang mahalagá kay Ben-Zayb ay ang huwag masirà ang isinulat, palakihín ang mg̃a pangyayari upang kumapit ang kaniyáng mg̃a pinagturán. Isáng aling̃awng̃áw ang pumutol sa pagtatalo. Ang mg̃a tulisáng nang̃áhuli ay nang̃agpahayag ng̃ malalakíng bagay.
201 Ang mang̃ung̃ulo sa kanilá'y isáng kastílàng mataas, kayumanggí, maputî ang buhók, na ang sabi'y gágawâ nang gayón sa utos ng̃ General na matalik niyáng kaibigan, pinatibayan pa rin sa kanilá na ang artillería at iláng regimiento ay makikisama sa kanilá, kayâ't walâ siláng dapat ikatakot.
202 Sa gayón, siláng mg̃a náhuli ay nagnasàng gumawâ, kahì't sa kaniláng sarili, at linooban ang isáng bahay liwaliwan na nasumpung̃án, at ipinang̃ang̃akòng ibigáy na walâng kakulangkulang ang dalawáng katlông bahagi ng̃ nasamsám kung paghahabulin ng̃ kastilàng maputî ang buhók.
203 Si Binday, isá sa mg̃a dalagang Orenda, mapaniwalâín at kaigaigayang binibini, ay nakaalaalang nakakita ng̃ mg̃a apóy na bugháw sa bahay ng̃ mag-aalahás, nang isáng hapon na kasama ang iná'y naparoón silá upang mamilí ng̃ bató. Si Isagani'y taimtím na nakíking̃íg, na walâng kaimík-imík.
204 Isáng hanay ng̃ mg̃a kaawàawàng itó na pinaghihinalàan, mg̃a anim ó pitó, na nang̃akabalitì ng̃ abot siko at nang̃átatalìng warì'y pilíng nang tao, ay nang̃aglálakád isáng tanghalìng tapát sa isáng daang namamaybáy sa isáng bundók, na dalá ng̃ sampû ó labíng dalawáng guardia na nang̃akabaríl.
205 Sa gayó'y tumátakbó ang hanay, na, kaladkád ang nádapâ na nágugumon sa alabók at umuung̃al na hiníhing̃îng siya'y patayín: sa isáng pagkakátaón ay nápapatindíg, nápapatayô, at sakâ ipinatutuloy ang kaniyáng paglakad na umiiyak na warì'y batà at isinúsumpâ ang oras na siya'y nagíng tao.
206 Halos sabáy doo'y humaging ang isáng punlô na sinundán ng̃ isáng putók: nabitiwan ni Mautang ang baril, bumitíw ng̃ isáng tung̃ayaw at matapos madalá sa dibdib ang dalawáng kamáy ay umikit at bumagsák. Nákita siyá ng̃ hulí na kumikisáy sa alikabók at linálabasán ng̃ dugô sa bibíg.
207 Isáng muntîng bugá ng̃ asó ang lumalabás sa isáng kasukalan sa dakong itaás. Humaging ang isá pang punlô, náding̃íg ang isá pang putók at ang kabo'y namaluktót na nagtutung̃ayáw at may sugat sa hità. Ang pulutóng ay binabaka ng̃ mg̃a taong nang̃agkakanlóng sa mg̃a batóng nasa kaitaasan.
208 Dahil sa asóng itó at sa kadalang̃an ng̃ putók ay marahil hindî hihigít sa tatló ang baríl ng̃ mg̃a hindî nákikitang kalaban. Samantala namán ay sumasagupà at nagpapaputók ang mg̃a sundalo, nang̃agkakanlóng sa mg̃a punò ng̃ kahoy, humihigâ at nagpupumilit na makapaitaás.
209 Ang unang guardia na nagtangkâng makapanhík ay gumulong na may tamà ng̃ punlô sa balikat. Ang lihim na kalaban ay nakalalamáng dahil sa kinalalagyán; ang mg̃a matatapang na guardia na hindî marunóng tumakbó ay kauntî nang umurong, sapagkâ't nang̃ahihintô at ayaw mang̃agsisulong.
210 Tatlóng guardia ang sumunód, ng̃unì't ang lalaki'y nakatayô rin; sumisigáw, ng̃unì't hindî malinawan ang kaniyáng sinasabi. Ang Carolino ay nápahintô, na warìng nákikilala ang anyông iyón na nababalot ng̃ liwanag ng̃ araw. Ng̃unì't binantâan siyá ng̃ kabo na tátarakan kung hindî magpapaputók.
211 Tumudlâ ang Carolino at náding̃íg ang isáng putók. Ang taong nasa bató ay umikit at nawalâng kasabáy ang sigáw na nakatulíg sa Carolino. Isáng kilusán ang nangyari sa kagubatan na warìng nagpanakbuhan ang mg̃a nároroon. Sa gayó'y nang̃agsisalung̃a ang mg̃a sundalo, na walâ nang kalaban.
212 Matuling nang̃agsipang̃unyapít ang mg̃a sundalo, na inilagáy sa dulo ng̃ baríl ang mg̃a bayoneta at laán sa isáng labanáng subûán; ang Carolino'y siyáng tang̃ìng dahandahan ang lakad, na ang ting̃ín ay pasulingsuling, malamlám, na inaalala ang sigáw ng̃ taong nabuwal dahil sa tamà ng̃ punlô.
213 Nákilala ng̃ Carolino, na dilì ibá't si Tanò, ang anák ni kabisang Tales, na galing sa Carolinas, na ang naghihing̃alô ay ang kaniyáng lelong, si matandâng Selo, na, dahil sa hindî siya makausap ay naghahayág sa kaniyá, sa tulong ng̃ mg̃a naghihing̃alông matá, ng̃ isáng kabuhayang lipús ng̃ sákit.
214 Ang patag na ibabaw, na walâ ni isá mang daóng, ni isá mang layag, ay walâng maiudyók sa kaniyá. Ang pulông maliit na nátatanáw na nag-íisá sa malayò, ay walâng sinasabi sa kaniyá kundî ang tagláy na pag-iisá at lalò pa mandíng nagpapakilala nang pagkaulila ng̃ tinátanáw na kalawakan.
215 Inilapit ang isáng sillón sa dakong ulunán ng̃ may sakít at humandâng making̃íg. Sa mg̃a unang salitâng ibinulóng sa kaniyá ni Simoun, nang sabihin sa kaniyá ang tunay na pang̃alan, ay nápaurong ang matandâng parì at tiningnáng lipús sindák ang kaharáp. Ang may sakít ay malungkót na ng̃umitî.
216 Hindî nagkágayón. Isáng mahiwagàng kamáy ang nag-abóy sa kaniyá sa gitnâ ng̃ isáng kaguluhang gawâgawâ ng̃ kaniyáng kalaban; pang̃alan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayàan, nawalâ sa kaniyá ang lahát at nakaligtás lamang sa kamatayan dahil sa kagiting̃án ng̃ isáng kaibigan.
217 Sa gayó'y isinumpâ niyang maghihigantí. Nagtanan siyang dalá ang kayamanan ng̃ kaniyáng kaanak, na nábabaón sa isáng gubat, nagtung̃o sa ibáng lupaín at inatupag niya ang pang̃ang̃alakal. Nakilahók sa himagsikan sa Cuba, na tinulung̃an ang magkabilâng pangkát, ng̃unì't saan man, siya'y nakikinabang.
218 Ang pang̃ung̃umpisál ay nagíng mahabà at mabigát, ng̃unì't sa boông hinabàhabà ay hindî nagpahalatâ ng̃ anománg pagkakagulat ang nagpapakumpisál at bíbihiràng pinatlang̃án ang may sakít. Gabí na nang si P. Florentino, ay tumindíg na pinapahid ang pawis sa mukhâ at nag-isíp.
219 Hindî; kung balàng araw, ang ating bayan ay magiging malayà ay hindî dahil sa masasamâng hilig at pagkakasala, hindî sa paraang pasamâín ang kaniyang mg̃a anák, dayàin ang ilán, bigyán ng̃ salapî ang ibá, hindî; ang kaligtasan ay may kahulugáng kabanalan, ang kabanalan ay pagtitiís at pag-ibig.
220 Sa isáng pamahalàan na may masamâng hilig ay bagay ang isáng bayang walâng tuus; sa pang̃asiwàang walâng budhî ay mg̃a mámamayang maninibad at mapang̃ayupapà sa loob ng̃ bayan, ng̃unì't mg̃a tulisán at magnanakaw sa mg̃a kabundukan! Kung anó ang pang̃inoon, gayón ang alipin.
221 Náramdamán ni P. Florentino na pinigilan ng̃ may sakít ang kaniyáng kamáy at pinisíl; humintô na inantáy na magsalitâ, ng̃unì't ang tang̃ìng náramdamán niya ay ang dalawá pang pisíl, nakading̃íg ng̃ isáng buntónghining̃á at mahabàng katahimikan ang naghari sa loób ng̃ silíd.
222 Tumanáw sa boô niyang paligid. Nag-íisá siya. Ang ulilang baybayin ay nagtátapós sa malayò na warì'y isáng paguulap, na pinapawì untî-untî ng̃ buwan hanggáng sa makiisà sa lalòng malayòng dako na abot ng̃ tanáw. Ang kagubatan ay bumúbulóng ng̃ mg̃a ting̃ig na walâng linaw.
223 Umikit na makáilan at matuling tumung̃o sa kailaliman na gumuhit ng̃ pabalantók at naglarawan sa kaníyáng makinis na ibabaw ng̃ iláng malamlám na sinag ng̃ buwán. Nakita ng̃ matandâ ang pagtilampon ng̃ mg̃a paták, nakáding̃íg ng̃ isáng buluwák at naghilom ang tubig matapos malamon ang kayamanan.
224 Ng̃ayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot ng̃ teniente ang canyang mg̃a kilay, iguinagalaw ang ulo ng̃ taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.
225 Dapat nating ibucód sa mg̃a pananalitâ ni Fr. Dámaso ang mg̃a pananalitâ ng̃ tao sa mg̃a pananalitâ ng̃ sacerdote. Ang mg̃a pananalitâ ng̃ sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se", ay hindî macasasakít ng̃ loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós ng̃ catotohanan.
226 Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay ng̃a't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; ng̃uni't nabalitaan ng̃ Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hining̃i ang caparusahán .
227 Pitóng taón na ng̃ayong umalís acó rito sa aking bayan, at ng̃ayong aco'y bumalíc ay hindi co mapiguilan ang nasang aco'y bumáti sa lalong mahalagang hiyas niya; sa canyang mg̃a suplíng na babae. Napilitan ang binatang lumayò roon, sa pagca't sino man sa mg̃a dalaga'y waláng nang̃ahás sumagot.
228 Sa pagcá't hindî tinatawag ang dakílang ning̃as ng̃ isip upang ipamalingcahod at magsinung̃alíng. Pinag-usig sa haráp ng̃ hucóm ang isang tao dahil sa inilagáy sa tulâ ang isang catotohanang hindi matututulan. Aco'y pinang̃alanang poeta, ng̃uni hindî aco tatawaguing ulól.
229 Cagulatgulat ang samâ ng̃ loob ng̃ franciscano, sinisicaran ang mg̃a sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán ng̃ masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casaganàan ng̃ haying pagcain.
230 Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang mg̃a pagtutol na iyón, ng̃ macasalubong ng̃ canyang mg̃a matá ang mg̃a matá ng̃ teniente. Ang lalong mataas na oficial sa Filipinas, ayon sa caisipán ng̃ mg̃a fraile, ay totoong malakí ang cababaan sa isáng uldog na tagapaglútò ng̃ pagcain.
231 Datapuwa't ayon sa anyô ng̃ canyang pananalita'y sa canya rin nauucol ang upuang iyón, cahi't na sa mundo. Ang teniente, dahil yatà ng̃ siya'y howag magpacagambalà, ó ng̃ huwag siyang umupô sa guitnâ ng̃ dalawáng fraile, sa maiclíng pananalita'y sinabing áyaw siyang umupô roon.
232 Nakita ng̃ franciscano ang lahát ng̃ itó, dinurog ang mg̃a úpo, humigop ng̃ cauntíng sabáw, pinatunóg ang cuchara sa paglalagáy at bigláng itinulac ang pingga't inilayô sa canyáng harapán. Nalílibang namáng totoo ang dominico sa pakikipagsalitàan sa binatang mapulá ang buhóc.
233 Ng̃uni't sumama pô cayó sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có hang̃gáng tayo'y lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo. Hindî nang̃ag-imican sa loob ng̃ sandalî; may anyóng nagdidilidili ang matandâ at wari'y hiníhing̃i sa canyáng "perilla," na hinihimashimas, na magpaalaala sa canyá.
234 Datapuwa't ipanumbalic natin sa canyáng samaan ng̃ loob sa cura, ang mg̃a pagcacaalit na ito'y lumúlubhà; binábangguit siyá ni párì Dámaso buhat sa púlpito, at cung dî tinutucoy siyá ng̃ boong liwanag ay isáng himalâ, sa pagca't sa caugalian ng̃ paring iyá'y mahihintay ang lahát.
235 Sa pagca't kinacailang̃an niyáng mabuhay, at hindi pahintulot sa canyá ang magtrabajo ng̃ mabigát na macasisirà ng̃ aming capurihan, nagtamó siyá, hindî co alám cung sino ang sa canyá'y nagbigáy, ng̃ catungculang pagca manining̃il ng̃ buwís ng̃ mg̃a carruaje, calesa at ibá pang sasacyán.
236 Datapwa't marami ang mg̃a caaway, at ang ilá'y mg̃a líhim at hindî napagkikilala. Saganà ang mg̃a sacsíng sabuát, at ang caniláng mg̃a paratang, na sa ibang lugar ay mawawal-ang cabuluhán sa isáng salitang palibác ó patuyâ ng̃ nagsásanggalang, dito'y tumitibay at tumítigas.
237 Napilitang iwan ng̃ "alcade" ang canyáng catungculan, hinalinhán siyá ng̃ ibang, ayon sa balita'y, masintahin sa catuwiran, ng̃uni't sa casaliwâang palad, ito'y iláng buwán lamang nanatili roon, at ang napahalili sa canyá'y napacalabis naman ang pagca maibiguín sa mabuting cabayo.
238 Itó ang nakikita ng̃ culang palad sa canyáng harapán. Nang̃amatáy ang mg̃a ílaw ng̃ catapát na báhay, humintô ang músìca at ang caing̃ayan, ng̃uni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na sigáw ng̃ canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng catapusáng horas.
239 Namutlâ at nawalâ ang bituwin, nawalâ rin ang mg̃a bahagyáng sínag nang nagpápatay na bowán; ng̃uni't hindî cumilos ang fraile sa canyáng kinálalagyan: niyao'y minamásdan niyá, ang malayong abót ng̃ ting̃ing napapawî sa ulap ng̃ umaga sa dacong Bagumbayan, sa dacong dagat na nágugulaylay pa.
240 Samantalang natutulog ó nag-aagahan ang ating mg̃a guinoo'y si Capitang Tiago ang ating pag-usapan. Cailán ma'y hindî tayo naguíng panauhín niyá, walâ ng̃a tayong catuwiran ó catungculang siyá'y pawaláng halagá at huwág siyáng pansinín, cahi't sa mahalagáng capanahunan.
241 Lumaláng ang Dios, sa canyáng waláng hanggáng cabaitan, ng̃ mg̃a dukhâ, sa iguiguinhawa ng̃ mg̃a mayayaman, mg̃a dukháng sa halagáng piso'y macapagdarasal ng̃ cahi't labing anim na mg̃a misterio at macababasa ng̃ lahát ng̃ mg̃a santong libro, hanggáng sa "Biblia hebráica" cung daragdagan ang bayad.
242 Doo'y may napapanood na mg̃a larawan ng̃ "Sacra Familia" na pawang garing mulâ, sa ulo hangang dibdib, at gayon din ang mg̃a dacong dulo ng̃ mg̃a camáy at paa, cristal ang mg̃a matá, mahahabà ang mg̃a pilíc matá at culót at culay guintô ang mg̃a buhóc, magagandáng yárì ng̃ escultura sa Santa Cruz.
243 Kinalúlugdan ng̃ mg̃a cura, iguinagalang ng̃ mg̃a sacristán, sinusúyò ng̃ magcacandiláng insíc at ng̃ mg̃a castillero, si Capitang Tiago'y lumiligaya sa religión dito sa lupà, at sinasabi ng̃ mg̃a matataas at banal na mg̃a táong sa lang̃it man daw ay malakí rin ang lacás ng̃ canyáng capangyarihan.
244 At ¿ang mg̃a babae? ¡Ah, ang mg̃a babae! Umaaling̃awng̃aw ng̃ dî cawasà ang mg̃a paratang, na naririnig sa mg̃a mahihirap na mg̃a báhay na pawid, at pinagsasabihang may naririnig daw na mg̃a taghóy, mg̃a hagulhól, na manacànacang may casamang mg̃a uhâ ng̃ isáng bagong caaanác.
245 Hindî tagláy ni María Clara ang maliliit na mg̃a matá, ng̃ canyáng amá: gaya rin ng̃ canyáng ináng malalakí ang mg̃a matá, maiitím, nalililiman ng̃ mahahabang mg̃a pilíc-matá, masasayá at caayaaya pagcâ naglálarô; malulungcót, hindî mapagcurò at anyóng naggugunamgunam pagcâ hindî ng̃umíng̃itî.
246 Taglay ng̃ bawa't isa ang canicanicalang inaacalang icagagalíng ng̃ sariling pagcabuhay, at sa canilang pagcahiwatig ng̃ hilig ng̃ isa sa isa ng̃ mg̃a batà, pinagcayarîan ni Don Rafael at ni Capitang Tiago, ang pagpapacasal sa canilang mg̃a anac, at sila'y nang̃agtatag ng̃ samahan.
247 Bahagyâ pa lamang nacaaalís sa altar ang sacerdote, nagsabi ang dalagang ibig na niyáng omowî, bagay na totoong ipinangguilalás at isinamâ ng̃ loob ng̃ mabaít na tíang waláng boong acalà cung dî ang canyáng pamangking babae'y mápagbanal at madasaling tulad sa isáng monja man lamang.
248 Ang lang̃it ay azul: nagpápagalaw ng̃ mg̃a dáhon at ng̃ mg̃a bulaclac ng̃ halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy rosa,—dahil dito'y nang̃agsisipang̃inig ang mg̃a cabello—de—ángel—ang mg̃a halamang nacabitin, ang mg̃a tuyúng isdâ at ang mg̃a lámparang galing sa China.
249 Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy ng̃ aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá, catá'y paliligayahin, anó man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob ng̃ Lang̃it, at sa pagca't hindî nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; ng̃ayó'y mulíng inuulit co sa iyó.
250 Walâ na ang mabaít at may wagás na puring "Puente de Barcas," yaóng tuláy filipinong-mabaít na nagsusumakit maglingcód, bagá man tagláy niya ang catutubong mg̃a capintasang tumataas at bumábabâ alinsunod sa maibigan ng̃ ilog Pasig na dî miminsang nagpahirap at gumibâ sa tuláy na iyon.
251 Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria" si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang mg̃a kílay; ng̃uni't siyá'y nacaraan na at ng̃ayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng mg̃a anác na babae.
252 Ang masasayáng mg̃a salitâan, ang mg̃a catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon ng̃ Lavapiés, sa Madrid, sampô ng̃ doo'y mg̃a pangliligalig ng̃ mg̃a cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na mg̃a "guindilla" at iba pà.
253 Ng̃uni't nang̃agsitacas ang canyáng mg̃a pagdidilidiling itó ng̃ canyáng makita ang muntíng bundúc-bunducan sa capatagan ng̃ Bagumbayan. Ang namûmucod na bundúc-bunducan sa isáng tabí ng̃ paseo ng̃ Luneta ang siyá ng̃ yóng umaakit sa canyáng ísip at siyáng sa canyá'y nagpapagunamgunam.
254 Tunay ng̃a't cácauntî ang mg̃a caisipáng sa canyá'y iniaral, ng̃uni't hindî ang mg̃a waláng cabuluháng pag-ulit lamang ng̃ mg̃a sinabi ng̃ ibá; pawang mg̃a caisipáng galing sa pananalig na hindî nang̃agculabô sa liwanag ng̃ lalong matitindíng ílaw ng̃ dakilang pagsulong.
255 Hindî namin masábi cung magsesermón ng̃â ó hindî; datapuwa't inaacala naming mg̃a dakílang bagay ang mg̃a pinag-íisip-ísip niyá, sa pagcá't hindî man lamang naiabot niyá, ang canyáng camáy cay capitang Tiago, cayá't napilitang yumucód pa itó ng̃ cauntî upáng hagcán ang camáy na iyón.
256 Lumibot ng̃ macaalawa ó macaatló sa salas si Capitang Tiagong nag-iísip-isip at nagbúbuntóng hining̃á; di caguinsaguinsa'y párang may naisip siyáng magalíng, tumacbó sa pánalang̃inan at pinatáy ang mg̃a candílà at ang lámparang canyáng pinasindihán upang siyáng macapagligtás cay Ibarra.
257 Pagcá áraw na mabúting panahón at umáacyat ang mg̃a batà sa caitaasan ng̃ campanario ng̃ simbahan, na napapamutihan ng̃ lúmot at ng̃ damóng hatíd ng̃ háng̃in; pagcacágayo'y masayáng nang̃agsisigawan, sa udyóc ng̃ cagandáhan ng̃ nátatanaw na humáhandog sa caniláng mg̃a matá.
258 May nátatanaw sa dácong maláyong isáng maliit na bahay, na itinayô sa pangpáng na hindî natacot sa cataasan, sa hang̃ing malacás at sa pinanununghang bang̃íng malálim, at masasabi, dahil sa canyáng malilíit na haligui, na siyá'y isáng cálakilakihang zancuda na nag-aabang ng̃ ahas upang daluhúng̃in.
259 May pinagsasalitaanan pang mg̃a catha't sali't saling sabi tungcól sa gubat na iyón. Hindî nag-iláng buwán at naparoon ang isáng binatang wari'y mestizong castílà, na ang sabi'y anác daw siyá ng̃ nasírà, at nanahán sa súloc na iyón at nang̃asíwà sa pagsasaca, lalonglalò na sa pagtataním ng̃ tínà.
260 Ipinagtátayô ng̃ mg̃a taga Egipto ng̃ mg̃a palacio ang mg̃a patáy, ang mg̃a musulmán nama'y ipinagpápagawâ, silá ng̃ maliliit na mg̃a capilla, at ibá pa; datapowa't ang bayang maestro sa bagay na itó, at siyáng lalong magalíng ang pagcakilala sa púsò ng̃ tao'y ang bayan ng̃ Dahomey.
261 Tinatapacan niyá ng̃ una, ng̃ayó'y iguinagalang niyá; gayón din ang pagcacálibing sa canyang amá. Humintô siyá pagdatíng sa cabiláng daco ng̃ cruz at tuming̃ín sa palibotlibot. Námanghâ at napatigagal ang canyáng casama; hinahanap niyá ang bacás sa lúpa ay walâ siyáng makitang cruz saan man.
262 Nacapugay na lumalacad si Ibarra; sa canyáng mg̃a matá'y walang bumabalong na isáng lúhà man lamang, waláng tumatacas sa canyáng dibdib cáhi't isáng buntóng hining̃á. Lumalacad na parang may pinagtatanauan, marahil sa pagtacas sa anino ng̃ canyáng amá, ó bacâ namán cayà sa dumádating na unós.
263 Tiniticlop ng̃ hang̃in ang canyáng malapad na sombrero; ang canyáng hábitong guinggo'y dumirikit sa canyáng catawán at ipinakikita ang anyo nito; na anó pa't námamasid ang canyáng mg̃a payát na hítang may pagcá sacáng. Sa cána'y may háwac na isáng bastóng palasang may tampóc na gáring.
264 Natatacot ang mabaít na babaeng maguíng pantás ang canyáng anác at macalimot sa Dios, cayâ ng̃a't siyá'y pinapamilì, sa siyá'y magpárì ó íwan niyá ang colegio ng̃ San José. Nang panahón pa namáng iyó'y siyá'y may naiibigang babae, cayá't pinilì niyá ang íwan ang colegio at nag-asawa siyá.
265 Kinuscós ni Tasio ang mg̃a matá, tuming̃ín ulî sa lang̃it at bumulóng: —Ng̃ayó'y dáramdamin cong mahulog ang mg̃a lintíc. At nacatung̃óng pumaroon sa labás ng̃ báyang nag-iisip-isip. Dumáan pô muna cayó!—ang sabi sa canyá sa wicang castílà ng̃ isáng matimyás na voces mulâ sa isáng bintanà.
266 Masasabi náting sa ganáng átin ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahácà ng̃ Purgatorio; nananatili ang pagmamahalan ng̃ mg̃a patáy at ng̃ mg̃a buháy at siyáng nacapipilit sa lálong calinisan ng̃ pamumuhay. Ang casam-a'y na sa tacsil na paggamit ng̃ Purgatoriong iyán.
267 Cung sana'y nanacawin nilá sa akin upang caniláng basahin ay aking ipauubayà, datapuwa't marami ang nang̃ag-iibig na tupukin ang aking mg̃a libro, sa hang̃ád na gumanáp sa akin ng̃ isáng pagcacaawang gawâ, at dapat ng̃ang catacutan ang ganitóng pagcacaawang gawang carapatdapat sa califa Omar.
268 Ipinaríring̃ig ng̃ mg̃a campána, ng̃ voces na tagláy ang malaking laguím, ang caniláng mapangláw na hibíc, at sa sandasandalíng ínihihimpil ng̃ nang̃agbábang̃is na mg̃a culóg ang caniláng matunóg na atúng̃al, isáng malungcót na tugtóg ng̃ campánà, na daíng ang catúlad, ang siyáng humahagulgól.
269 Ang pinacabátà sa canilá, na may malalakíng matáng maitím at matatacutíng mukhâ, pinipilit na idigkít niyá ang canyáng catawán sa catawán ng̃ canyáng capatîd, na totoong nacacawang̃is niyá ang pagmumukhâ, at ang caibhán lamang ay malálim tuming̃ín at may pagcaanyóng matápang.
270 Yaó'y isáng úlong habâ, payát, na may mahahabang buhóc na maitím; salamíng azul sa matá ang siyáng cumúcublí ng̃ pagca bulág ang isáng matá. Yaón ang sacristán mayor, na talagáng gayón cung pakita, waláng íng̃ay, hindî nagpáparamdam ng̃ pagdatíng. Nanglamíg ang magcapatíd.
271 Nátira si Basiliong hindî man lamáng macapagsalitâ. Nárinig niyá, ang mg̃a pagcacáhampáshampás ng̃ catawán ng̃ canyáng capatíd sa mg̃a baitang ng̃ maliit na hagdanan, isáng sigáw, iláng tampál, at unti-unting napáwì sa kanyáng taing̃a ang gayóng mg̃a pagsigáw na nacaháhambal.
272 Kinalás ang mg̃a lúbid na nacatálî sa mg̃a "badajo" (pamaltóc ng̃ campánà), at pagcatapós ay mulíng nanáog na namúmutlâ; ng̃úni't cumíkinang ang canyáng mg̃a matá'y hindî sa mg̃a lúhà. Samantala'y nagpapasimulâ ng̃ pagtílà ang ulán at untiunting lumiliwanag ang láng̃it.
273 Sa pagca't talastás ng̃ lalaki cung hanggáng saan ang sa canya'y pag-íbig at tacot, guinágawa namán niyá ang catulad ng̃ asal ng̃ lahát ng̃ mg̃a diosdiosan: sa aráw-áraw ay lumálalâ ang canyáng calupitan, ang pagca waláng áwà at ang pagcapatupatuloy ng̃ bawa't maibigan.
274 Hindî nang̃ahás si Sisang ulítin ang canyang pagtatanong; datapuwa't ang lubháng mahigpít na casalatán ng̃ caniláng pamumúhay at ang hang̃ád na ang mg̃a báta'y mang̃ag-áral sa escuelahan ng̃ bayan ng̃ pagbasa't pagsúlat, ang siyang sa canya'y pumílit na ipalútoy ang panucalà niya.
275 Yaón ng̃a nama'y isang hapúnang carapatdapat sa mg̃a cura, na canyang handâ sa caawaawang mg̃a batà. Datapuwa't sa isang sawîng palad na pagcacatao'y dumatíng ang asawa niya't kinain ang canin, ang tapang baboy ramó, ang hità ng̃ pato, limang lawlaw at ang mg̃a camatis.
276 Hindî umiimic si Sisa, baga man ang damdam niya'y siya ang kinacain. Nang busóg na ang lalaki'y naalaalang itanóng ang canyang mg̃a anac. Napang̃itî si Sisa, at sa canyang catowâa'y ipinang̃acò sa canyang sariling hindî siya maghahapunan ng̃ gabíng iyón; sa pagca't hindî casiya sa tatló ang nalabi.
277 Macaalawa ó macaatló ng̃ humúni ang calaw sa gúbat, mulâ ng̃ tumilà ang ulan, at gayón ma'y hindî pa dumarating ang canyang mg̃a anac. Inilagay niya ang mg̃a lawlaw sa loob ng̃ palayóc at ng̃ huwag lumamig, at lumapit sa pintuan ng̃ dampâ upang siya'y malibang ay umawit ng̃ marahan.
278 Mainam ang canyang voces, at pagcâ narìrinig nilang siya'y umaawit ng̃ "cundiman", nang̃agsisiiyac, ayawan cung bakit. Ng̃úni't ng̃ gabing iyó'y nang̃ang̃atal ang canyang voces at lumalabas ng̃ pahirapan ang tínig. Itiniguil ang canyang pag-awit at tinitigan niya ang cadiliman.
279 At hindî niyá sinásadya'y nalimutan niyá ang dasál at napatung̃o ang bóong pag-iisip niyá sa canilá, na anó pa't canyáng naaalaala ang mg̃a pagmumukhâ ng̃ báwa't isá sa canilá, yaóng mg̃a mukháng sa towî na'y ng̃umíng̃itî sa canyá cung natutulog, at gayón din cung nagíguising.
280 Datapuwa't caguinsaguinsa'y naramdaman niyáng naninindíg ang canyáng mg̃a buhóc, nangdidilat ng̃ maínam ang canyáng mg̃a matá, malicmátà ó catotohanan, canyáng nakikitang nacatìndíg si Crispin sa tabí ng̃ calan, doón sa lugar na caraníwang canyáng inúup-an upang makipagsalitaan sa canyá.
281 Pinakíkinggán ng̃ curang madilím ang pagmumukhâ at may hawac na yantóc ang sinasabi sa ibáng wicà ng̃ sacrístan mayor, na cakilakilabot ang mg̃a kílos. Nang̃áng̃atal si Crispin, at paling̃apling̃ap ang matáng tumatang̃is sa magcabicabilâ, na párang may hinahanap na táo, ó isáng tagúan.
282 Paggalíng co'y pagdaca'y makikipagkita acó cay Don Crisóstomo, at ipakikiusap co sa canyáng acó'y tanggapíng tagapagpastól ng̃ mg̃a vaca ó ng̃ mg̃a calabaw; malakí na namán acó. Macapag-aaral si Crispin sa báhay ni matandáng Tasio, na hindî namamalò at mabaít, cahit ayaw maniwálà ang cura.
283 Maglalagay acó ng̃ mg̃a sílò at ng̃ mg̃a balatíc at ng̃ macahuli ng̃ mg̃a ibon at mg̃a alamíd, mang̃ing̃isdâ acó sa ílog at pagcâ acó'y malakí na'y mang̃ang̃áso namán acó. Macapang̃ang̃ahoy namán acó upang maipagbilí ó maialay sa may-árì ng̃ mg̃a vaca, at sa ganyá'y matótowâ sa atin.
284 Pagcâ macapag-aararo na acó'y aking ipakikiusap na acó'y pagcatiwalâan ng̃ capirasong lúpà at ng̃ áking matamnan ng̃ tubó ó mais, at ng̃ hindî pô cayó manahî hanggang hating gabí. Magcacaroon táyo ng̃ damít na bágong úcol sa bawa't fiesta, cacain táyo ng̃ carne at malalakíng isdâ.
285 Nakita niya ng̃ matapos ang isang campanang nacabitin sa isang cahoy, at isang mahabang lubid upang tugtuguin: sa lubid ay may nacataling isang vaca, na may isang púgad sa guitnâ ng̃ dalawang sung̃ay, at si Crispin ay nasa loob ng̃ campanà at iba pa. At nagpatuloy sa gayóng pananaguinip.
286 Náraramdaman ni Sisang tumítiboc ng̃ bóong lacás ang canyáng púsò, samantalang pumapanhíc siyá sa hagdanan; hindî pa niyá nalalaman cung anó ang canyáng sasabihin sa párì upang mapahupâ ang galit, at cung anó ang mg̃a catuwirang canyáng isasaysay upang maipagsanggaláng ang canyáng anác.
287 Ng̃uni't hindî niyá nárinig ang sino man at sino ma'y hindî niyá nasumpungán, caya't napatung̃o siya sa cocínà. Diya'y minasdán niyá ang lahát ng̃ mg̃a súloc; malamíg ang pagcacátanggap sa canyá ng̃ mg̃a alilà at ng̃ mg̃a sacritan. Bahagyâ na siyá sinagot sa báti niyá sa canilá.
288 Doon cayó manang̃is sa lansang̃an. Nanaog sa hagdanan ang abang babaeng halos ipinagtutulacan, samantalang nagbubulungbulung̃an ang mg̃a "manang" at pinagbabalacbalac nilá ang tungcól sa sakit ng̃ cura. Tinacpán ng̃ panyô ng̃ culang pálad na iná ang canyáng mukhâ at piniguil ang pag-iyác.
289 Cung gayó'y tantuin ninyóng cailan ma'y hindî mangyayari ang pagtuturong iyán sa mg̃a calagayan ng̃ayón cung waláng isáng macapangyarihang túlong; unauna'y cahi't magcaroon, itó'y sinisira ng̃ caculang̃án ng̃ mg̃a sucat na magamit at ng̃ maraming panírang malíng caisipan.
290 Inacálà cong magbagong palácad ay acó'y pinagtawanán. Upang mabigyáng cagamutan ang casamâang sa inyó'y sinasabi co, aking minagalíng na magtúrò ng̃ wícang castílà sa mg̃a bátà, sa pagca't bucód sa ipinag-uutos ng̃ Gobierno, inacálà co namáng itó'y isáng cagaling̃an ng̃ lahát.
291 Napagkilála cong maliwanag na hindî ng̃â mangyayaring macapag-isip cung na sa mg̃a mata ang "palmeta" ó ang mg̃a pamálò; ang tácot at ang pang̃ing̃ilabot ay nacagúgulo ng̃ bait canino man, bucód sa ang panimdim ng̃ bátà, palibhasa'y lálong guisíng ay lálò namáng madalíng cálimbagan ng̃ anó man.
292 Napagkilala co rin namáng ang caniláng pagcakita sa araw-araw ng̃ pamamalo'y pumápatay sa caniláng púsò ng̃ áwà, at pumúpugnaw niyáng ning̃as ng̃ dang̃al, macapangyaríhang panggaláw ng̃ daigdig, at nálalakip sa gayón ang pagcawalâ ng̃ hiyâ, na mahirap ng̃ totoong mulíng magbalíc.
293 Si Don Catalinong hárì niláng lahát na nagtátag ng̃ escuélahang iyón, hindî nagcuculang sa dalawampo't limá ang pálong ibinibigay, caya't naguing marurunong at mg̃a pári ang canyáng mg̃a anác. ¡Ah! mahahalagá cay sa átin ang mg̃a táo sa úna, ópò, mahahalagá cay sa átin.
294 Binábangguit nila sa akin ang minamagalíng nilang pang̃ang̃atuwiran ng̃ cura, ni Fulano, ni Zutano, at binabangguit naman nila ang canilang saríling catawan, at sinasabi nilang cung hindî sa mg̃a pamamalò ng̃ canicanilang mg̃a maestro'y hindî sana sila nang̃atúto ng̃ anó man.
295 Dahil sa nangyaring itó, napilitan acóng huwag gumamit ng̃ isang palacad, na pagcatapos ng̃ malaking pagpapagal ay nagpapasimulâ na ng̃ pamumung̃a. Sa aking pagng̃ang̃alit, dinalá co kinabucasan sa escuelahan ang mg̃a pamalò, at mulíng sinimulâan co ang aking catampalasanang gawâ.
296 Ang mg̃a ibang tinuturuan co, yaóng mg̃a batang napipilit ng̃ canilang mg̃a magulang na pumasoc sa escuelahan, ang guinagawa'y nang̃aglalagalag sa ibang daco. Binibigyang casalanan nila acó, na sila'y aking pinagpakitaan ng̃ mairuguíng loob at sinisisi nila acó ng̃ maínam.
297 Gayón man, ang isang anac ng̃ tagabúkid, na dumadalaw sa akin sa boong aking pagcacasakít, cayâ hindî na pumapasoc ay dahil sa siya'y nagsacristan: sinasabi ng̃ sacristan mayor na hindî raw marapat na magmaranî sa escuélahan ang mg̃a sacristan, sa pagca't bababà ang canilang urì.
298 Ang mg̃a pader ng̃ salas na iyó'y pinaputî ng̃ pintáng ápog at punóng-punô ng̃ mg̃a dibujong úling ang iguinúhit na humiguít cumúlang ang capang̃itan, humiguít cumúlang ang casalaulàan, na may mg̃a cahalong paunawang súlat upang mapag-unáwang magalíng ang mg̃a cahulugán noón.
299 Narito na si Guinoong Ibarra at ang maestro sa escuela. Bumáti ang dalawáng binátà sa isá't isáng pulutóng; ng̃uni't hindî nakialám sa mg̃a salitâan. Hindî naláo't pumásoc ang gobernadorcillong malungcót ang pagmumukhâ: siyá rin ang nakita nátin cahapong may daláng isáng arrobang candilà.
300 Ayon sa hindî pag-imíc na námamasid, sino ma'y áyaw na siyá'y tawagguin "patres conscripti", síno ma'y waláng tumítindíg: ng̃ magcagayó'y sinamantala ni Don Filipo ang nangyayari at huming̃íng pahintúlot na macapagsalitâ. Nang̃agkindátan at nang̃aghudyátan ng̃ macahulugán ang mg̃a conservador.
301 Malalakíng mg̃a bomba at sadyáng malalakíng mg̃a cohatón ang ibig natin. Iniaanyaya co ng̃a sa inyó ang pagcacagugol sa dalawang daang malalakíng bomba na tigalawang píso báwa't isá at dalawang daang cohatong gayón din ang halagá. Ipagawà natin sa mg̃a castillero sa Malabón.
302 Huming̃íng pahintulot ang capitan ng̃ mg̃a cuadrillero upang magsalíta; pinagcalooban siya, datapuwa't hindî binucsan ang bibig, at mulíng naupóng nakikimî at puspós cahihiyan. Ang cabutiha'y nagtindîg si capitang Valenting siyang pinacamalamíg ang loob sa lahat ng̃ mg̃a conservador, at nagsalitâ.
303 Hinuhudyatán ni capitang Basilio ang bátà upáng sa canyá'y sabihin cung paano ang marapat na paggaláw ng̃ bísig at cung paano ang acmâ ng̃ páa. Ang gobernadorcillo ang tang̃ing nananatili sa hindî pagpansín, nalílibang ó may ibáng iniisip: nahihiwatigan ang dalawang bagay na itó sa canyá.
304 Cung nagcacagayo'y anaki'y dumidilim na lahát sa ating paliguid, at sacali't macakita tayo ng̃ isáng máliit na ilaw sa maláyò, tinátacbo natin ang ilaw na iyón, pinag-uusig natin, at hindî natin alumana cáhi't makitang sa calaguitnâan ng̃ landás ay may isang malalim na bang̃ín.
305 Hindî sinásadya'y itinaás ni Sisa ang canyáng mg̃a matá sa lang̃it, at ang lang̃it ay ng̃umíng̃itî ng̃ caayaayang caliwanagan; lumalang̃o'y ang ilang maliliit at mapuputing alapaap sa nang̃ang̃aninag na azúl. Humintò siyá upang piguilin ang pang̃ang̃atal na lumalaganap sa canyáng boong katawán.
306 Tunay ng̃a't walâ sino mang lumalacad sa daan, ng̃uni't ¿ang háng̃in at ang liwánag ng̃ áraw? Ang tunay na cahihiya'y nacacakita ng̃ tumiting̃in sa alin mang dáco. Tinacpán ng̃ panyô ang mukhâ, at sa paglácad niyáng waláng nakikitang anó man ay tinang̃isan ng̃ waláng imic ang canyáng pagcaamís.
307 Ng̃ayó'y ng̃ mang̃agdaan silá sa canyáng tabi, sa acálà niyá'y siyá'y tinatahac at guiniguiic, at ang caniláng mg̃a ting̃íng may calakip na habág ó pagpapawaláng halagá ay lumálampas sa panyó at tinutudlâ ang canyáng mukhâ. Sa cawacasa'y lumayô ang mg̃a maglalacbay at nagbuntóng hining̃á si Sisa.
308 Inihiwalá niyáng sandalî ang panyô sa canyang mukhâ upang canyáng matingnán cung silá'y maláyò pa sa báyan. May nátitira pang iláng mg̃a halígui ng̃ telégrafo bago dumating sa "bantayan". Cailan ma'y hindî niyá náramdaman ang caunatan ng̃ gayong láyò, cung dî niyón lamang.
309 Hindî mapaglírip ang anyô ng̃ canyáng pagcápanalitâ; yao'y daing, sisi, hibic, yaó'y daláng̃in, yaón ang pighatíng binuò sa tínig. Sinagót siyá ng̃ isáng tang̃ô ng̃ mg̃a sundalong sa canyá'y naháhabag. Nagmadaling nagpauna si Sisa at pagpílit na mag-anyóng tiwasáy ang loob.
310 At hindî siyá nacakikita ng̃ anó man, waláng anó mang iniisip, siya'y tumacbo at nagtágò; nakita niyá ang isáng pintuang may isáng sundalong bantáy, nag-acála siyang pumasoc doon; ng̃uni't siya'y inilihís sa canyang paglacad ng̃ isá pang voces na lalò pa manding mabalasíc.
311 Tinunutón niya ang pinanggaling̃an ng̃ voces, na humáhacbang siyáng halos masung̃abà sa panglulupaypáy; naramdaman niyang siya'y itinutulac sa licuran, siya'y pumikit, humacbáng ng̃ dalawá at sa pagca't kinúlang siya ng̃ lacás, nagpacálugmóc na siyá sa lúpà, paluhód muna at paupô pagcatápos.
312 Dalawáng horas ang itinagal doon ni Sisa, sa isáng anyóng halos ay hibáng, nacauncót sa isáng súloc, nacatágo ang ûlo sa mg̃a camay, gusót at gusamót ang buhóc. Natanto ng̃ alférez ang padakip na iyon ng̃ pagcatanhaling tapát, at ang únang guinawâ niyá'y ang huwag paniwalâan ang sumbóng ng̃ cura.
313 Nagnining̃as ang araw sa taluctóc ng̃ lang̃it at walang anó mang alapaap na nacacucublí sa maningníng niyang cabilugan; bahagyâ na pinagágalaw ng̃ hang̃in ang dáhon ng̃ mg̃a cahoy; hálos tuyô na ang mg̃a daan; waláng mang̃ahas cahi't isang ibon man lamang na iwan ang lilim ng̃ mg̃a sang̃á.
314 Datapuwa't lalò ng̃ lumakí ang mg̃a usap-usapan ng̃ makita nila ng̃ hapon ng̃ icatlóng araw na lumúlunsad si Ibarra sa isang coche, sa harapan ng̃ munting bahay na tinitirahan ng̃ dalagang canyang maguiguing asawa, at bumabati ng̃ boong pitagan sa fraile, na tumutung̃o rin sa bahay na iyón.
315 Sino ma'y walang nacacagunitâ cay Sisa at sa canyang mg̃a anac. Cung pumaroon tayo ng̃ayón sa bahay ni María Clara, isang magandang púgad na na sa guitna ng̃ mg̃a dalandan at ilang-ilang, mararatnan pa natin ang binata't dalagang capuwâ nacasung̃aw sa isang bintana sa dacong dagatan.
316 Sinasamantala ng̃ mg̃a "sirena" sa dagatan ang pag-aagaw-dilím ng̃ oras na iyon ng̃ matúling pagtatakíp-sílim ng̃ hapon, upang isung̃aw sa ibabaw ng̃ mg̃a alon ang canilang masasayáng maliliit na úlo at pangguilalasan at bumatì ng̃ canilang mg̃a awit sa araw na naghihing̃alô.
317 Nacasásamâ sa ákin ang canyáng mg̃a matang malalálim at malulungcót, pagca itinititig niya sa akin ay acó'y natatacot. Pagcâ acó'y kinacausap niyá, siya'y may isáng voces na ... sinasabi sa akin ang mg̃a bagay na totoong cacaiba, na hindî mapaglirip, na totoong cacatuwâ .
318 Pagdating ng̃ mg̃a buwang tag-init ay paparoon cami sa ibang daco. Ng̃umitî si Fray Salví. Nagpasimulâ sila ng̃ pagsasalitaan ng̃ mg̃a bagay-bagay na walang cabuluhan, ng̃ nauucol sa panahón, sa bayan at sa dárating na fiesta; humanap si María Clara ng̃ dahilán at umalís.
319 Datapuwa't kinakailang̃ang dumaló roon pagcatapos na aking maganáp ang aking mg̃a catungculan. ¡Cayó'y mapálad, sa pagca't may calayâan, lubos na may calayâan! Nang macaraan ang iláng sandalî ay nagpaalam si Ibarra upang pang̃asiwâan ang paghahandâ ng̃ fiesta sa kinabucasan.
320 Silá'y limáng mg̃a batang dalagang nang̃agmámadalî ng̃ paglacad, na nagcacacapitcapit ó nacayacap cayá sa bayawang ng̃ calapít, na iláng matandang babae ang sumúsunod at saca iláng mg̃a babaeng alilang sunong ng̃ calugodlugod na anyô ang mg̃a bácol na punô ng̃ mg̃a báon; mg̃a pinggán at iba pa.
321 Nang mag ábot na ang dalawáng pulutóng, ang mg̃a babae ay siyáng nag-anyóng hindî makibuin at matimtiman, na pára manding hindî pa silá nacacapag-aral na tumawa; tumbalíc, ang mg̃a lalaki namán ang nang̃agsasalitâ, nang̃agsising̃itî at tumátanong ng̃ macaanim upang magtamó ng̃ isáng casagutan.
322 Napapamutihan din ang mg̃a tikín at mg̃a sagwán. Sa isáng bangcáng lalong marikit ang pagcacágayac ay may isáng arpa, mg̃a guitarra, mg̃a acordeón at isáng sung̃ay ng̃ calabaw; sa isáng bangcâ nama'y nagnining̃as ang mg̃a caláng lúpà at doo'y iniháhandâ ang chá, café at salabát na gágawing agáhan.
323 Kinailang̃ang lumipat ang iláng bagongtáo sa cabiláng bangcâ upang papanataguin ang loob ng̃ mg̃a natatacot na mg̃a iná. ¡Laking pagcacátaon! Tila mandin may isáng pang̃anib sa tabí ng̃ bawa't dalaga. Walâ cahi't isáng nacapagbibigay pang̃anib na bútas sa tabí ng̃ lahat ng̃ matatandang babae.
324 Mulíng naghárì ang catahimican sa cabilugan ng̃ mapag-ing̃at na mg̃a iná. Datapuwa't hindî sa limpî ng̃ mg̃a dalaga. Sa pagca't hindî gumágalaw ng̃ camuntî man lamang ang tubig, hindî nálalayô ang mg̃a baclád at sacâ totoo pang maaga, pinagcayarîang bitiwan ang mg̃a gaod at mang̃ag-agáhan ang lahat.
325 Di caguinsaguinsa'y dumárating na dalá ng̃ agos ang malilit na bancang úpac ng̃ saguing, na may lúlang iba't ibang bung̃ang halámang nang̃ásasalansan sa ibabaw ng̃ mg̃a mababang̃ong bulaclac. Bawa't isa sa mg̃a bangcâ ay may maliliit na banderang kinasusulatan ng̃ ating canicanyang pang̃alan.
326 Hindî miminsang nasubucan ang táong itó ni María Clarang siyá'y pinagmámasdan: cung nagcacágayo'y dalidaling tumíting̃in siyá sa ibáng dáco at tumátanaw sa maláyò, sa bundóc, sa pampáng. Nahabág ang dalaga sa canyáng pag-íisa, cayá't cumúha ng̃ iláng galleta at sacá inialay.
327 Hindî nacapagpapacunót ng̃ alín mang bahagui ng̃ canyáng mukhâ ang masasayáng tawanan at mg̃a birûan ng̃ mg̃a binata't dalaga; hindî nacapagpapang̃itî sa canyáng matatawaníng si Sínang, na napipilitang sumandalíng icucót ang kílay cung tumátanggap ng̃ mg̃a curót, upang manag-úlì sa dating casayahan.
328 Naghanda ng̃ húgas-bigas, mg̃a camatis at camìas, at tinutulung̃an ó inaabala caya siya ng̃ iláng marahil nang̃agnanais na sila'y canyang calugdán. Linilinis ng̃ mg̃a dalaga ang mg̃a talbós ng̃ calabaza, hiníhimay ang mg̃a patánì at pinapuputolputol ang mg̃a paayap ng̃ casinghahabà ng̃ cigarrillo.
329 Upang libang̃in ang cainipán ng̃ mg̃a nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang mg̃a isdang buháy at nang̃aggagalawan, kinuha ng̃ magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday ng̃ instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì.
330 Tumutol ang mg̃a lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw. "Ang canción ng̃ Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay ng̃ mg̃a cahirapan at mg̃a calungcutan ng̃ matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang mg̃a catuwaan.
331 Natápos ang voces, humintô, napipí ang arpa, at gayon ma'y nagsisipanatili sa pakikiníg; sino ma'y waláng pumalacpác. Naramdaman ng̃ mg̃a dalagang napúpúno ng̃ lúhà ang canilang mg̃a matá. Tila mandín nabábagot si Ibarra at ang binatang piloto'y nacatanaw sa maláyò at hindî cumikilos.
332 Dî caguinsaguinsa'y nárinig ang isáng tunóg na nacabíbing̃i; sumigaw ang mg̃a babae at tinacpan ang canilang mg̃a taing̃a. Yao'y gawà ng̃ naguíng seminaristang si Albino, na hinihipan ng̃ boong lacás ng̃ canyáng lalamunan ang sung̃ay ng̃ calabaw, na "tambúlì" cung tawaguin.
333 At mulî na namang hinipan ng̃ lálò pa mandíng malacás ang matunóg na sung̃ay, at sinasadyang ilapít sa mg̃a taing̃a ng̃ mg̃a dalagang nagpapakita ng̃ capanglawan. Sa gayó'y nagcaroon ng̃â ng̃ caunting caguluhan; siya'y pinahimpíl ng̃ mg̃a iná sa cáhahampas ng̃ chinelas at cácucurot.
334 Nang̃agmámasid ng̃ dî cawásà ang lahát: nakíkinikinita na ng̃ ibáng nang̃agpapalagan at naglulucsuhan ang mg̃a isdâ sa loob ng̃ lambát ng̃ panaloc, cumikináng ang caniláng makikintab na caliskís at iba pa. Gayón man, ng̃ isisilíd ng̃ binátà ang lambát ay waláng anó mang lumúlucsong isdâ.
335 Nagtindig ang piloto, cumuha ng̃ isáng mahabang lúbit at malicsíng pumanhíc sa pinacabatalán ng̃ baclad. Ipinagcaloob ni Leóng ang piloto'y siyáng humalili sa canyáng kinalalagyán. Lumucsó ang piloto sa loob ng̃ pabahay ng̃ baclád, sa guitnâ ng̃ pagtatacá at baga man nang̃agsisigawan ang lahat.
336 Ang túbig ay gumágalaw, umáalimpuyó ang túbig: tila mandin may nagbubunô sa ilalim; umuugâ ang baclád. Hindî umíimic ang lahát, pinipiguil ang paghing̃á. Pinípisil ni Ibarra ng̃ nang̃áng̃atal niyang camáy ang puluhan ng̃ matalas na sundáng. Tila mandin ang pagbubuno'y natapos na.
337 Lumitáw ang buaya: nacátalì ang lubid ng̃ lambal na pahilís sa líig at sa dacong buntót. Malakíng buaya iyón, na gaya na ng̃a ng̃ ibinalítà na ni León may mg̃a pintá, at sa ibabaw ng̃ canyáng licód ay may sumisibol ng̃ lúmot, na sa mg̃a buaya'y siyáng pinacauban cung bagá sa táo.
338 Matuling tulad sa lintíc ay bigláng nahúlog sa túbig ang isáng catawán; bahagyâ na silá nagcapanahóng makitang si Ibarra iyón. Hindî hinimatáy si María Clara, sa pagca't hindî pa natututo ang mg̃a filipinang maghimatay. Nakita niláng namulá ang mg̃a alon, nadampol ng̃ dugô ang tubig.
339 Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nang̃agtatawanan at nang̃agdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo ng̃ sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát ng̃ sabáw at namatáy ang apóy.
340 Tunay ng̃a namáng nacaháhabag tíngnan si párì Salví. Hindî man lamang sinalang ang pang̃alawáng taza ng̃ chocolate, hindî tinicmán man lamang ang mg̃a hojaldeng Cebú; nagpaparoo't parito sa malúang na sálas at kinucuyumos ng̃ canyáng mabut-ong mg̃a camáy ang isáng sulat na manacânacang binabasa.
341 Lumalacad ang tatlóng ang ting̃in ay sa salamín ng̃ túbig at nang̃agháhanap ng̃ talínghágang púgad ng̃ tagác: Basâ silá hangáng sa tuhod, na ano pa't nahihiwatigan sa mg̃a malalapad na cunót ng̃ canilang mg̃a sáyang pangpalígo ang calugódlugód na húbog ng̃ caniláng mg̃a bintî.
342 Nakita niya sa malayô-layô roón, sa guitnâ ng̃ bátis, ang isáng wari'y paliguang magaling ang pagcacabacod, at ang pinacabubóng ay isáng malagong cawayan; may nanggagaling doong masasayáng mg̃a voces ng̃ babae. Napapamutihan ang paliguang iyón ng̃ dahon ng̃ mg̃a niyog, mg̃a bulaclac at mg̃a bandera.
343 Doo'y naroroon ang alférez, ang coadjutor, ang gobernadorcillo, ang teniente mayor, ang maestro sa escuela at ang maraming mg̃a capitan at tenienteng "pasado", patí ni capitang Basiliong amá ni Sínang, na dating caaway ng̃ nasírang si Don Rafael sa malaon ng̃ pinag-uusapan.
344 Sila'y naúupô ó humihilig sa mg̃a dúyang nacabitin sa mg̃a sang̃a ng̃ mg̃a cahoy, ó nang̃aglilibang sa paglalaro sa paliguid ng̃ isáng batóng malapad, na may nacalagay sa ibabaw nitong mg̃a baraja, mg̃a tablero, maliliit na mg̃a libro, mg̃a sigay at mg̃a batóng malilíit.
345 Dumatíng ang oras ng̃ pagcáin. Nang̃agsiupô sa mesang pinang̃ung̃uluhan ni Ibarra, ang cura, ang coadjator, ang alférez, ang gobernadorcillo at ilán pang mg̃a capitan, sampô ng̃ teniente mayor. Hindî ipinahintulot ng̃ mg̃a ináng cumáin ang sinomang lalaki sa mesa ng̃ mg̃a dalága.
346 Pinapahid ni María Clara ang isang lúha sa catuwâan. Humintô ng̃ magcágayon ang tawanan at napipí ang salitàan. Tumíting̃in ang cura sa mg̃a bagongtao't dalaga, na di niyá matutuhan cung anó ang sasabihin; hiníhintay namán niláng magsalitâ ang cura at hindî silá umíimic.
347 Tinatangggap namin ng̃ boong cagandahan ng̃ loob ang sino man sa áming mg̃a pagsasayá, at cayó man, cung cayó'y pumaríto sana, inyó disíng nasunduan ang isáng luclucan sa mesa, na gáya naman ng̃ inyóng alférez na capanayám namin ditong dalawáng horas lámang ang calálampas.
348 At pagcawicà nito'y tinalicuran siyá. Kinagát ng̃ sargento ang canyáng mg̃a bigote, at sa pagca't napagdilidili niyáng siyá ang lalong mahínà, ipinag útos na paghanapin sa magcabicabilâ at sa mg̃a cacahuyan ang piloto, na ang anyô nitó'y nacatitic sa capirasong papel na canyáng dalá.
349 Sa pagca't túnay na hindî kilalá ng̃ alférez cung síno ang táong iyón, hininalang marahil ay ang bantóg na si Elías, na gáling sa lalawígang may iláng buwán pa lamang, na dî alám cung tagasaán, at napakilala sa mg̃a guardia civil sa iláng báyan dáhil sa mg̃a cawang̃is ng̃ gayon din mg̃a cagagawán.
350 At ng̃ayón, sa liwanag ng̃ mapupulá at malalakíng ning̃as ng̃ mg̃a sigsíg; at sa tugtog ng̃ mg̃a guitarra, bayaan natin siláng lumácad na patung̃ó sa bayan. Nagbabawas ang mg̃a pulutóng, namámatay ang mg̃a ilaw, napípipi ang guitarra, samantalang silá'y nálalapit sa tahanan ng̃ mg̃a táo.
351 Ang únang nakita niyá'y ang matandâ, na nacayucód sa isang libro na tíla mandín canyáng sinusulatan. May napanood sa mg̃a pader na tinitipong mg̃a maliliit na mg̃a háyop at mg̃a dahon ng̃ mg̃a cáhoy at damó, sa guitnâ ng̃ mg̃a "mapa" at lúmang estanteng punô ng̃ mg̃a libro at ng̃ mg̃a súlat-camáy.
352 Madaling madalíng siniyásat ang aclat, sa pagca íibig niyang maalaman cung nagsisinung̃aling, at canyang námasdang totoong magalíng ang doo'y pagcacaguhit ng̃ mg̃a hayop, mg̃a gúhit na bilóg, mg̃a gúhit na anyóng pabilóg, mg̃a bulaclac, mg̃a paa, mg̃a camay, mg̃a bisig, at iba pa.
353 Kilalá pô ninyóng totóo ang mg̃a táong nananahan dito; acó'y bágong carárating at hálos acó'y isáng manunuluyang tagá ibang lupaín sa aking sariling bayan. Sinisiyásat ni matandáng Tasiong sa mg̃a mata'y nangguiguilid ang mg̃a lúhà, ang mg̃a planong na sa canyáng haráp.
354 Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libing̃an? Ng̃uni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa liniling̃ap co ang capurihan ng̃ religión.
355 Datapwa't mula ng̃ maisipan ng̃ mg̃a artista sa Tundóng gumawa ng̃ labanán bawa't icalabing limáng "segundo" at maglagay ng̃ dalawang túpay, at magpalabas ng̃ mg̃a cathang lálò ng̃ dî súcat mapaniwalâan, mulâ noó'y caniláng natabúnan ang caniláng mg̃a capang̃agáw na mg̃a tagá lalawígan.
356 Caramihang táo ang dumúducal ng̃ lupa at gumágawâ silá ng̃ isáng maluang at malálim na húcay naghahanay ang ibá ng̃ mg̃a batóng tinibág sa tibagan ng̃ báyan, nagbábaba ng̃ lulan ng̃ mg̃a carretón, nagbúbunton ng̃ buhang̃in, nang̃aglálagay ng̃ mg̃a torno at mg̃a cabrestante.
357 At túnay ng̃a namán; kinalugdán ang panucálang iyón ng̃ lahát hálos. Hining̃î ng̃ curang siyá ang mag-áamang-binyág at magbebendición sa paglalagáy ng̃ únang bató, pagdiriwáng na gágawin sa catapusáng araw ng̃ fiesta, at siyáng gágawing isá sa mg̃a pinacamalaking pagsasaya.
358 Nagwawahi ang tao sa udyóc ng̃ paggálang, at ng̃ sila'y mabigyáng daan. Puspós ng̃ catacatacang cagandahan si María Clara: napáwi ang canyáng pamumutlâ, at cung nananatiling tila may iniísip ang canyáng mg̃a mata, ang canyáng bibig namán ay warì'y waláng ibang nakikilala cung hindî ang ng̃itî.
359 Bumati sa ating mg̃a cakilala, ng̃ na sa tapát silá ng̃ báhay ni capitang Basilio, ang iláng mg̃a kinabataan, at inaayayahang pumanhic muna sa báhay. Ang masayáng voces ni Sinang, na tumatacbóng papanaog sa hagdanan, ang siyáng nagbigay wacás sa mg̃a pagdadahilan upang huwag pumanhic.
360 Ng̃ macatapos ng̃ macainom ng̃ chocolate, napilitan ang ating mg̃a cabataang pakingan ang pianong tinutugtog ng̃ organista ng̃ bayan. Pagca siya'y pinakikinggan co sa Simbahan ani Sinang, nacacaibig acong magsayaw; ng̃ayong piano ang canyang tinutugtóg ang naiisipan co nama'y magdasal.
361 Sucat bang ipahuli ang caawaawang piloto, na sumugbá sa tubig macapagbigay loob lamang.... Hindî niyá natapos ang sinasabi; sa suloc ng̃ plaza na pinagcacantahan ng̃ isáng bulág na lalakî, na isáng guitarra ang catono, ng̃ casaysayang ucol sa mg̃a isdà, may isáng hindî caraniwang napapanood.
362 Carukharukhaang mg̃a panyapác ang nacasuut sa canyáng mg̃a paa. Sumasadilím ang canyáng mukhâ dahil sa canyáng salacót; ng̃uni't manacanacang nagmumulâ sa cadilimáng iyón ang dalawang kisláp, na pagdaca'y napapawi. Siya'y matangcád, at napagkikikilalang siya'y bátà pa, dahil sa canyáng mg̃a galáw.
363 Pagcâ walâ ng̃ lumalapit na sino man, nang̃agsisilabás sa mg̃a cadilimang iyón ang ibáng mg̃a tínig na lalong malulungccót, ng̃uni't hindî na totoong nacalulunos, napasasalamat marahil; dinarampot ang canyang baculan at sacâ lumalayô upang ulitin ang gayón ding gawâ sa ibáng lugar naman.
364 Sa ganitóng cadahilana'y sisipiin naming hindî daragdaga't hindî babawasan ang iláng mg̃a sulat, na ang isá sa canila'y ang sa "corresponsal" ng̃ isang pamahayagang matimtiman at tinatang̃i sa Maynilà, na cagalanggalang dahil sa canyang cataasan at cahigpitang manalitá.
365 Nacapatong si San Diego de Alcalá sa isáng carrong napapamutihan ng̃ mg̃a planchang pílac na nabuburdahan. May malaking capayatán ang Santo, garing mulá sa úlo hanggáng bay-awang, magagalitín at nacacaaalang-alang ang anyô ng̃ pagmumukhâ, baga mán culót ang buhóc sa úlo, na catulad ng̃ mg̃a ita.
366 Nang̃agkindatan ang mg̃a mapaghinala, at nang̃agsing̃ití ang mg̃a castilang nacamasid ng̃ gayóng maiclíng pangyayari. Naguing pulá ang catutubong pamumutla ni Párì Salví. At gayón ma'y wala sa catuwiran ang táo: hindî man lamang nakikilala ng̃ cura ang babaeng iyón, siya'y taga-ibang bayan.
367 Samantalang hinihintay ang Alcalde, nágpapawis at naghihicab ang mg̃a tao; iguinagalaw sa hang̃in ang mg̃a paypáy, mg̃a sombrero at mg̃a panyô; nang̃agsisigawan at nang̃ag-iiyacan ang mg̃a batà, bagay nagbíbigay pagál sa mg̃a sacristan na pagpapalabas sa mg̃a batang iyón sa simbahan.
368 Tumaas ng̃â ang calagayan ng̃ Alcalde sa mg̃a matá ng̃ báyan at siyá'y ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa mg̃a gigante. Nagpasimula ang misa. Nagsitidindig ang mg̃a nauupô, ang mg̃a natutulog ay nang̃águisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces ng̃ mg̃a cantór.
369 Ito'y umatung̃al, datapuwa't pagdaca'y nalibang ng̃ makitang nagdaragoc sa dibdib ang isang babae sa lubós na pananalig at sa caalaban ng̃ loob. Pinagsicapan ng̃ lahat na maipacaguinhawa ng̃ anyô; naningcayad ang mg̃a waláng bangcô, umupô sa lupà ó sa caniláng sariling paa ang mg̃a babae.
370 Nawala siyá pagpanhíc sa hagdanang palicawlicaw, ng̃uni't pagdaca'y mulíng sumipót ang canyáng mabilog na úlo, pagcatapos ay ang canyáng macacapal na bátoc at sumunod agad-agad ang canyáng catawan. Tuming̃in sa magcabicabila ng̃ boong capanatagan ng̃ loob at uubo-ubó; nakita niya si Ibarra.
371 Samantala'y náraragdagan ng̃ náraragdagan ang silacbó ng̃ álab ng̃ loob ng̃ nagsesermón. Sinasabi niyáng ng̃ mg̃a unang panahón daw, ang lahát ng̃ filipino, cung nacacasalubong ang isáng sacerdote ay nagpupugay, iniluluhód ang isáng páa sa lúpà at hinahagcán ang camáy ng̃ párì.
372 Linúnod ng̃ cagalitan ang salitâ sa canyang lalamúnan, caya't walâ siyang nagawâ cung dî umatúng̃al at, suntukín ang palababahan ng̃ púlpito. Namúng̃a ang gayóng gawâ: binitiwan ng̃ matandang babae ang bacyâ, nagbubulóng at pagcatapos na macapagcruz na macailan, naluhód siya ng̃ boong cataimtiman.
373 Inihahanda ng̃ayón ang pagcaing masaráp sa mg̃a kioskong kinakitaan natin camacalawa sa maestro at sa mg̃a alagád. Gayón, ma'y sa mesang handâ sa mg̃a bata'y wala isá man lamang botella ng̃ alac, ng̃uni't ang cahalili nama'y ang lalong sumasaganang ang mg̃a bung̃a ng̃ cahoy.
374 Hindî nalao't narinig ang malayong mg̃a tinig ng̃ músical ang nang̃ung̃una'y isáng pulutóng ng̃ sarisaring tao, na ang bumúbuo'y taglay ang lahát ng̃ mg̃a gúlang at taglay ng̃ pananamít ang lahát ng̃ mg̃a cúlay. Nabalisa ang lalaking naninilaw at siniyasat ang boong "aparato" niyá ng̃ isáng sulyap.
375 Pinagpilitan niyáng siya'y mapalagay sa lalong magalíng na lugar, halos sa siping ng̃ torno, sa pampang ng̃ húcay. Casama ng̃ músicang dumating ang Alcalde, ang mg̃a namúmunong guinoo sa bayan, ang mg̃a fraile at ang mg̃a castilang may mg̃a catungculan, liban na lamang cay Parì Dámaso.
376 Causap ni Ibarra ang Alcalde, na canyáng totoong naguing caibigan, mulà ng̃ canyang handugan siya ng̃ ilang maaayos na pagpuri, dahil sa canyang mg̃a condecoración at mg̃a banda: ang malaking hilig sa pagcamahal na tao ang siyang panghina ng̃ loob ng̃ marilag na Alcalde.
377 Samantalang silá'y napapalapít, nararamdaman ng̃ binatang tumatahip ang canyáng púsò. Hindî niyá sinasadya'y tinung̃o ng̃ canyáng mg̃a matá ang cacaibáng mg̃a andamio na doo'y nacatayô; nakita niyáng sa canyá'y yumuyucod ng̃ boong galang ang lalaking naninilaw at siya'y tinitigang sandalî.
378 Ng̃ magcagayo'y dinampót ng̃ cura ang "hisopo" at winiligan ang bató ng̃ tubig sa bendita. Dumatíng ang sandalíng dapat na maglagáy ang bawa't isá ng̃ isang cucharang "lechada" sa ibábaw ng̃ sillar na nacalagáy sa húcay at ng̃ lumápat na magalíng at cumapit ang isáng manggagaling sa itaas.
379 Itinatatag ang isáng escuela; ang escuela'y siyang patuunan ng̃ pamamayan, ¡ang escuela'y siyáng aclat na kinatatalaan ng̃ icagagaling ng̃ mg̃a bayan sa panahóng sasapit! Ipakita ninyo sa amin ang escuela ng̃ isáng bayan at sasabihin namin sa inyó cung anó ang bayang iyan.
380 Napilitan si Ibarrang tumalimà dahil sa ganitóng cakilakilabot na bálà. Hinalinhan niya ang maliit na cucharang pílac ng̃ isáng malakíng cucharang bacal, bagay na nagpang̃iti sa iláng mg̃a tao, at mapayapang lumacad. Tinitingnan ng̃ naninilaw na tao ang bang̃ing na sa tabi ng̃ canyáng mg̃a paa.
381 Sarisarìng mg̃a salisalitaan ang lumilibot. Pinaniniwalaan ng̃ isáng himalâ ang nangyaring iyón. Gayón ma'y tila mandin hindî totoóng natutuwâ si Párì Salvi sa himaláng sinasapantahang guinawâ ng̃ isáng santo ng̃ canyáng capisanan at ng̃ canyáng ping̃anang̃asiwaang bayan.
382 Ang isip ni Ibarra'y canyáng napag-unawà, ang caisipan ng̃ pinag-uusig na binatang iyón: hindî niyá kinikilala ang catuwiran ng̃ taong maglagdâ ng̃ cahatulán sa canyáng mg̃a capuwà, tumututol siyá laban sa lacás at cataasan ng̃ calagayan ng̃ mg̃a tang̃ing pulutóng na tao sa ibáng mg̃a pulutóng.
383 Ng̃uni, sa pagca't nalalaman ni parì Sibyla cung sino si Voltaire, siya'y magpakilang galit, sa pagsasapantaha niyang nagsalitâ ang Alcalde ng̃ isáng laban ó paglabag sa religion. Nagsisicain naman sa isáng "kiosko" ang mg̃a batang lalakì, na ang caniláng maestro ang sa canila'y nang̃ung̃ulò.
384 Mabuti na ngâ ang siyá'y macapagbili ng̃ mg̃a salacót at mg̃a petaca at ng̃ huwag macailang̃ang magpalimos na gaya ng̃ guinagawâ rito ng̃ cura sa taón-taón sa pang̃alan ng̃a papa. Nahahabag acong makita ang isáng santong pulubi, caya't aking ibinibigay ang lahat cong nalimpoc.
385 Hindî ang pighati ng̃ Inang iyón ang siyáng iniisip ni María Clara, ang iniisip niyá'y ang saríling capighatîan. Sa pagcâlung̃ayng̃ay ng̃ úlo sa dibdíb at sa pagcátiin ng̃ mg̃a camay sa sahig na tabla, ang azucenang hinútoc ng̃ malacás na hang̃in ang canyang nacacatulad.
386 Isáng hinaharáp na panahóng pinanag-inip at hinimashimas na malaon, mg̃a sapantahà ng̃ budhíng sumílang sa camusmusán at lumagong casabay ng̃ canyáng paglaki at siyang nabibigay casiglahán sa caibuturan ng̃ canyáng cataóhan, ¡acalaing catcatin ng̃ayón sa baít at sa púsò sa isá lamang salita.
387 Namumùtla at nang̃ang̃atal na pumasoc ang binatang iyóng taga Maynilà na madalas mámali sa pananalita na pinaghahaló ang griego at ang tagalog. Pawang napuspós ng̃ pangguilalás ang lahat marahil, ng̃a'y totóong malaki ang galit ng̃ Gobernador General upang mang̃ahás na papaghintayin ang mg̃a fraile.
388 Hindî sila nagbatian, ng̃uni't nagcaroon ng̃ mg̃a ting̃inang lubhang marami ang sinasaysay. Iba naman ang guinawa ng̃ Alcalde; ng̃ walâ na roon ang mg̃a fralle'y binati siyá at maguiliw na iniabot sa canya ang camáy, datapuwa't hindî sila nacapagsalitaan ng̃ ano man, dahil sa pagdating ng̃ ayudante.
389 Ipasabi pô ninyó ang gayôn dín sa alférez na siyang nag-uutos dito sa "sección", at inyó pong siyasatin cung túnay ng̃ang may mg̃a tang̃ing cagagawang sarilí ang guinóong iyan, na hindî sinasabi ng̃ mg̃a "reglamento": hindî lamang íisang caraing̃an ang aking naring̃ig tungcól sa ganitóng bagay.
390 Cung pano sána ang iyóng kináin at hindî mg̃a balang, cung ang dinamít mo sana'y sutlà at hindî balat ng̃ mg̃a hayop, cung nakipánig cá sa isáng Capisánan ng̃ mg̃a fraile.... Ng̃uni't inihintô ng̃ matandáng laláki ang canyáng mg̃a pagsísi, sa pagca't dumárating si San Francísco.
391 Naliliguid siyá ng̃ mg̃a ilaw at ng̃ incienso; nang̃ang̃anino sa canyáng mg̃a luhang virdrio ang mg̃a culay ng̃ mg̃a ìlaw "bengala," na nagbibigay sa procesión ng̃ anyóng cahimahimalá, caya ng̃a't cung minsá'y lumuluha ang santang macasalanan ng̃ verde, cung minsa'y pulâ, minsa'y azul at iba pa.
392 Nang̃ang̃atal ang voces at bumúbunglos ng̃ mg̃a luha: higuit sa isang pagbati, ang sinasaysay niya'y isáng mataós na dalang̃in, isang caraing̃an. Narinig ni Ibarra ang tínig mula sa kinálalagyang durung̃awan, at nanaog sa ibabaw ng̃ canyang puso ang pang̃ing̃ilabot at calungcutan.
393 Cung dî lámang sa centinela (bantay na sundalo) na nagpapasial sa pintuan, mawiwicang walang táo sa báhay. Isáng malamlám na ílaw ang siyáng lumiliwanag sa waláng cahusáyang salas, at siyáng nagpapang̃anínag sa mg̃a marurumíng capís na kinapítan ng̃ mg̃a báhay-gagambá at dinikitán ng̃ alabóc.
394 Ang lalong maliit na pagcacahidwa, ang lalong babahagyang hindi sinasadyang alatiit, humuhugot sa canya ng̃ isang salaula at napacaimbing lait na sumasampal sa caluluwa; datapuwa't sino ma'y walang sumasagot: maguiguing isa pang malaking casalanan ang mahinahong pakikiusap.
395 Palibhasa'y walang ano mang nacahahadlang sa canya—sapagca't piniguing ang canyang asawa,—ang budhi niya'y pinupuno ng̃ guiyaguis: masasabing untiunting pinupuspos ang canyang mg̃a silacbo ng̃ tilamsic at init ng̃ lintic at nang̃agbabalang magsambulat ng̃ isang imbing unos.
396 Ipinasara niya ang mg̃a bintana upang huwag niyang maring̃ig ang mg̃a pagcacatuwa sa labas; ipinagbilin sa centinela na huwag papasukin ang sino man. Nagbigkis ng̃ isang panyo sa ulo at ng̃ wari'y ito'y mailagang huwag sumambulat, at pinasindihan ang mg̃a ilaw baga man may sicat pa ang araw.
397 Ipinanhíc doon si Sisa, na humaráp na dî nagulomihanan, na hindî nagpahalata ng̃ pagtatacá ó tácot: tila mandin wala siyáng nakikitang sino mang guinóong babae. Ito'y nacasugat sa loob ng̃ mapagmataas na Musa, na ang bóong acala'y nacaáakit sa paggalang at pagcagulat ang canyáng calagayan.
398 Nawatasan ni Sisa ang asistente at kinanta niya ang canción ng̃ Gabi. Pinakinggan ang paunang canta na may halong tawang palibac, ng̃uni't untiunting nawala sa canyang mg̃a labi ang tawa, pinakinggang magaling, at ng̃ malao'y lumungcot at nag anyong nag-iisip ng̃ caunti.
399 Pacanin mo siyang magaling at bigyan mo ng̃ isang magaling na higaan ... ¡icaw ang bahala, pagca siya'y inyong pinaglupitan! Bucas ay ihahatid siya sa bahay ni guinoong Ibarra. Pagcatapos ay sinarhang mabuti ang pintuan, inilagay ang talasoc at saca lumapit sa canyang asawa.
400 Dumampot ng̃ isang pinggan sa mg̃a na sa ibabaw ng̃ isang mesa, at ipinukol sa ulo ng̃ asawa: ang babaeng dating bihasa na sa ganitong pakikiaway, agad-agad yumucod, at ang pingga'y sa pader tumama at doon nabasag; gayon din ang kinahangganan ng̃ isang mangcoc at ng̃ isang cuchillo.
401 At linurhan ang alférez upang ito'y lalong magng̃itng̃it. Pinagdimlan ang lalaki at umaatung̃al na hinandulong ang babae; ng̃uni't hinaplit nito ng̃ caguilaguilalas na caliksihan ang mukha ng̃ lalaki at saca sumagasang tumacbong tuloytuloy sa canyang silid, at biglang sinarhan ng̃ malacas ang pinto.
402 Ang ilang mg̃a globong pinamutihan ng̃ mg̃a bomba't coetes ay nang̃asunog at isinasapang̃anib ang lahat ng̃ bahay; dahil dito'y may nakikita pang mg̃a tao sa mg̃a palupo, na may mg̃a dalang isáng mahabang cawayang sa dulo'y may nacacabit na basahan at saca isang baldeng tubig.
403 Talastasin po ninyong dahil sa.... Pinutol ang canilang salitaan ng̃ pagdating ni María Clara at ng̃ canyang mg̃a caibigang babae. Tinanggap sila ni don Filipo, at sinamahan sila sa canicanilang upuan. Sumusunod sa canila ang curang may casamang isa pang franciscano't ilang mg̃a castila.
404 Tila mandin walang sinadyâ ng̃ nagbibigay paroon cung di bantayan si María Clara, na ang tinataglay na cahapisa'y nagbibigay sa canyang cagandahan ng̃ isang anyong cahimahimalá sa ningning at cahalagahan, na ano pa't napagwawaring tunay ng̃ ang may catuwirang siya'y panoorin ng̃ boong pagliyag.
405 Cailan man po'y nananagot aco, padre, sa lahat ng̃ mg̃a gawang bucal sa aking sariling calooban,—ang isinagot ni don Filipo na yumucod ng̃ caunti;—datapuwa't hindi binibigyang pahintulot aco ng̃ aking maliit na capangyarihang makialam sa mg̃a bagay na nauucol sa religión.
406 Ng̃ matapos na ang bahaguing iyon ng̃ zarzuela na totoong pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon ng̃ away ang lahat ng̃ mg̃a morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan sila ng̃ bayaning puputlan silang lahat ng̃ úlo, at ang mg̃a ulong ito'y ipadadala sa buwan.
407 Nacatindig siya, nacatuon ang noo sa mg̃a "persiana", sa dacong plaza ang tanaw, hindi cumikilos, at manacanacang pinatatacas niya ang pinipiguil na buntong hining̃a. Cung hindi sana napacadilim ang liwanag ng̃ canyang ilaw, marahil napagmasdang napupuno ng̃ mg̃a luha ang canyang mg̃a mata.
408 Gayon ang caniyang naguing anyo sa isang horas halos. Pinucaw siya sa ganitong calagayan ng̃ pagcacagulo sa plaza. Sinundan ng̃ canyang mg̃a matang nangguiguilalas ang walang tuos na pagpaparoo't parito ng̃ mg̃a tao, at ang mg̃a tinig nila'y dumarating sa canyang hagawhaw na lamang.
409 Ang lalaki, na isang maglalagari ng̃ cahoy, pagcatapos na siya'y mapang̃ulila ng̃ canyang asawa, napilitan namang mawal-an siya ng̃ bahay, sa pagca't pinilit siyang magbayad ng̃ Alcalde, na caibigan ng̃ doctor ... ¿bakit hindi co malalaman? Pinautang pa siya ng̃ aking ama upang macapasa Santa Cruz.
410 Samantalang ipinapanhic ang lubhang maraming mg̃a "maleta" at mg̃a "saco de viaje", samantalang inihahatid sila ni capitang Tiago sa canicanilang mg̃a silid, pag-usapan natin ang ilang bagay na nauucol sa mag-asawang ito, na bahagya na natin napagsalitaanan sa mg̃a unang bahagui ng̃ librong ito.
411 Maganda siya ng̃ panahong bata pa, malamán ang canyang catawan,—gayon ang madalas niyang sabihin—ng̃uni't sa canyang pagcawili sa panonood sa canyang sarili, pinawal-ang halaga niya ang maraming sa canya'y nang̃ing̃ibig na mg̃a filipino, palibhasa'y ang minimithi niya'y ang ibang lahi.
412 Hindi niya inibig ipagcatiwala cang̃ino man ang canyang maputi at maliit na camay, datapuwa't hindi sa pagcuculang tiwala, sa pagca't hindi mamacailang nagbigay siya sa ilang lagalag na mg̃a tagaibang lupain at mg̃a tagarito ng̃ mg̃a pamuti at mg̃a hiyas na hindi maulatan ang cahalagahan.
413 Cung naguing tatlompo't isang abril sana ang canyáng gulang, at hindi tatlompo't dalawá,—ang layo'y totoong malaki ayon sa canyáng aritmética.—isinauli disin ng̃ cahabaghabag na babae sa Capalaran ang inihahandog sa canyáng huli sa lambát, upáng maghintáy ng̃ lalong naaalinsunod sa canyang calooban.
414 Cailan man ay hindi niya inisip ang lumang̃oy sa yaman ó magtamo ng̃ mataas na catungculan, magagaang na camtan ang canyang mg̃a adhica ng̃ loob, hindi malalawac ang canyáng mg̃a mithi; datapuwa't ang canyang pusong virgen pa ng̃ mg̃a panahong iyón ay naghang̃ad ng̃ ibang nacasisintahing lubhà.
415 Hindi nagcasiya cailan man sa canyang puso ang magtanim ng̃ galit; hindi pa siya nacasusumpong ng̃ isa man lamang na "filibustero"; wala siyang nakikita cung hindi mg̃a haling na isip na kinakailang̃ang agawan ng̃ pagcabuhay, sacali't aayaw na maguing halíng pa cay sa canila.
416 Gayón man, ng̃ icalawang gabi'y ipinakilala niyáng siya'y lalaking marunong magmahal sa capurihan, at ng̃ manalamin siya ng̃ kinabucasan, ng̃umiti ng̃ boong calungcutan hanggang sa ipakita niya ang canyang mg̃a ng̃idng̃id na walang ng̃ipin: ang cauntia'y may sampong taón ang canyang itinanda.
417 Ang tatlong guinoong ito ang siyang bagong cararating. Samantalang cumacain sila ng̃ pang̃alawang agahan, dumating si pari Salví, at sa pagcá't siyá'y cakilala na ng̃ mag-asawa, ipinakilala nila sa canyá, sampo ng̃ mg̃a tagláy na carapatán ng̃ binátang si Linares, na nagdamdam cahihiyan.
418 Hindi gumagamot ang aking asawa cung di sa mg̃a matataas na tao lamang, at iyon pa man, iyon pa man! ¡Hindi cawang̃is ang aking asawa ng̃ mg̃a taga rito!... hindi siya nanggagamot sa Madrid cung hindi sa mg̃a taong matataas lamang. Tinung̃o nila ang kinalalagyan ng̃ may sakit na babae.
419 Nabibigkisan ang ulo ng̃ isang panyong basa ng̃ Agua de Colonia, nababalot na mabuti ang catawan sa mapuputing cumot na may saganang mg̃a ticlop, na siyang tumatakip sa canyang pagca anyong virgen, nacahiga ang dalaga sa canyang catreng camagong na napapamutihan ng̃ mg̃a cortinang jusi at pinya.
420 At tunay ng̃a namang dumarating si pari Damaso, na namumutla at ga nalulungcot na; pagbabang̃on niya sa higaa'y si Maria Clara ang unang canyang dinalaw. Hindi na siya ang dating pari Damaso, na totoong mataba at mapag-aglahi; ng̃ayo'y lumalacad na walang imic at anyong hahapayhapay.
421 Nagpasimula ng̃ pagbasa, na ang tinig ay walang bagobago at anyong humal, ng̃ mg̃a pagdidilidili ng̃ mg̃a bagay na ipinagcacasala. Siya'y tumitiguil ng̃ matagal sa wacas ng̃ bawa't pangcat, upang mabigyang panahon ang dalaga sa pag-aalaala ng̃ canyang mg̃a casalanan at pagsisihan.
422 Banal na umubo, at pagcatapos ng̃ isang matagal na paghinto'y pinasimulan ang pang̃alawang utos. Bumabasa ng̃ taimtim sa loob ang mabait na matandang babae, at ng̃ matapos ang pagbubulaybulay, muling tiningnan ang canyang pamangkin, na untiunting ibinaling ang ulo sa cabilang daco.
423 At pinasimulan niya ang icalimang utos, na lalong mahahaba ang paghinto at lalong ganap ang pagcahumal ng̃ pananalita, cay sa ng̃ una, sacali't maari pa, na sa pagsusumicap niyang mainam sa gayong gawa'y hindi niya naring̃ig ang paghagulhol na iniinis ng̃ canyang pamangkin.
424 Manacanaca at anaki baga'y ng̃ huwag maligaw, sumusutsot siya ng̃ isang tang̃ing tugtuguin, na ang caraniwa'y sinasagot ng̃ gayon ding sutsot sa dacong malayo. Matamang nakikinig ang lalaki, at ipinagpapatuloy, pagcatapos, ang paglacad na ang tinutunto'y ang malayong huni.
425 Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan ng̃ apoy, ng̃ dugo at ng̃ aking sariling camatayan! Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan ng̃ canyáng pighati, nalabnot ang bigkis ng̃ ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.
426 At cung wala tayong masundaan, cung aayaw pakinggan ang ating cahing̃ian, cung magpacabing̃i na ang tao sa capighatian ng̃ canyang capuwa, pagnagcagayo'y ¡hahandog po aco sa bawa't inyong ipag-uutos! Niyacap ang binata ng̃ matandang lalaking lipos ng̃ malaking catuwiran.
427 Yaong lahat na mg̃a panaguinip na calugodlugod, yaong mg̃a pagaalagang tumagal ng̃ mahabang panahon, mula sa pagbubucang liwayway hanggang sa paglubóg ng̃ araw, yaong lahat ng̃ mg̃a pagpapahirap at pagpapagal, ang kinauwia'y isang peseta, ang mg̃a nálabing abó sa gayóng cacapal na asó.
428 Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago. Ang pananamit ay tulad sa mg̃a malalacas na magsasabong: barong lieszong Caatóng, salawal na lana at sombrerong jipijapa. Sumusunod sa canyá ang dalawang alila; dala ng̃ isa ang lasac at ang isa nama'y isang puting sasabung̃ing totoong pagcalakilaki.
429 Ilinaganap ng̃ nang̃agcacabilog na mapakialam sa buhay ng̃ may buhay, ang balitang papaglalabanin ang dalawang bantog na manoc; capuwa sila may mg̃a pinagdaanan at capuwa cabalitaan sa galing. Ibig ng̃ lahat na makita, masiyasat ang dalawang cabalitaan; may mg̃a nagpapasiya, may nanghuhula.
430 Tang̃an ng̃ mg̃a soltador ang mg̃a manóc ng̃ isáng anyóng calugód-lugód, at iniing̃atan nilang huwag siláng masugatan. Dakilang catahimican ang naghahari: masasapantahang liban na lamang sa dalawang soltador ang mg̃a naroroo'y pawang mg̃a cagulatgulat na mg̃a taotaohang pagkít.
431 Nagsisipanindig na ang canilang mg̃a puloc, nang̃agtititigan at mg̃a kidlat ng̃ galit ang siyang nang̃agsisitacas sa canilang mabibilog at maliit na mg̃a mata. Pagcacagayo'y dumating na capanahunan; binitiwan silá sa lupa, na nang̃agcacalayo ng̃ caunti, at saca sila linayuan.
432 Nang̃aririnig ang yabag ng̃ canilang yapac sa matigas na lúpa; sino ma'y hindi nagsasalita, sino ma'y hindi humihing̃a. Ibinababa at itinataas ang úlo, na wari'y nang̃agsusucatan sa ting̃inan, bumubulong ang dalawang sasabung̃in ng̃ marahil pagbabala ó pagpapawalang halagá.
433 Ng̃ magcagayo'y inihatol ng̃ sentenciador, sa pag-alinsunod sa cautusan ng̃ pamahalaan, na ang pula'y nanalo. Isang walang wastong sigawan ang siyang nagpasalamat sa gayong hatol, sigawang naring̃ig sa boong bayan, mahaba, nagcacaisa ang taas ng̃ tinig at tumagal ng̃ ilang sandali.
434 Cung gayo'y na pagtatanto ng̃ nacacapakinig sa malayo, na ang "dejado" ay siyang nanalo, sa pagca't cung hindi gayo'y hindi tatagal ang sigaw ng̃ pagcatwa. Gayon din ang nangyayari sa mg̃a nación: isang maliit na macapagtagumpay sa isang malaki, inaawit at sinasabisabi sa lubhang mahabang panahon.
435 Tinatadyacan ni Bruno ang lupa, pinapagng̃ang̃alitng̃it ang canyang mg̃a ng̃ipin, ng̃uni't sumusunod din sa capatid niya. Lumapit sila sa cabilang pulutong. Diya'y sinasandatahan ang manóc, humihirang ng̃ tári, inihahanda ng̃ mananari ang sutlang mapula, na pinagkitan at macailang hinagod.
436 Iniligpit ng̃ mag-asawa ng̃ gabi ring iyon ang caniláng mg̃a casangcapan, sining̃il si capitang Tiago, na may ilang libo rin piso ang inabót, sa pagcagamot cay Maria Clara, at napatung̃o sila sa Maynila, pagca umagang umaga ng̃ kinabukasan, na ang sinasacya'y ang carruaje ni capitang Tiago.
437 Sa pagdating na iyón ni Ibarra'y namutla si Linares at namulá ang mg̃a pisng̃i ni Maria Clara. Umacmáng bumang̃on, ng̃uni't kinulang siyá ng̃ lacás tumung̃ó at binayaang malaglág ang paypáy. Isáng hindi maalamang siraing hindi pag-imic ang siyang naghari sa iláng sandali.
438 Itóng mg̃a hulíng salita'y sinamahan niyá ng̃ isáng ting̃in cay Linares. Itinungháy sa caniya ng̃ dalaga ang canyáng magagandang mg̃a matáng puspós cadalisayan at calungcutan, tagláy ang lálong matinding samo at mapanghalínang pakikiusap, na anó pa't si Ibarra'y huminto sa pagca patigagal.
439 Luming̃ap si Elías sa canyang paliguid. Malayo na sila sa pampang; lumubog na ang araw, at sa pagca't sa panig na ito ng̃ sinucob ay bahagya na tumatagal ang pagtatakip-silim, nagpapasimula na ang paglaganap ng̃ dilim at namamanaag na ang sinag ng̃ buwang sa araw na iyo'y cabilugan.
440 Tingnán ninyó; ang lupaing ito'y isáng catawáng may dinaramdam na isáng sakít na pinaglamnán na, at ng̃ mapagalíng ang catawáng iyá'y napipilitan ang pamahalaang gumamit ng̃ mg̃a paraang tunay ng̃a't masasabi ninyóng napacatitigas at napacababang̃is, datapuwa't pinakikinabang̃a't kinacailang̃an.
441 Bucod sa rito, ayon sa inyong halimbawang bigay, ang guinagamít na gamót ay lubhang napacapangwasák, na anó pa't ang pinahihirapan lamang ay ang bahagui ng̃ catawang walang sakit, na pinapanghihina at sa ganito'y talagang inihahanda at ng̃ lalong madaling capitan ng̃ sakit.
442 Alalahanin po ninyo cung gaano ang nagawa ng̃ catalinuhan ng̃ capitan general na si De la Torre; ang patawad na ipinagcaloob niya sa mg̃a cahabaghabag na iyan ang siyang nagpatotoong tumitiboc pa sa mg̃a cabunducang iyon ang pusò ng̃ tao at walang hinihintay cung di ang capatawaran.
443 Ang ganyang pagcalakilaking lacas sa camay ng̃ mg̃a tao, at mg̃a taong hang̃al, puspos ng̃ mg̃a hidwang hilig, na walang pinag-aralang cagaling̃an, ang catulad ay isang sandata sa mg̃a camay ng̃ isang ulol, na na sa guitna ng̃ caramihang taong walang anó mang pangsanggalang.
444 Sumunod ang isang dakilang sandali na hindi pag-imic ng̃ dalawa: tila nananatiling tahimic sa ibabaw ng̃ tubig ang bangcang hindi pinasusulong ng̃ sagwán; dakilang lumiliwanag ang buwan sa isáng lang̃it na zafir; may ilang ilaw na cumikináng sa dacong malayò sa pampang.
445 Nang hindi na matiis ng̃ aking nunò ang gayóng lubháng carukhâan, at palibhasa'y hindi niyá taglay ang catapang̃an ng̃ loob ng̃ canyáng asawa, siyá'y nagpacamatáy, sa waláng casíng laking samâ ng̃ canyáng loob ng̃ makita niyang may sakit at waláng sumaclolo't mag-alaga.
446 Gayón ma'y lining̃ap din siyá, hinintáy munang siya'y macapang̃anac bago palùin: talos po ninyóng inilalaganap ng̃ mg̃a fraile ang capaniwalaang sa pamamag-itan ng̃ palò lamang mangyayaring makipanayam sa mg̃a «indio»; basahin ninyo ang sabi ni padre Gaspar San Agustin.
447 Sacali't cayó po'y macapaglacbay isáng araw mula sa Kalamba hanggáng sa Santo Tomás, masusumpung̃an pa po ninyó ang cahoy ng̃ duhat na pinagbitinan at kinabulucán ng̃ isáng hità ng̃ aking amaín; sinumpâ ang cahoy na iyan ng̃ Naturaleza, caya't hindi lumalaki at hindi namumung̃a.
448 Palibhasa'y mayaman ang aming nunòng lalaki, totoong maligaya ang aming camusmusán; ang capatíd cong babae't aco'y magcasama camíng nag-aral, nag-iibigan camí niyang pag-iibigang mangyayari lamang sa magcapatíd na cambál na walang ibáng nakikilalang ibáng bagay na pag-ibig.
449 Dahil sa pagcacaalit bagay sa salapi, at dahil namán sa ugali co ng̃ mg̃a panahóng iyóng may pagcamapagmataás, kinasusuklaman acó ng̃ isá cong camag-ánac na malayò, isinurot sa aking isáng araw ang totoóng malabò cong pagsilang sa maliwanag, ang imbí cong pinanggaling̃ang mg̃a magulang.
450 Nang lalong malubós ang casaliwaáng palad, malaon ng̃ panahóng camí'y may alilang isáng matandang lalaki, na pinagtitiisán ang lahat cong mg̃a cahaling̃ang pita at ayaw camíng iwan cailan man, at nagcacasiyá na lamang tumang̃is at humibik sa guitna ng̃ mg̃a paglibac ng̃ ibáng mg̃a lingcod namin.
451 Mula niyó'y naglálagalag acó sa mg̃a iba't ibáng lalawigan, manacanaca acóng pinararatang̃an, ng̃uni't hindi co pinápansin ang mg̃a tao at ipinagpapatuloy co ang aking paglácad. Itó ang maclíng casaysayan ng̃ mg̃a nangyari sa akin, at ang casaysayan ng̃ mg̃a paghatol ng̃ mg̃a tao.
452 Samantalang guinagawa ang mahabang pagtawid ay nanatili sa hindi pag-imic; tila mandin wala siyáng namamasdan cung di ang libolibong mg̃a diamante na kinucuha't ibinabalic ng̃ canyáng sagwán sa dagatan at doo'y talinghagang nang̃awáwala sa guitna ng̃ mg̃a bugháw na alon.
453 At tinudlà ng̃ cura ng̃ matuling pagsulyáp si María Clara, na nakikinig ng̃uni't hindi inihihiwalay ang mg̃a mata sa papel ng̃ música, bagá man siya'y lihim na kinucurot ni Sinang, na sa gayóng paraa'y sinásaysay ang canyáng catuwâan; sumayaw sana siya cung silá'y nag-íisá.
454 Nagpaalam si Ibarra ng̃ macaraán ang iláng sandali, sa pagca't canyáng nakitang walang salang pápanglaw ang pagpupulong na iyón; maasim na matamis ang pagmumukhâ ni capitang Tiago, hindi umiimic si Linares at nagmámasid, ang curang nagpapacunuwaring nagágalac ay nagsasalitâ ng̃ mg̃a cacaibáng bagay.
455 Sa dacong hulihán, na may dalawampong hacbang ang puwang, may sumusunod na isá pang anino, lalong malakí at tila mandín lalò pang anino cay sa náuna: totoong napacarahan ang pagyapac sa lupà, at biglang nawawalâ, na anaki'y linalamon ng̃ lupa, cailán mang humíhinto't lumiling̃on ang náuuna.
456 May dalá acóng baraja; pagcaring̃ig co ng̃ unang tugtóg ay maglálagay acó sa canilá ng̃ aldur; sa icalawáng tugtóg ay maglálagay namán acó ng̃ gallo; ang mg̃a barajang gumagaláw ay iyán ang mg̃a baraja ng̃ mg̃a patáy, na kinacailang̃ang agawin sa pamamag-itan ng̃ pananagâ.
457 Pumasoc silá't humanap sa gayóng nag-aagaw ng̃ dilim at liwanag ng̃ isáng lugar na lalong nauucol; hindi nalao't nacásumpong silá ng̃ isáng baunang bató at doon silá naupô. Kinuha ng̃ pinacapandác sa canyáng salacót ang baraja, at nagpaning̃as namán ang isá ng̃ fósforo.
458 Sa ilaw ay nagting̃inan ang isá't isa, datapuwa't ayon sa pag-aanyô ng̃ canícaniláng mukha'y hindi nang̃agcacakilalanan. Ng̃uni't gayón man, sa pinacamataás at tinig macalalaki ay makikilala natin si Elías, at sa pinacamaliit ay si Lucas, dahil sa pílat niyá sa pisng̃í.
459 Dapat sanang sinamantala ninyó ang ganitóng pangyayari upang cayó'y macapagbigáy ulirán sa ibáng mg̃a bayan. Sa ibabaw ng̃ catawátawáng capangyarihan ng̃ gobernadorcillo'y naroon ang catuwiran ng̃ bayan; iyán sana ang pasimula ng̃ isáng magalíng na pagtuturò ay inyóng sinayang na di guinamit.
460 Naaalínsunod ang mg̃a bagong abogado ng̃ayón sa mg̃a bagong balangcás ng̃ Filosofia ng̃ Càtuwirán; nagpápasimulà na ang ilán sa canilá ng̃ pagníngning sa guitna ng̃ carilimáng nacaliliguid sa luclucan ng̃ mg̃a tagapa-unawa ng̃ cagaling̃an, at nahihíwatigan na ang pagbabago ng̃ lacad ng̃ panahón.
461 Ang ibig sana nilá'y silá ang macapamatnubay sa Pagsulong, ng̃uni't sa pagcá't nakikita niláng itó'y malacás at ibá ang mg̃a hilig, silá'y nakikisang-ayon, at lalong minamagalíng niláng silá'y makisunod cay sa silá'y tahaki't yapacan, ó mátira caya sa guitna ng̃ marilím na daán.
462 Basahin po ninyó ang mg̃a firma. At ang binata'y tulíg, hibáng, ay binubucsá't sinasarhan ang mg̃a cajón, nagliligpit ng̃ mg̃a papel, dalidaling binabasa ang mg̃a sulat, pinupunit ang mg̃a ibá, ang mg̃a ibá namá'y itinatagò, dumárampot ng̃ mg̃a aclát, binubucsan ang mg̃a dahon at ibá pa.
463 Mulâ ng̃ magcasakít icaw, mulíng pinatáy ang dalawáng lámparang dating pinasísindihán ... Datapuwa't ¡tingnán mo cung anó ang guinagawang anyó sa mg̃a matá, at cung paano ang pagmumukhà! Tinugtóg ng̃ sandalíng iyón ng̃ relós sa bahay ang á las ocho. Nang̃atal ang cura at naupô sa isáng suloc.
464 Lumalacad siyá sa malaláy na palusóng na iyóng gawá ng̃ wawà; malayò na siyá sa tabi, dumarating na sa canyáng bayawáng ang tubig ay siyá'y sumusulong din, sumusulong na tila niwawaláng diwà ng̃ isáng mapanhalinang espiritu. Dumárating na sa canyáng dibdib ang tubig ...
465 Nakita ni Elías ang mg̃a papel at ang mg̃a libró at ang mg̃a suputang kinasisidlan ng̃ salapî at mg̃a hiyas. Pinag ugnáy-ugnáy sa canyáng dilidili ang doo'y nangyari, at ng̃ mapagmasdan niyá ang gayóng caraming mg̃a papel na macapapahamac, inacala niyáng iligpít, ihaguís sa bintanà at ibaón.
466 Humandulong ang lahát upáng mailigtás ng̃ bawa't isá ang macacaya, ng̃uni't dumating ang apóy sa maliit na laboratorio at pumutóc ang mg̃a naroroong bagay na madadalíng mag-alab. Napilitang umurong ang mg̃a guardia civil, hinaharang̃an silá ng̃ sunog, na umuung̃al at niwáwalis ang bawa't maraanan.
467 Nawaláng cabuluháng cumuha ng̃ tubig sa balón; sumísigaw ang lahát, ang lahát ay nagpapaguibíc, datapuwa't silá'y nálalayô sa lahát. Narating na ng̃ apóy ang mg̃a ibáng cabahayán at napaiilanglang sa lang̃it, casabay ang pagpaimbulóg ng̃ malalakíng nagpapainog-inog na asó.
468 Walâ pang lumalacad na mg̃a tao sa mg̃a daang kinálalagyan ng̃ cuartel at ng̃ «tribunal»; hindi nagpapakilala ang mg̃a bahay na may mg̃a tumatao, gayón may maing̃ay na binucsán ang dahong cahoy ng̃ isáng bintanà at sumung̃aw ang ulo ng̃ isáng musmós, na nagpapaínog-inog sa magcabicabila .
469 Ang mg̃a musmós at ang mg̃a matatandáng babae ang siyáng tunay na larawan ng̃ pagcamalabis na pagmimithíng macaalam ng̃ mg̃a nangyayari sa ibabaw ng̃ lupà; ang mg̃a batà'y sa malakíng pagnanais na macaalam, at ang mg̃a matatandáng babae'y sa paghahang̃ád na mag-alaala sa mg̃a nacaraang panahón.
470 Inusisang magalíng ng̃ mapagsiyasat na tagá bukid, ang barò at salawal ng̃ bangcáy, at canyáng nahiwatigang punóng punô ng̃ alabóc, at hindi pa nalalaong napunit sa ibá't ibáng mg̃a lugar; ng̃uni't ang lalong canyáng náino'y ang mg̃a bung̃a ng̃ tinglóy ó amorseco na nacarikít sa cuello ng̃ barò.
471 Nagpaparoo't parito ang mg̃a guardia civil, na nacalálaguim ang anyô sa harap ng̃ tribunal, at pinagbabalàan ng̃ culata ang canilang baril ang pang̃ahás na mg̃a musmós, na tumítiyad ó nang̃agpapasanan upang canilang mátanawan cung anó cayâ ang nang̃aroroon sa dacong loob ng̃ rejas.
472 Hindî na nápapanood sa salas yaóng masayáng anyô ng̃ panahóng pinag-tatalunan ang palatuntunan ng̃ fiesta; ng̃ayó'y malungcót at hindi nacapagbíbigay panatag. Ang mg̃a naroroong mg̃a guardia civil at mg̃a cuadrillero'y bahagyâ ng̃ nagsasalitàan, at sacali't magsalitàan ng̃ ila'y sa tinig na marahan.
473 Naaamoy ng̃ halimaw ang bangcáy, canyáng inaasam-asám na, at canyáng ikinayáyamot ang calaunan ng̃ pagpapahirap. Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim ng̃ larawan ng̃ mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao.
474 Ang tagatanod bilangguang may casunod na apat na sundalo'y inalis ang talasoc at binucsán ang pintô. Nang̃agsilabás ang isáng amoy na labis ng̃ bahò at isáng hang̃ing malapot at malamig sa macapál na dilim na iyón, casabáy ng̃ pagcáring̃ig ng̃ iláng himutóc at pagtang̃is.
475 Sa malamlám na liwanag ng̃ isáng ilaw ay caniláng naaninagnagan ang iláng may mg̃a mukháng tao: mg̃a taong nacayacap sa caniláng mg̃a tuhod at sa pag-itan ng̃ dalawáng tuhod niláng itó'y ikinúcublí ang caniláng ulo, mg̃a nacataób, nang̃acatindíg, nang̃acaharáp sa pader, at ibá pa.
476 Sa isáng suloc ng̃ patio, sa ibabaw ng̃ isáng carretóng lumà, ay nacabuntón ang limáng bangcáy, na halos natátacpan ng̃ capirasong gulanít na baníg na punô ng̃ carumaldumal na mg̃a dumí. Nagpaparoo't parito sa magcabicabilang dulo ang isáng sundalo, na mayá't mayá'y lumúlurâ.
477 Natatalastas ng̃ mg̃a filipino cung anó ang cahulugán ng̃ salitáng itó; isinasatagalog nilá sa sabing timbain. Hindi namin maalaman cung sino cayâ ang nacaisip ng̃ ganitóng gawâ. Ang Catotohanang umaahon sa isáng bal-on, marahil ay isáng pagbibigáy cahulugáng nápacamatindíng libác.
478 Sa guitnâ ng̃ patio ng̃ tribunal ay naroroon ang caayaayang pader na na caliliguid sa isáng bal-on; ang pader na yaó'y batóng buháy na magaspáng ang pagcacágawâ. Isáng casangcapang tulad sa pinggáng cawayan (timbalete) ang siyáng doo'y gamit sa pagcuha ng̃ tubig na malapot, marumí at mabahò.
479 Mg̃a papanting̃in, mg̃a dumi at ibá pang masasamáng tubig ang doo'y natitipon, sa pagcá't ang bal-ong yaó'y tulad naman sa bilangguan; doon inihuhulog ang lahat ng̃ pinawawalang halagá ó ipinalalagay na wala nang cabuluhán; casangcapang doo'y mahulog, magpacabutibuti, wala ng̃ halagá.
480 Pinanonood ni Társilo, na nacatitig, ang mg̃a paghahandâ ng̃ mg̃a sundalo; siyá'y namúmutlâ ng̃ mainam at nang̃áng̃atal ang canyáng mg̃a labì ó bumúbulong ng̃ isáng dalang̃in. Warì'y nawalâ ang pagmamataas niyá sa canyáng di maulatang hirap, ó cung hindi ma'y hindi na totoong masimbuyó.
481 Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc ng̃ carumaldumal na pusalì, puspos ng̃ mg̃a sugat at mg̃a galos ang canyáng mukhâ, ang catawa'y basâ at tumutulò, ng̃ siyá'y sumipót sa mg̃a matá ng̃ caramihang hindi umíimic; pinapang̃áng̃aligkig siyá sa guináw ng̃ hang̃in.
482 Sa tapát ng̃ bilanggua'y nang̃agtatacbuhang pacabicabilà ang mg̃a babaeng may lacás pa; ang mg̃a walâ na namá'y nang̃agsisiupò sa lupà't tinatawag ang mg̃a pang̃alan ng̃ mg̃a taong caniláng iniirog. Maning̃as ang araw, ng̃uni't sino man sa mg̃a cahabaghabag na iyó'y hindi nacaiisip umuwî.
483 Liniguid ng̃ caramihan ang carretón, na ibig niláng alsín sa pagcasingcaw at ipagwasacan. Huwág cayóng gumawâ ng̃ gayón,—ani capitana María;—¿ibig ba ninyóng silá'y maglacád? Itó ang pumiguil sa mg̃a casambaháy ng̃ mg̃a bilanggó. Lumabás ang dalawampóng sundalo at caniláng liniguid ang sasakyán.
484 Baliti rin si Albinong nagseminarista, at gayón din ang dalawáng cambál na anác ni capitana Maria. Masasamà ang loob at hindi umiimic ang tatlóng binatàng itó. Ang hulíng lumabàs ay si Ibarra, na waláng talì, ng̃uni't napapag-itanan ng̃ nagháhatid na dalawáng guardia civil.
485 Hindi cumikilos, nacahibic ang mg̃a labì, punô ang mg̃a matá ng̃ mg̃a luhàng umaagos na waláng ing̃ay, canyáng pinanonood ang pagpanaw ng̃ canyáng dalawáng anác na lalaki; sa panonood sa canyáng hindî pagkilos at sa canyáng pipíng dalamhatì, nawáwalâ ang pagcatalinhagà ni Niobe.
486 Sa mg̃a taong nacasung̃aw sa bihibihirang bintanàng nacabucás, ang lalong nagpakita ng̃ habag sa binatà'y yaóng mg̃a hindi nababahalà at waláng adhicâ cung di manood lamang. Nang̃agtagò ang canyáng mg̃a caibigan, patí si capitang Basilio'y nagbawal sa canyáng anác na si Sinang, na huwág umiyác.
487 Nang̃agpasimuláng nang̃agpainog-inog, wang̃is sa mg̃a paró-paró, ang mg̃a cruz, mg̃a condecoración, mg̃a galón, mg̃a catungculan, mg̃a carang̃alan, capangyarihan, calakhán, matataas na camahalan at ibá pa, sa isáng impapawid na guintóng salapî sa mg̃a matá ng̃ isáng bahagui ng̃ mg̃a mámamayan.
488 Sa isáng bahagui namán ng̃ mg̃a mámamayang iyá'y napailangláng sa abót ng̃ paning̃in ang isáng alapaap na madilím, at nang̃ing̃ibabaw sa culay abó-abóng pinacapang-ilalim, ang maiitim na parang anino ng̃ mg̃a rejas, mg̃a tanicalâ, at pati ng̃ calaguimlaguim na bibitayán.
489 Warì'y náriring̃ig sa hang̃in ang mg̃a tanóng, ang mg̃a bató, ang mg̃a sigáw na pinápacnit ng̃ mg̃a pahirap; nagagamagam ang Marianas at ang Bagumbayang cápuwâ nang̃ababalot ng̃ isáng parang maduming pigtâ ng̃ dugóng culubóng: na sa culabô ang mg̃a mang̃ing̃isdâ at ang mg̃a isdâ.
490 Naghaharì sa mg̃a convento ang malakíng ligalig. Isinísingcaw ang mg̃a carruaje, nang̃agdádalawan ang mg̃a provincial, may lihim na mg̃a pulong. Nang̃agsisiharap silá sa mg̃a palacio upáng caniláng ihandóg ang caniláng tulong sa Gobierno na na sa calakilakihang pang̃anib.
491 Ng̃ayó'y ibinibigay ang catungculang iyán cahi't sa waláng cabuluháng bagay. Nacakikilala acó ng̃ isáng sa lalong waláng cabuluha'y nagcamit ng̃ mitra: sumulat ng̃ isáng waláng cawawaang aclát, ipinakilalang waláng caya ang mg̃a indio cung hindi sa mg̃a gawain ng̃ camáy .
492 Ating ihatid ang bumabasa sa bahay ng̃ isáng waláng anó mang catungculan, at sapagcá't cácauntî ang cakilala natin sa Maynilà'y doon tayo pumaroon sa bahay ni capitang Tinong, ang lalaking mapag-anyaya, na ating nakitang pinipilit anyayahan si Ibarra upáng papurihan siya ng̃ isáng dalaw.
493 Sarhán ninyó ang mg̃a bintanà, ang mg̃a pintô, at sino mang magtanóng sa aking pinsan, sabihin ninyóng may sakít na mabigát. Samantala'y susunuguin co ang lahát ng̃ mg̃a súlat, mg̃a papel at mg̃a libró at ng̃ huwag siláng macakita ng̃ anó man, gaya ng̃ guinawâ ni don Crisóstomo.
494 Si capitan Tiago'y maing̃at at matatacutin, caya't hindi agad-agad macapagpasiyá na gaya ng̃ guinawa ni Paris na taga Troya, hindi niyá matang̃i ng̃ gayón gayón lamang ang isá sa dalawáng Virgen, sa tacot niyáng bacá magalit ang isá sa canilá, bagay na macapágbibigay ng̃ malaking capahamacán.
495 Napagkilala ng̃ dalagang dapat niyáng lisanin ang nang̃agsasalitaan, caya't humanap siyá ng̃ dahilán at lumayo roon, na nang̃ang̃abay sa mg̃a casangcapan. Napacaimbî at napacalisyà ang salitaan at usapan sa pagpupulong na itó caya't minamagaling pa namin ang huwág ng̃ saysayin.
496 Ang pagpapatibay na itó ng̃ matandáng teniente at ang anyô ng̃ canyáng tínig ay nagbigáy ng̃ malakíng pangguiguilalás sa mg̃a nakíkinig, na waláng nasabing anó man. Tuming̃ín sa ibáng daco si parì Salví, marahil ng̃ huwag niyáng makita ang titig na mapangláw ng̃ matandâ.
497 Hindi lamang itó, sinasabi ng̃ defensor, na cung di raw kinilalang siyá ang may titic ng̃ sulat na iyón, malaki sanang cagaling̃an ang sa canyá'y nagawa, datapuwa't pagcakita niya sa sulat na iyó'y namutlâ siyá, nasirà ang loob at pinagtibay ang lahat ng̃ doo'y natititic.
498 María, hindi na tayo magkikitang mulî; batà ca at bacâ sacali'y sisihin ca ng̃ iyóng sariling budhî ... naparito acó upáng sa iyó'y sabihin, bago acó pumanaw, na pinatatawad catá. ¡Ng̃ayon, cahimana-wari'y lumigaya ca, at paalam! Binantâ ni Ibarrang lumayô, datapuwa't piniguil siyá ng̃ dalaga.
499 Nalimutan ang mg̃a súlat na itó nang aking amá, sa bahay na canyáng tinahanan, nacuha ng̃ táong iyón at ining̃atan, at caya lamang ibinigay sa akin ay nang palitan co ng̃ iyóng súlat ..., dî umano'y ng̃ siya raw ay macaasang hindî acó pacácasal sa iyó cung waláng capahintulutan ang aking amá.
500 Tinitigan siyá ni Ibarra ng̃ mg̃a matáng nagníningning; ng̃uni't sa isáng hudyát ng̃ dalaga'y lumayo ang binatang tila lang̃ó, hahapayhapay.... Mulíng linucsó ang pader at sumacay sa bangca. Tinatanaw siyá sa paglayô ni María Clarang nacadung̃aw sa palababahan ng̃ batalán.
501 Ng̃ayó'y inaclás ng̃ capahamacán ang aking piríng; tinuruan acó ng̃ aking pag-iisá at paghihirap sa bilangguan; nakikita co ng̃ayón ang cakilakilabot na cáncer na cumíkitib sa mg̃a namamayan dito ng̃ayón, na cumacapit sa canyáng mg̃a lamán at nagcacailang̃an ng̃ isáng makirót at ganáp na paglipol.
502 Sa loob ng̃ tatlóng daang taó'y silá'y hinahalina natin, hinihing̃an natín silá ng̃ pagsintá, minímithî nating tawaguin siláng capatíd, ¿anó ang caniláng isinaságot? Tayo'y sinasagot ng̃ lait at paglibác, at ikinacait sa atin patí ng̃ ating calagayang pagca tao na gaya rin ng̃ ibá.
503 Makikita po ninyó ang ilog na inawit ni Francisco Baltazar. Natutulog ang bayan sa liwanag ng̃ buwán. Nagtindíg si Crisóstomo't upáng canyáng takhán ang catahimican ng̃ mg̃a linaláng na tulad sa líbing̃an. Makipot ang ilog at ang canyáng mg̃a pampang̃i'y capatagang natátamnan ng̃ damó.
504 Tutulung̃an cayó ng̃ mg̃a may galit, ng̃ mg̃a masasamáng tao, ng̃ mg̃a walà ng̃ pagcasiyahan sa samâ ng̃ loob, datapuwa't hindi makikialam ang bayan. Magcacamali po cayó, cung dahil sa nakita ninyóng ang lahát ay madilím ay mag-acalà po cayóng walâ ng̃ pagcasiyahan sa samâ ng̃ loob ang bayan.
505 Hindi co maaaring ipaagaw ng̃ pagayón na lamang ang aking capayapaa't ligaya, acó na waláng ibáng hinang̃ád cung di ang cagaling̃an, acó na ang lahát ay aking iguinalang at tiniis dahil sa pagsinta sa isáng religióng magdarayà at mapagpaimbabaw, dahil sa pagsintá sa isáng bayang aking tinubuan.
506 Nakikita co ng̃ mg̃a panahóng iyón ang aking capatíd na babae na na sa isáng colegiong calapít; hinahandugan acó ng̃ mg̃a bordadong gawâ ng̃ canyáng mg̃a camáy ... sinasamahan siyá ng̃ isáng caibigang babae, na isáng magandáng dalaga. Nagdaang lahát na parang isáng panaguinip.
507 Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at ng̃ makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na ng̃ calahatlahatang mg̃a carabinero at ng̃ mg̃a carabinerong nang̃aroroon, pinabayaan siláng macaraan agád.
508 Hindi rin naman nagsasapantaha ng̃ anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag. Nagpasimulâ ng̃ paguumaga ng̃ silá'y dumating sa dagatang noo'y maamo't payapang tulad sa isáng calakilakihang salamín. Cumuculimlím ang buwán at nagcuculay rosa ang Casilang̃anan.
509 Naghubád si Elías; pinunit ng̃ isáng bála ang canyáng tang̃ang barò at náring̃ig ang dalawáng putóc. Hindi siyá nagulumihanan, kinamayán ng̃ mahigpít si Ibarra, na nananatilí sa pagcahigà sa bangcâ; tumindíg at lumucsó sa tubig na itinúlac muna ng̃ paá ang muntíng sasakyán.
510 Cailan ma't sumusung̃aw sa tubig ang lumálang̃oy at ng̃ huming̃á, pagdaca'y pinagbabarilanan siyá ng̃ mg̃a guardia civil at ng̃ mg̃a faluero. Tumátagal ang paghahabulan; malayò na ang bangcà ni Ibarra, lumalapit namán sa tabí ang lumálang̃oy, at ang layò na lamang ay may mg̃a limampóng dipá.
511 Hindi na itinuturò ng̃ tacsíl na bulâ ng̃ tubig ang dinaraanan ng̃ maninisid. Minsan pang nakita nilá siyá sa dacong ang layò sa tabí ay sampóng dipá, binaril siyá nilá ...; nagdaan pagcatapos ang mg̃a minuto; walâ ng̃ sumipót uli sa ibabaw ng̃ payapa at waláng taong tubig sa dagátan.
512 Talastasín mong naparito acóng galing sa mg̃a lalawigan upang humaráp sa iyóng casál. At lumapit na tagláy ang isáng ng̃itì ng̃ ligaya, at inilahad cay María Clara ang camáy at ng̃ hagcán. Lumapit si María Clarang nang̃ang̃atal at ilinapit ng̃ boong paggalang ang camáy na iyón sa canyáng mg̃a labì.
513 May isá pang batàng lalaking putlain, mukháng namámanglaw, malalaki ang mg̃a matá at malalim cung tuming̃ín, at siyá'y nacaupô sa ibabaw ng̃ isáng nacahigáng punò ng̃ cahoy. Mapagkikilala natin sa canyáng namamayat na mukha ang anác na lalaki ni Sisa, si Basilio, na capatíd ni Crispín.
514 Halá, paroon ca na, hanapin mo ang iyong nanay, ibigay mo sa canyá ang aguinaldo ... ng̃ Dios, gaya ng̃ sabi mo; cung nalaman co lamang ang pang̃alan ng̃ iyong bayan, sana'y naparoon acó ng̃ icaw ay may sakit. Lácad na, anác co, at samahan ca nawa ng̃ Dios at ng̃ poong si Jesús.
515 Sinamahan siyá ng̃ mg̃a batá hanggáng sa tulay na cawayang nacalagáy sa ibabaw ng̃ agúsang maing̃ay ang lagaslás. Pinacapit siyá ni Lucía sa canyáng mg̃a bisig at nawalâ silá sa mg̃a paning̃ín ng̃ mg̃a batà. Malicsíng lumacad si Basilio, bagá man may tali ang canyáng binti.
516 Ng̃umitî ng̃ masacláp si capitang Basilio. Natacot ang médicong siyá'y isumbóng na caibigan ni don Crisóstomo, at ang guinawa'y pinaalís si Sisa sa canyáng bahay. Ng̃ayó'y muling nagpapacabicabila na namáng ulól na gaya ng̃ dati, umaawit, hindi gumagawâ ng̃ masamâ cang̃ino man at natitira sa gubat.
517 Tinátahulan siyá ng̃ mg̃a áso, sumisigaw ang mg̃a gansâ, binúbucsan ang mg̃a ibáng bintanà at may sumusung̃aw na isáng mapagusisa, at sinásarhan namán ang ibáng bintana, sa pang̃ang̃anib na bacâ iyo'y cawang̃is din ng̃ gabi ng̃ mg̃a caguluhan. Dumatíng silá sa labás ng̃ bayan.
518 Naraanan na nilá ang mg̃a pananím at malapit na silá sa gubat. Nakita ni Basiliong pumasoc sa gubat na iyón ang canyáng iná at siyá'y pumasoc namán. Ang mg̃a damó, ang maliliit na cahoy, ang matiníc na mg̃a yantóc at ang mg̃a ugát na umuutláw sa lupá ay nang̃agsisihadláng sa tacbó ng̃ dalawá.
519 Nakita niyá ng̃ boong pagtatacá na tinutung̃o ng̃ canyáng iná ang malagóng parang at pumasoc sa pintóng cahoy na pangsará sa pinaglibing̃an ng̃ matandáng castilà sa paanán ng̃ balitì. Binantâ ni Basiliong siyá'y pumasoc namán, ng̃uni't nasunduan niyáng nacasará ang pintô.
520 Nagtindíg ng̃ boong hírap, pinagmasdán ang pader at iniisip niyáng canyáng hagdanán, ng̃uni't walâ siyáng nasumpung̃ang magawang hagdán. Nilibot niyá, ng̃ magcágayon, at nakita niyá ang isáng sang̃á ng̃ malungcót na cahoy na humahalang sa isá namang sang̃á rin ng̃ ibang cahoy.
521 Pinagmasdán siyá ni Basiliong nagugulat; idinaiti ang canyáng taing̃a sa pusò ng̃ babae; ng̃uni't ang payát at lantá ng̃ dibdib ay malamig at hindi tumitiboc: inilagáy niyá ang canyáng mg̃a labì sa mg̃a labì ng̃ canyáng iná ay walâ siyáng naramdamang camunti man lamang na paghing̃á.
522 Iláng linggó pa muna bago magmonja si María Clara'y nangyari sa canyá ang isáng malakíng panglulupaypay ng̃ calooban, na anó pa't nagpasimulâ siyá ng̃ pamamayat at naguing totoong malungcutin, mapaglininglining at culang tiwalà, tulad sa canyáng naguing caibigang si capitang Tinong.
523 Napapanood sa liwanag ng̃ kidlát ó ng̃ lintíc na nagpapakilwágkilwág, na tulad sa áhas, ang paglipád ng̃ isáng panig ng̃ bubung̃an ó ng̃ isáng bintana na dalá ng̃ hang̃in, ang pagcáguibâ ng̃ bahay na cakilakilabot ang lagapacan: waláng isáng coche at waláng isáng taong lumalacad sa mg̃a daan.
524 Pagca náriring̃ig sa malayò ang paós na ugong ng̃ culóg na inuulit ng̃ macasangdaan ng̃ aling̃awng̃aw, cung magcágayo'y nariring̃ig ang pagbubuntóng-hininga ng̃ hang̃ing umiipoipo sa ulán, na siyáng gumágawâ ng̃ ulit-ulit na tric-trac sa mg̃a nacasarang dahon ng̃ bintanang capís.
525 Napanood ng̃ monjang sinarhan ang pintô pagcalabás ng̃ tao, na gaya marahil ng̃ panonood, ng̃ hinatulang magdusa, ng̃ pagsasará sa canyá ng̃ pintuan ng̃ lang̃it, sacasacali't dumating ang araw na maguiguing casíng bang̃ís at mawawalán ng̃ damdamin ang lang̃it na gaya ng̃ mg̃a tao.
526 Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat ng̃ kahoy. Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit ng̃ kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din ng̃ hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito.
527 Ang mg̃a pinuno ay nagpapatulis ng̃ ng̃ipin sa harap, at halos lahat ay nang̃agsisipagkudlit sa katawan ng̃ sarisaring hitsura na ang mg̃a lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mg̃a bisig at ang mg̃a babae naman ay gayon, din bukod pa sa mg̃a harapan ng̃ hita at sa iba pang dako ng̃ katawan.
528 May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pang̃ing̃ibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano. Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan ng̃ mg̃a magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin ng̃ sa ibang lahing gubat.
529 Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan ng̃ mg̃a ito, ng̃uni sa mg̃a itim na nang̃a sa bundok ng̃ Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang mg̃a abay niya, saka hinahanap ng̃ lalaki at ng̃ mg̃a abay naman nito hangan sa masumpung̃an.
530 Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan ng̃ pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng̃ gansa (na isang instrumento nila) sa harap ng̃ babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad na payuko.
531 Ang mg̃a ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat ng̃ lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapaging̃at nila ng̃ kanilang mg̃a alamat at mg̃a alaala ng̃ dating pamumuhay ng̃ kanilang mg̃a kanunuan.
532 Ng̃ayon ng̃ang batid na natin ang dinamidami nitong mg̃a lipilipi at angkan-angkang nang̃ananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang mg̃a ito ay katutubo rito ó kung bakit nang̃aparito at saan nang̃angaling.
533 Sa pagkakatutubo rito, ng̃ mg̃a taong ito anang mang̃a mananalaysay ay hindi at bago pa ng̃a mandin ang mg̃a ito ay ang mg̃a ita muna ang nang̃anahan dito; sapagka't di ng̃a naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya ng̃ mg̃a ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan.
534 Itong salitang balang̃ay ay pang̃alan ng̃ sasakyang-dagat na di umano'y siyang nilulanan ng̃ mg̃a taga Malaya sa pagparito, (basahin ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng̃ mg̃a taong sakáy sa bawa't isa nito ay tinatawag na isang balang̃ay na dili iba't siyang nátatag na isang pamahalaan.
535 Iginagalang din ang mg̃a kamag-anak at inapó ng̃ mg̃a puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana ng̃ pagkapuno ay pawang ibinibilang namáng taong-mahal at ipinakatatang̃i sa mg̃a taong karaniwan. Kung paano, ang kamahala't pagkamaginoo ng̃ mg̃a lalaki ay gayon din ang sa mg̃a babae.
536 Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pang̃ulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at gayon din sa pagtatayo ng̃ bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag ng̃uni't sila'y pawang pakain sa loob ng̃ boong panahong kanilang ipinaglilingkod.
537 Ang sumusunod sa nang̃abangit ay ang mg̃a alipin, na sa Bisaya'y oripun, at mg̃a ito'y may dalawang kalagayan ng̃ pagka-alipin: ang aliping namamahay at ang aliping sagigilir; itong hulí sa Bisaya'y tinatawag na ng̃alon. Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundang̃an.
538 Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa madaling sabi ay siyang mg̃a tinatawag nating kasamá, bataan, kampon, tao at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa kalagayang timawa ó maharlika kung nagbabayad sa kanyang pang̃inoón ng̃ katampatang halaga na ayon sa kaugalian.
539 Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay ng̃ mg̃a alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang ng̃ kanilang pang̃inoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay ng̃ pang̃inoon, maliban na sa ilang masamang pang̃inoon, na saa't saan ma'y di nawawalâ.
540 At ang pagkaalipin nitóng mg̃a aliping namamahay at sagígilir ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil ng̃ pagkakaganito ay mababasa sa pangkat ng̃ kaugaliang pinanununtunan sa mg̃a kapaslang̃an at sigalutan.
541 Ang putong na ito ay iniiíkid ng̃ sari-saring paraan, na kung minsa'y wari turbante ng̃ mg̃a moro na walang bunete, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng ng̃ sumbrero. Ang nagmámatapáng ay naglálawit, ng̃ mg̃a dulo ng̃ panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok.
542 Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi makapapamalas ng̃ anomang katapang̃an. Ang mg̃a bata'y hindi nagpipinta ng̃ ng̃uni't ang mg̃a babae ay nagpipinta ng̃ Isang boong kamay at ng̃ bahagi ng̃ ikalawá.
543 Datapuat di umano'y may mg̃a pang̃ulo rin namang nagsisipaglagda ng̃ mg̃a kautusan, saka itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinang̃ang̃anlang Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála ng̃ isang bating̃aw na tinutugtog upáng mapag-alaman ng̃ mg̃a tao.
544 Pag-aasawa sa taga ibang balang̃ay. Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa isang balang̃ay ay mag-asawa sa taga ibang balang̃ay ay hindi makalilipat sa balang̃ay na tinatahanan ng̃ magiging asawa, kungdi magbayad ng̃ isang gayong halaga na paratang ng̃ mg̃a datò.
545 Katungkulan ng̃ mg̃a kampon sa isang balangay. Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng̃ buis, ng̃uni't napatutulong ng̃ pangulo sa kanyang mg̃a kailang̃an, gaya sa pagtatayô ng̃ kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng̃ kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.
546 Decorative motif Sa Nakamatay. Ang nakamatay ng̃ isang alipin at huming̃i ng̃ tawad ay hindi pinarurusahan ng̃ lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa pang̃inoon ng̃ halagá ng̃ aliping napatay saka hinahatulan ng̃ hukom ng̃ iba pang parusang kanyang magaling̃in.
547 Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom. Datapua't ang nakamatay ng̃ pangulo ó maginoo ay pinapatay ng̃ walang patawad at ang mg̃a kaalam ay pawang inaalipin sampû ng̃ kanilang mg̃a anák.
548 Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balang̃ay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang ng̃ isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu ng̃ asawa't mg̃a anák.
549 Mg̃a anák sa una't hulíng asawa.—Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan ng̃ anák ay nagmamana ang isa't isa sa mg̃a anák ng̃ ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari ng̃ amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man.
550 Sa Inaring Anak.—ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana ng̃ ibayong halaga ayon sa ibinigay ng̃ ama ng̃ siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya ng̃ isang putol na ginto ay magmamana siya ng̃ dalawang putol sa pagmamanahan.
551 Ng̃uni't kung patay na ang magulang ng̃ sino man ay nagsasaulian na lamang at hindî na nag-uusapin. Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan ng̃ mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman ng̃ malaking bahagi ng̃ yaman.
552 Sa Pakikiagulo Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman ng̃ matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki ng̃ isang gayong halaga sa asawa ng̃ babae na pinakapantakip sa nasirang dangal.
553 Pagbabayad ng̃ Paratang. Ang karaniwang kahatulan sa mg̃a usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati ng̃ bukid at ng̃ tanang tinatangkilik ay napapa sa pang̃inoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang mg̃a anak ay pakain at padamit.
554 Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad ng̃ isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. Ng̃uni't kung hindi maglingkod ng̃ ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.
555 Ang mg̃a anák ng̃ amáng laya at ng̃ inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya ng̃ sa bugtong na anák. Mg̃a di lubos na alipin. Ang bugtong na anák ng̃ isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahatí lamang ang pagkaalipin.
556 Katungkulang ng̃ alipin. Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay ng̃ sarili, ng̃uni't kailang̃ang maglingkod sa kanyang pang̃inoon sa panahon ng̃ paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo ng̃ bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.
557 At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir. Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pang̃inoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pang̃inoon ng̃ kapara niya.
558 Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pang̃inoon at tatlo'y sa kanyang sarili. Ang aliping námana ng̃ dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila ng̃ ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila.
559 At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon ng̃ kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin. Pagcalayà ng̃ alipin. Ang mg̃a aliping sagigilir at namamahay ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa pang̃inoon ng̃ katampatang halagá.
560 Ang Tagarito ng̃á, anyá, mula sa pagkabata ay nakatátanto ng̃ kanilang mg̃a alamat namumuhay at lumalaki sa pang̃anorin ng̃ kanilang mg̃a kaugalian, at hindi gaya ng̃ayon na nagtatatag ng̃ mg̃a kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.
561 Ang mg̃a calacal ng̃ lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid, perlas, susô, (ó sigay marahil), mg̃a bung̃a ng̃ cahoy at cáyong yuta (na marahil ay sinamay ó huse ó pinya), ang calacal ng̃ mg̃a insic ay porcelana, ginto, tinga mg̃a basong sarisaring culay, cawaling bacal at mg̃a carayom.
562 Tungkol sa mg̃a sasakyang ito, ani Morga, ay sarisaring hitsura. Ang iba'y mg̃a bankáng lulanán ng̃ kanilang mg̃a kalakal na mg̃a isinasadsad cung gabi sa mg̃a pasigan at baybayin, at ang iba sa mg̃a ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang pinapagduopduop.
563 Sa mg̃a tagarito naman, dí umano, ay maraming marunong tumabas at gumawa ng̃ mg̃a sasakyang-tubig, na lalong lalo na sa Katanduanes na aní Morga ay magagaling na mangagawa ang mg̃a tagaroon na nang̃akagágawa ng̃ malalaki,t matutulin na ipinagbibili nila sa mg̃a kalapit pulo.
564 Almás Ang mg̃a almás na ginagamit ng̃ mg̃a tagarito, anáng mg̃a unang nakakita ay pana't bosóg, sibat, sungdang, sandata ó kris, talibong, kampilan, baluti na sung̃ay ng̃ kalabaw na di umano'y sa Siam nangagaling at iba't iba pa na hangang ng̃ayo'y ginagamit ng̃ mg̃a moro at ng̃ mg̃a taong gubat.
565 Bukod dito'y nagsigamit ng̃ almás na nakapagpapahilagpos ng̃ maraming sibat, ng̃ mg̃a lantaka ó mg̃a munting kanyón: kaya ng̃ dumating rito di umano, ang mg̃a kastila ay nang̃akasumpong dito sa Maynila, Kainta, Taytay at Lubang ng̃ mg̃a kuta na may mg̃a lantaka ó munting kanyon.
566 Ang sino man ay hindi nacapag aasawa ng̃ hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinang̃ang̃anlang sandil; datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali ng̃ iba ang asal ng̃ camorohan na nag-aasawa ng̃ dalawa ó tatlo, bucod pa sa mg̃a kinacasama.
567 Pagkatapos na pagkayarian ang bigay-kaya ó bugey ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan ng̃ magaasawa. Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo ng̃ mg̃a maharlika ó timawa upang siyang lumakad ng̃ pag-aasawa niya.
568 Sa Bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan ng̃ catagalugan ay may ibang ugali. Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo ng̃ magulang ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati ng̃ bigay-kaya ó bugey na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay kalabgayan.
569 Pagdating ng̃ tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang caganapang bigay-kaya na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya ay ligay ó dahik, ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa ipinaghahanda pa't pinaggugugulan ng̃ lalaki, ayon sa canyang caya't calagayan.
570 At ang gayon pa mang magulang na ng̃ babae ang tumatangap ng̃ bigay-kaya at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari ipinagmamadalian ng̃ magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.
571 Bukod dito, ani Rizal din, kung nag-aasawa ang lalaki ay hindi nagtataglay ng̃ mabigat na pasan sa pag-aasawa, kundi bagkus nakakasumpong ng̃ kasama't katulong sa pag-aayos ng̃ kanyang pamumuhay kaya't ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya ng̃ asawa, kundi pumipili ng̃ kanyang ibig.
572 Habang ginanagawa itó ng̃ katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog ng̃ isang campana saca humahawac ng̃ isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta ó dambana na casabay ng̃ canin, saging, alác, at iba pang pagcain.
573 Ang mg̃a taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa mg̃a yung̃ib ng̃ mg̃a bundok at ang tabi ng̃ libing̃an ay hinahainan ng̃ mg̃a pagkain at sinisiping̃an ng̃ kaban ng̃ damit at kung lalaki ay sinisiping̃an ng̃ mg̃a kasakbatang ginagamit nila gaya ng̃ sibat kalasag at ibp.
574 Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan ng̃ alkampor na isinisilid sa pamamag-itan ng̃ isang panghihip na bungbóng na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw.
575 Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan ng̃ di kawasa sa kanilang mg̃a panaghoy at sa kanilang paghahandog ng̃ mg̃a hayin na lubhang ipinagsasayá. Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa ng̃ malaon at hindi ipinag-aalis ng̃ luksa hangang di maigantí.
576 Itong Diyos Bathala na kadakidakilaan at nasa kaitaas-itasaan ay hindi ipinagtatayo ng̃ simbahan ó inaalayan man ng̃ ano mang hayin. Ang Diyos Bathala ring ito ay mayroong maraming Tagapang̃asiwa dito sa sandaigdigan na siyang nang̃ang̃asiwa sa kanikanyang kinaroroonan.
577 Ang mg̃a catalonang ito, bucod sa siyang-tatawagin sa ganganitong cailang̃an ay siya ring mg̃a sangunian sa bala na (na siyang mg̃a tinatawag natin marahil na manghuhula at gaya rin marahil ng̃ mg̃a astrologo) sa Egipto na siya namang dating sangunian ng̃ mg̃a tagaroon.
578 Ang isa namang matandang babae ay dumadampot ng̃ isang dahon ng̃ palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip ng̃ kanyang pakakak. Ang pagsayaw nilang ito at paghihip ng̃ kanilang mg̃a pakakak ay nagluluat ng̃ kaonti at kanilang sinasabayan ng̃ pagsasaysay sa araw ng̃ sarisaring bagay.
579 Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae ng̃ isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò ng̃ baboy.
580 Nang̃agsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa't ang canilang pagsamba't pananampalataya ay masasabi nating caisa ng̃ mg̃a taga Luzón palibhasa'y caisang lahi; ng̃uni't bucod dito sa nang̃abangit ay may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikináiiba at dili iba't ang sumusunod.
581 Saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pang̃ala'y borak at inihatid siya mula sa templo ng̃ Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito ay isinama siya ng̃ angel Gabriel na sumampa sa pitong lang̃it at doo'y nakipagbatian siya sa mg̃a profeta, sa mg̃a patriarka at sa mg̃a angel.
582 Sa dako pa roon ng̃ ikapitong lang̃it ay si Mahoma lamang ang pinatuloy, anopa't nalagpasan niya ang tabing ng̃ pagkakaisa at sa harap ng̃ luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik ng̃ kamay ng̃ Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa borak at nagbalik sa Mekka.
583 Pinagsiyasat niya ang mg̃a dunong na nauucol sa mg̃a láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang paláisipang may cahirapang ibiníbigay ng̃ profesor ay hindî mátuclasang gawín ng̃ canyang mg̃a casamahang mapuputî, at sila'y nang̃agsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano.
584 Dinalá si Rizal ng̃ canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa escultura ng̃ waláng nagtutúrò. Ng̃ panahóng iyó'y gumawâ siyá ng̃ isáng magandáng larawan ng̃ Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang cortaplumas lámang.
585 Nang makita ng̃ canyáng mg̃a maestrong párì ang cahang̃ahang̃ang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán ng̃ isáng larawan ng̃ mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya ng̃ una.
586 Ng̃uni't cay Rizal ay waláng maliit ó malaking bayang sarili, cung dî Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hindî ang Calambâ, hindî ang mg̃a bayang ang salita'y wikang tagalog, hindî man lamang ang pulô ng̃ Lusóng, cung dî ang capisanan ng̃ mg̃a pulóng nátuclasan ni Magallanes.
587 Natutuhan ni Rizal ang mg̃a wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, portugués, catalán, sueco at insíc. Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang caugalian at anyô ng̃ mg̃a castílà.
588 Samantalang hindî pa nang̃apapahalál sa matataas na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang mg̃a táong manghahalál, at sa canila'y ipinang̃ang̃acò ang lubhang maraming bagay, at cung macamtan na ang hang̃ád ay hindî guinaganap ang pang̃acò at linilimot na tikís ang mg̃a naghalal sa canila.
589 Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang mg̃a pagsasaysay na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag ng̃ Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát ng̃ canyáng linalalang at ibinung̃a. Tagláy ng̃ canyáng mg̃a anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón.
590 Nagalác ng̃ dî sapálà ang Dr. Meyer ng̃ makilala niya si Rizal, at pinagpakitaan niya itó ng̃ ganáp na magandang calooban. Pumaparoon si Rizal sa Museong iyon sa araw-araw at canyang pinagsusumag ang anyo at calagayan tungcol sa baít at hilig ng̃ lahát at bawa't isá sa mg̃a láhì.
591 Nang̃agtátaca ang lahát cung bakit hindî agád siya napapahamac pa, palibhasa'y hindî cailâ ang calakilakihang capangyarihan ng̃ canyang mg̃a caaway. Sa utos ng̃ matátaas na puno'y halos hindî humíhiwalay cay Rizal ang teniente ng̃ guardia civil na si D. José Taviel de Andrade.
592 Sa pagca't inaacálà ng̃ mg̃a filipinong yaong kinacailang̃an ang isang pamahayagang maglathalà ng̃ canilang mg̃a mithî at damdamin, nagtatag ang filipinong si G. Graciano López Jaena ng̃ isang pamahayagang pinalalabas towing icalabinglimang araw, na ang pamagat ay La Solidaridad.
593 Nátitira si Rizal sa Lóndres, sa nayon ng̃ Chalk Farm, sa bahay ng̃ isáng mag-anac na mg̃a inglés, na naboboo sa isang matandang lalaki at tatlong dalaga, na nagpapakita sa canya ng̃ boong cagandahan ng̃ loob, dahil sa sila'y nang̃alúlugod sa catalinuhan ng̃ isip at catimyasan ng̃ asal niya.
594 Hindî ipinagbilí ang cahi't isang libong Filibusterismo sa Madrid, ni sa alín mang ciudad ng̃ Europa; ipinadalá niyáng lahát sa Hongkong upang ipasoc ng̃ lihim sa Filipinas; ng̃uni't nátictican ng̃ mg̃a cainalám ng̃ mg̃a fraile, caya't ng̃ dalhín dito sa Mayníla'y nahuling lahát.
595 Guinawa ang lahat ng̃ itó sa cahing̃ian ng̃ mg̃a fraile. Hindî pa nagcasiya ang mg̃a fraile sa gayong gawâ ay hining̃î sa pamamag-itan ni Olive sa general Weyler na ipatapon sa Joló ang dalawampo't limang mg̃a camag-anac at caibigan ni RizaL, at sumang-ayon namán ang general na iyon.
596 Sinagót agad siyá ng̃ canyang familiang howag ituloy ang canyang gayac, cayâ hindî siyá nátuloy niyón ng̃ pag-owi rito. Umupa siyá ng̃ bahay sa Hongkong at doon na siyá nagtumirá, hangang sa siya'y bumili ng̃ maraming libro, na ang bilang ay dumating hangang sa sanglibo.
597 Sa pagca't marami ang nagbalitâ cay Rizal ng̃ mg̃a gayong panunupád ng̃ General Despujol sa canyáng mataas na catungculan, sumulat siya sa Gobernador General na itó, at sinabi niya ang nasang omowî rito sa Maynilà upang ihandóg niya ang pagtulong sa lalong magalíng na pamamanihalâ ng̃ lupaíng itó.
598 Pagcâ lubhang marami ang nang̃apapanig sa isang Cp, mangyayaring magtatag ang Gp ng̃ isang sub C, at siya ang unaunang maghahalal ng̃ mg̃a púnò. Cung natatatag na ay pababayaang ang mg̃a magcacapanig ang siyang maghalal ng̃ mg̃a púnò, ayon sa tadhánà ng̃ mg̃a palatuntunang ito.
599 Sa alín mang sandalî ng̃ caguipitan ay ipalálagay ng̃ bawa't C na siyá ang caligtasan ó cútà ng̃ LF, at cung sa ano mang dahil ay magcawaraywaray ó masirà ang alín mang capulung̃an, bawa't C bawa't G, bawa't A ay magaatang sa sarili ng̃ catungculang pagtatatag at pagyarî ulì ng̃ nalanság.
600 Masayá ang aking loob sa paglagáy sa pang̃anib, hindî ng̃ pagdusahan co ang aking sala (na sa bagay na ito'y walà acóng guinagawang camalian ayon sa aking paniniwálà), cung dî ng̃ bigyán cong capurihán ang aking gawâ at sacsihán ng̃ aking pagbibigay halimbáwà ang mg̃a bagay na aking iniaral.
601 Ipinagmámatigas co ang lahát ng̃ mg̃a caisipáng aking inilagdâ tungcol sa calagayan at hináharap na panahón ng̃ tinubuan cong lupaín, at mamamatáy acó ng̃ boong towâ sa pagsinta sa canya, at lálò na sa pagsusumicap na inyong camtan ang tapat na catuwiran at capanatagán.
602 Samantalang lubhang marami ang mg̃a táong puspos ng̃ mg̃a pag-asa at ng̃ mg̃a minímithing towâ, na marahil ay liligayang lahát cung aco'y mamatáy; sa pagca't inaasahan cong masisiyahan na ang aking mg̃a caaway at hindî na nila pag-uusiguin ang totoong maraming walang málay-sála.
603 Pag-daca'y nag-irugán ang dalawang púsong capowâ bayani, ang dalawang maniningning na isip na capowa nahahandog sa maalab na pag lilincod sa Inang Bayan. Maraming totoo ang canilang pinag-usapang pawang nahihinguil sa adhìcang pagtubós sa Filipinas sa caalipinang kinagagapusan.
604 Mang̃agpipisan ng̃â tayo; mang̃agcacáwatasan tayong sa sulác ng̃ dugo'y nagdaramdam ng̃ dang̃al ng̃ pagcatao; mang̃agtipon tayo ng̃ mg̃a kinacailang̃an upang masunduan nating sa ati'y ibigay ang ating mg̃a catuwiran sa pamamayan; papagtibayin natin, sa isáng salitâ, ang buhay ng̃ "Liga Filipina".
605 Marami rin namang cawayan ang canyang itinaním doon. Ang lúpà sa Dapitan ay batuhán at bundóc-bundóc. Sa lugar na minagalíng niyá sa canyáng lúpà ay nagtayô siya ng̃ isáng bahay, na labing isang metro't calahatì ang harapán at sampong metro ang lalim, sa macatuwíd ay halos parisucát ang lakí.
606 Ipinilit ng̃ fraile recoletanong humalíc ang dalaga, at nanatili itó sa pagtangguí. Ng̃ magcagayo'y sinampál ng̃ fraile ang dalaga, casabay ang lalong masasacláp na pagmura; nuha ang dalaga ng̃ isáng tungcód at hinambalos ng̃ walang toos ang fraile, at itó nama'y tumugón ng̃ suntóc, sicad at tabig .
607 Sinabi co nang hindî nagpapabayad si Rizal, sa lahát ng̃ mg̃a taga Dapitang canyang guinágamot; datapuwa't sinísing̃il cung mg̃a ibang láhì at ang nasísing̃il niyang ito'y canyang ipinamímili ng̃ mg̃a cailang̃ang ipinamamahagui sa mahihirap, ó cung dilî caya'y guinugugol sa icagagaling ng̃ bayan.
608 May na pa sa Dapitang isáng inglés na may bilíg ang isang matá upang ipagamót sa pahám na itinapon doon. Guinamot siya ni Rizal, inalis ang bilíg at lumiwanag ang matá. Nang magaling na'y sining̃il siya ni Rizal ng̃ limangdaang pisong guintò, at pinagbayaran naman ng̃ inglés ng̃ maluwag sa loob.
609 Ang salaping ito'y guinugol ni Rizal sa pagtatatag ng̃ mg̃a ilaw sa mg̃a lansang̃an at plaza ng̃ Dapitang dating wala roon. Nagtayô si Rizal ng̃ isáng Hospital sa tapat ng̃ canyang bahay, at doon niya dinadala, pinacacain, inaalagaan at guinágamot ang lahat ng̃ mg̃a mahihirap na nang̃agcacasakit.
610 Guinagawang libang̃an ni Rizal ang pakikipagsalitaan sa mg̃a batang dukháng caniyang inaampon, at binibigyan niya ng̃ mg̃a ganting pálà, alinsunod sa canicaniyang carapatan ng̃ pagcatuto ng̃ mg̃a dunong na canyang itinuturò at ng̃ mg̃a wicang castílà, inglés, francés at alemán.
611 Maipagcacatiwala pô ninyong lubos sa akin ang inyong mg̃a sulat sa ating mg̃a cababayan, at mahigpit na gáganapín co ang bawa't inyong ipag-utos, sucdang aking icabitay. Rizal (Nagtindig na malaki ang galit) At marapat ca ng̃ang bitayin, sa capang̃itan ng̃ iyong damdamin.
612 Umalís ca ng̃ayon din dito, tacsíl na carugô at ng̃ dî ca mapahamac. At ipinagtulacan ni Rizal ang taong iyon hangang sa mapanaog sa canyang bahay. Kinabucasan, pagcaumaga'y humarap sa Gobernador si Rizal, at sinabi niya ang lahat ng̃ sa canya'y sinalitâ ng̃ taong iyon.
613 Magpacunuwarî cang icaw ay totoong cacampí niya, at sabihin mong cahit iyong icabitay, nahahandà cang gumanap ng̃ ano mang canyang ipag-utos, tungcol sa icatutubos ng̃ Filipinas. Sabihin mong ang iyong pang̃ala'y Pablo Mercado, icaw ay túbò sa Calambâ at camag-anac ca niya.
614 Sacalit aco'y mamatay, dahil sa aco'y maysakít ng̃ayon, pumaroon ca sa convento ng̃ mg̃a recoleto sa Maynílà, sabihin mo roon ang utos co sa iyo, at nalalaman na roon, tuloy ibigay mo ang mg̃a sulat ni Rizal, at pacagagantihin ca roon ng̃ sagánà sa iyong tapát na paglilingcod sa amin.
615 Hindî nagtitiguil ang mg̃a caibigan ni Rizal ng̃ pagsulat sa canya, caya't nalalaman niya ang lahat ng̃ mg̃a nangyari sa Maynílà at ang mg̃a adhícà ng̃ mg̃a filipino, at gayon ding natatanto niya ang lahat ng̃ guinagawâ ng̃ Gobierno at ng̃ mg̃a fraile; ng̃uni't cailan may hindî siya sumásagot.
616 Cung inibig niya'y nacapagasawa sana siyá, sa lalong mayaman at sa lalong maganda dito sa Filipinas, at sa Europa ma'y nacakita sana siyá ng̃ lalong tang̃ing dalaga; ng̃uni't minagalíng niya ang howag magasawa't ng̃ hindî magcaroon ng̃ ano mang sagabal sa paglilingcod sa Inang Filipinas.
617 Nagpapahirap at namumucsa ng̃ catacot-tacot ang mg̃a militar at ang mg̃a voluntariong castílà at lahing castílà. Madalás umalís sa Maynílà ang mg̃a vapor na tiguíb ng̃ lulang mg̃a filipinong ipinatatapon sa malalayong lupaín pagcatapos na maibitin at mabugbóg ng̃ walang awà.
618 Cung tamuhin co pô ang hang̃ad cung itó, hindî lamang manggagamot acó sa mg̃a nasusugatan at nagcacasakít na mg̃a castilang cawal, cung dî macapanggagamot din acó sa mg̃a nagcacasakit at nasusugatang mg̃a cubano. Walang tungcol na makipagpatayan ang médico, cung dî ang magligtas sa camatayan.
619 Icawalong oras at sampong minuto ng̃ umaga ng̃ dumating si Rizal sa haráp ng̃ Consejo de Guerra. Nalalarawan sa canyang mukhâ ang cadalisayan ng̃ canyang púsô, ang catapang̃an ng̃ canyang dibdib, at ang calinisan ng̃ canyang budhî. Luming̃ap siya sa magcabicabilâ. Tinitigan niya bawa't nanonood.
620 Mahusay na mahusay ang pagcacasuclay ng̃ buhóc. Pinaupô si Rizal sa isáng bancong cahoy, balitî rin ng̃ mahigpít na abot-síco at may mg̃a sundalong bantay sa caliwa't canan at sa licuran. Dinaíg pa niya ang lalong casamâsamaang tulisán, ang lalong tampalasang mamamatay-tao.
621 Babarilín acó bucas, sa icapitóng oras ng̃ umaga; ng̃uni't walang malay-sala acó sa panghihimagsic.—Mamamatáy acóng payapà ang aking budhî.—Paalam na acó, lalong magalíng at lalong minamahal cong caibigan, at cailan ma'y huwag cang magsasapantahang gumawâ acó ng̃ masamâ.
622 Agad dumatíng ang isáng paring castílà, capellan ng̃ regimiento ng̃ artillería, at ang tang̃câ niya'y cumpisalín si Rizal. Kinausap siya nitó at sinabing pinasasalamatan niya ang gayong pagpapagal, ng̃uni't isinasamong howag ng̃ magpacabagabag, sa pagca't hindî niya kinacailang̃an.
623 Ipinakiusap ng̃ mg̃a capatíd ni Rizal sa mg̃a punong castilà na mangyaring ipagcaloob na sa canilà ang "cocinillang" guinagamit ng̃ caniláng culang palad na capatíd sa "fuerza de Santiago", ng̃ ito'y nabibilangô pa roon, upang maguing alaala, at napahinuhod namán sa caniláng pakiusap.
624 Limampong sundalong castílà, isáng capitan, isáng teniente, isáng sargento segundo at dalawang cabo ang nang̃agbantay. Pínabantayan sa pang̃ang̃anib na bacâ nacawin ng̃ mg̃a tagalog ang bangcay ni Rizal, at bago ipamalitang ito'y muling nabuhay. Walang pinag-ibhan cay Jesucristo.
625 At ang Gobierno ng̃ castilang nagpapacapagal ng̃ dî ano lamang sa iguiguinhawa ng̃ mg̃a filipino, gayon ma'y hindî mangyaring dî niya gamitin ang fraileng magpacailan ma'y siyang bucál ng̃ ipinaghihirap ng̃ canyang mg̃a sacóp na iyang pinagsisicapan niya ang pagtatamó ng̃ "magandang palad." .
626 Walang cahulilip na lugod ang aming tinamó ng̃ basahin naming dalawa ang casulatang iyon. Maalab at dalisay na pagsinta sa tinubuang lúpà ang doo'y nálalamang sinasaysay sa calugod-lugod na pagcacahanay, mg̃a hiwagang pananalitang sacdal cagandahang tumátaos sa púsò ng̃ bumabasa.
627 Agawán at hinanakitan pa ang pagbilí ng̃ billete. Maraming mg̃a palco ang naipagbilí ng̃ tigsasandaang piso at mg̃a butacang naipagbilí hangang tigdadalawampo't limang piso, mg̃a salapíng tinanggap na lahat ng̃ sinabi ng̃ pang̃ulo ng̃ Capisanang gaya rin naman ng̃ "Album".
628 Cung magalíng ó masamâ ang aking guinawâ sa pagcapanucalà ng̃ monumentong iyón, ang mg̃a cababayang may damdamin ang siyang magpasiya. Sa pagpapaunlac din sa ating capatíd na Martir ay naglathalà acó ng̃ linguhang páhayagang Rizal, na sa casawîang palad ay hindî tumagal ang buhay.
629 Ang mg̃a guinawâ cong ito'y sa pagtupad sa aking catungculang pagcafilipino. Matibay na ng̃ang totoo ang hindî pagcalimot cay Rizal. Sa taon-tao'y guinagawâ, sa sangcapuluang itó, sa icatatlompô ng̃ Diciembre, ang pag-aalaala ng̃ sa canya'y pagbaril, na nalalao'y lalò namang naguiguing dakilà.
630 Ang mg̃a cuhiláng sa canya'y nagpapatay at cahi't patay na'y canilang pinagtataniman pa, baga man lihim at dî maihayag, napipilitang gamitin ang sello ng̃ Correo ni Rizal, ing̃atan ang billeteng dalawang piso ni Rizal ... Iyan ang waláng catapusáng ng̃itng̃ít na parusa sa may pusaling budhî!.

Связаться
Выделить
Выделите фрагменты страницы, относящиеся к вашему сообщению
Скрыть сведения
Скрыть всю личную информацию
Отмена